Crown 21 – Exchanged Letters
Umalis nang mabilis si Alessia sa harapan ni Kyro.
Tumakbo siya sa malayo.
"Magkikita rin tayong muli, Kyro."
Sabi ni Alessia bago lumingon palayo kay Kyro.
Natapos ang araw na may kung anong pagdiriwang sa isip ni Kyro.
Hindi niya alam kung saan galing ang siglang meron siya.
Nagkaroon siya ng lakas na manalo sa paligsahan.
Nakalima siyang usa.
Hindi alam ni Alessia kung bakit andito sila ni Zeno sa isang kainan para magkita.
Gusto ba talaga ng mga magulang niyang ipares kay Zeno Willard?
"Magandang araw, Alessia."
Ngumisi si Zeno kasi imbis na si Kyro na kanyang inaasahan na pupunta ay wala rito.
Anong kalokohan naman ito?
"Wag kang mag-alala. Pumunta lang ako para sabihin ang katotohanan."
Nakangiting sabi ni Zeno sa nakatayo sa gilid ng upuan na si Alessia.
Nakakunot ang noo at nagmamatyag sa kanyang mukha at plano.
"Anong katotohanan? Ipinagkasundo ba ko ng ina sa iyong ama?"
Tanong ni Alessia na halong pait.
"Maupo ka muna, Alessia. Kalma ka lang."
Pahayag ni Zeno at lumapit na kay Alessia.
"Wag ka ng maghintay. Puntahan mo si Kyro."
Payo ni Zeno habang nakaupo na sa harapan ni Alessia.
May lamesa sa kanilang gitna.
"Sila ba ni Avery ang nag-usap na magkita rin tulad natin?"
Tanong ni Alessia na may pag-aalala sa boses.
"Basta ang alam ko, si Midnight Alex ang gusto ni Kyro at hindi si Deon Marcella."
Pagkasabi ni Zeno nun at tumayo si Alessia papuntang pinto palabas.
"Magtiwala ka sa'kin ako ang kanyang malapit na pinsan!"
Sigaw pa ni Zeno sa malayo.
Kahit talaga namang paniwalang-paniwala na ito.
"Nasa bilihan sila ng wedding gown!"
Dagdag pa nito sa kanya.
Nagdaan si Alessia sa may mga Flea Shops.
Maraming nagtitinda bago pa ang mga tindahan ng wedding gown.
Nagulat siya ng may humila sa kanya sa gilid ng eskinita.
"Huwag kang maingay. Ipagkatiwala mo ang sarili mo sa'kin. Marami kasing kawal na nahabol sa'kin."
Tumakip si Kyro sa katawan ni Alessia kasi may dumaan na mga lalaking may espada, kawal ng palasyo.
"Paano ang paghahanda niyo sa kasal niyo ni Avery? Paano ang kasalan?"
Tanong ni Alessia kahit ayaw niya sanang mangyari ito. Kahit kailan.
"Hindi ako pumunta sa paghahanda ng kasal kasi inaalala kita."
Nakangiting sabi ni Kyro.
Alam niyang may pagtingin sa kanya ang kababata niya noon pa man.
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know ✔
RomanceKyro Augustus has always been a prince who's obedient to his parents. Destined to marry a princess, Alessia Marcella. But not until a girl from a mysterious place tried to break into his life. They meet somewhere only we know and everything went to...