Chapter 19

398 15 5
                                    

Jake had to focus on preparing for his race kaya naging busy sya the following day after the night we talked about her previous girls or ex-girlfriends. Natuwa naman ako na wala syang weird na kwento about his past. Nothing came out i.e. fetishes, clingy exes, depressing break-ups, etc. so mukha namang walang maghahabol na girlfriend na super depressed o pregnancy scares man. Nagpakwento talaga ako dahil maganda na yung alam ko ang nakaraan nya at maganda na ring prepared for any eventuality. Ayoko lang talagang magulat ulit pag biglang may humalik sa kanya sa daan o kung saan man. 

Alam ko rin namang imposible na 'kong makabili ng pasalubong at maka-shopping 'pag nagpipre-nup na kami at nagka-country hopping kaya I focused on store hopping habang wala si Jake. 

Sumulpot si Ron sa tabi ko nang I was about to go to a fitting room to try on dresses. 

"Nakakagulat ka!" sabi ko sa kanya.

"Anong meron?" tanong nya habang nakatingin sa mga dala ko. 

"Shopping. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 

"Lahat na ng anggulo ni Jake at lahat ng sulok ng race track may pictures na 'ko," kita mo naman yun sa mukha nyang tila pagod na at bored. "Bagot na 'ko kaya I decided to look for you," sabi nya at ngumiti. 

I sighed. "Hay naku..."

"Wag kang feeling. Si Jake nga ang nagsabi sa'kin na samahan ka," sabi nya. 

"Uh-okay," kibit-balikat ko. Jake-approved naman pala sya.

"So san tayo punta?" tanong nya. 

"O!" bigay ko sa kanya ng gamit ko. "Since andyan ka na rin lang, hawakan mo yang mga gamit ko at magsusukat ako. Let me know if bagay o ano."

"Boring..." reklamo nya pero naupo sya sa upuan na kaharap ng fitting rooms. 

Tinulungan nya akong mamili ng damit. Sinabi nya rin ang mga favorites nya sa mga naisukat ko at pinuna ang hindi masyadong maganda. 

"Wow, you have excellent taste ha," puri ko sa kanya. 

"Kaya nga photographer diba? Creative ako eh!" yabang nya. 

I was glad he was really turning into a friend. 

We went to a café to have coffee and pastries after that. I texted Jake that Ron and I were still together. Ayokong maglihim kay Jake at kahit friendly day out lang naman, gusto kong alam ni Jake lahat ng nangyayari sa'min. 

Hindi na rin naman weird si Ron towards me. He was not hitting on me every chance he gets, not like when he arrived. Mukhang successful ang pagpapakilala ni Connor sa kanya ng girls nung nakaraang gabi at baka naka-score sya, kaya okay na sya. 

"How was last night pala? Sorry we left you," sabi ko. 

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon