7. Drop Dead Dangerous

218 13 0
                                    

7. Drop Dead Dangerous

Para naman akong naging bula na pumutok na at di na nila makita. I was out of the scene.

"Buti naman dumating kayo. Kanina pa talaga kami nag-aantay." ang sabi ng ulo ng mga ahas.

"This is a waste of time. Make it quick." parang walang ganang sagot ni Mart. I can't sense any emotion sa kanilang tatlo.

I have no idea why the hell they're here at anong kinalaman nya kay Silver snake.

"Now what? we're giving you 10mins to talk." siya yung lalaki sa taas ng puno. Clark.

Drop Dead Dangerous Men.

I can feel danger. Mukhang tama ang mga naririnig ko na hindi dapat sila kinakalaban. You should not mess with these dangerous guys.

I stand not too far from them, pwedeng pwede na akong makaalis dito pero I wanted to see what will happen next.

"Wag nyo kaming paki alaman sa mga gingawa namin." snake said.

Ngumisi silang tatlo.

"What if we don't agree? " halatang bored na bored na sila sa walang katapusang usapan.

"Fifty : fifty. You get the 50 percent ng makukuha namin. This is business we're talking about."

Wala parin akong maintindihan sa mga pinaguusapan nila. What 50 percent? nasa gitna ba ako ng isang ilegal na transakyon? drugs? what?

"Not convincing. Try harder." iniinis pa lalo ng Clark na ito ang ulo ng mga ahas, halata na din sa mukha ni silver snake ang iritasyo at pagkawala ng pasensya.

"Its getting boring." Mart said.

"Ayaw nyo pa 50 percent na ang makukuha nyo! anong gusto nyo?!"

"One.hundred.percent. "

"A-ano?! Agh! kung hindi kayo madaan sa matinong usapan wala na akong magagawa... " tumingin si S. snake sa mga kasama nya at mabilis na pinalibutan ang tatlo.

Nakita ko ang pagka-irita sa mukha ni Kit na simula kanina ay wala paring imik.

Sobrang bilis ng mga pangyayari, kulang na lang popcorn at soft drinks dahil pakiramdam ko ay nanunuod ako ng action movie! Halata mong hindi sila mga pipitchugin lang, hindi kaya mga underground fighter din ang tatlong ito? Walang kahirap hirap nilang pinatumba ang mga kalaban nila, without even a scratch.

Naramdaman ko ang malamig na bagay sa may sintido ko, nasa likod ko lang pala si silver snake hindi ko man lang napansin? masyado kasi akong nakatutok sa tatlo! Hindi ako gumalaw.

"Wag kayong kikilos o papuputukin ko ang bungo ng babae na to!"

Oh god! Ano naman ito ngayon? drama? at ako pa talaga? kahit na kayang kaya kong baliktarin ang sitwasyon ay hindi ako gumalaw. Lalo na't nakatingin ang tatlo, alam ko na may kakaiba sa ipinakitang ngiti ni Clark. He saw me before, alam nya na hindi ako ang mahinang tipo ng tao, but I wont give him that satisfaction na maging totoo ang hinala lang nya.

"Really? Then shoot her."

Cold-blooded Mart Almert!

"A-anong?!"

"Wala naman kaming mapapala kung papatayin mo sya. Go...walang pumipigil sayo."

Ugh! okay I get it. So kailangan kong gumawa na ng move na hindi nila mahahala ang skills ko?

As much as I hated the idea, bakit ba hindi na lang nila gayahin yung mga nasa roman-shit-action movies na ililigtas ang kaawa-awang babae? Ugh!

Gagalaw na sana ako pero naunahan ako ni Kit, hindi ko inaasahan na ganun sya kabilis na nakalapit, naitulak pa nya ako kaya bumagsak ako sa simento.

My butt hurts! you idiot!

Nanlilisik kong tiningnan si Kit, nakatutok na ngayon kay Silver Snake ang baril na kanina lang ay sa akin nakatutok.

Tumayo ako at pinagpag ang palda ko.

"This is the last time, Steve. No more illegal transaction. Hindi mo gugustuhin kapag kami na ang kumilos."

Naramdaman ko ang takot sa mata ni Silver snake--Steve.

"Bibilang ako hanggang tatlo! kapag hindi pa kayo nakaalis sa ikatlong bilang ay pasasabugin ko ang mga bungu nyo! isa!!" mabilis na kumilos ang mga tauhan ni Steve..."Dalawa!!!" nanatili akong nakatayo at nag-aantay ng huling bilang. Bago pa magtatlo ay naubos na sila at kaming apat na lang ang natitira.

"Tatlo" itinutok ni Mart ang baril sa direction. Hindi ako gumalaw at nagsusukatan kami ng tingin. Ayaw kong bumitiw at di ako magpapatalo sa kanya.

"Takbo habang may oras ka pa, at medyo mabait pa ako."

Napatawa ako sa sinabi nya. Dammit! me and my big mouth!!

"Anong nakakatawa? "iritang tanong ni Kit.

"Nakakatawa lang na may natitira pa kayong kabaitan."

Unti unting lumapit sa akin si Mart at halos magdikit na ang balat namin. Crap! bakit kailangan nya lumapit ng sobrang lapit?

"Bakit hindi kita makitaan ng takot sa mata?"

Napairap ako. Kailangan talaga nya itanong yun?.

"Hindi ka talaga natatakot?"He looked at me as if he's digging a hole inside my soul, yung tingin nya na tagos hanggang kaluluwa ko. He was trying to scare the hell out of me, pero dahil ako ito, at parte ng pagkatao ko ang isang Black Angel Seraphim, hindi nya ako basta basta matatakot sa titig nya.

"Tama na yan Mart. The nerd needs to be out of here." ngumisi pa talaga si Clark at may diin sa pagbigkas nya ng salitang nerd.

I smirk at him.

Naglakad sila palayo sa akin, as if walang nanyari.

Ugh! sana naisip nila na wala akong dalang sasakyan kahit nagpanggap na lang sana sila na gentleman e! Ano bang nangyayari sa akin? parang nakakabaliw na kasi ang mga iniisip ko. Am I becoming a lady now?

Madilim na at kailangan ko ng makauwi malamang at nag-aantay na sa akin ang aking itay.

Papara na ako ng taxi nang may biglang humintong sasakyan sa harap ko.

"Sakay na." Bago pa ako maka alma ay may humatak na sa akin papasok sa loob ng aasakyan.

what the!? this is kidnapping!!!

Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon