Crown 20 - Competition
Nagkaroon ulit ng isang handaan.
Isang paligsahan.
Nasa labas ng palasyo ang mga ito.
Inanunsyo na,
"Ang paligsahan na ito ay tungkol sa pagpatay sa hayop na mapanganib na inihanda para inyong sugpuin."
Sabi ng lalaking may mikoprino.
Binigyan ang mga prinsipe ng isa-isang espada.
Isa kasi itong tradisyon na gawin bago sabihin kung sino ang magiging sunod na hari ng Elysian Kingdom.
Nagkatinginan si Zeno at Axel. Ngumiti si Kyro sa gitna nila.
Binigyan naman ng mga pana ang mga prinsesa.
Tinanggap ni Deon at Avery ang pana at ang mga bala ng pan ana matutulis.
"Isa lamang alaga ang mga kakalabanin ninyo. Upang magkaroon ng puntos. Bawat isang hayop ay may kaakibat na puntos depende sa laki o lakas."
Hindi pa gising si Alessia sa kanyang pagkatulog.
Hindi niya alam na importante ang araw na ito.
Tuwing sabado kasi siya nagpupuyat para sa paborito niyang palabas sa telebisyon o kaya sa pag-guhit niyang inaabot ng gabi.
Napagdesisyon niyang maglibot na lang sa gubat upang makapunta sa Mystical Street.
Nagsuot siya ng maskara at itim na cape.
Sakto ay nakita niyang may paligsahan.
Sa likuran siya dumaan para puntahan ang kanyang pamilya.
"Siguro naman ay hindi ko na kailangan pang sumali."
Nakahinga siya ng maluwag.
Dahil hindi siya hinanap dahil sa sobrang dami niyang nakitang mga tao.
Nakita ni Deon ang usa sa harap niya kaso hindi niya matamaan ang katawan nito kaya nakawala.
Pero may sunod na tumamang pana sa katawan nito.
Galing sa likod niya.
Ngumisi si Avery sa kanyang ginawa kasi nilingon siya ni Deon.
"Hindi ganyan ang tamang pag-pana."
Sabi nito sa kanya.
Napaupo si Deon dahil sa pagod.
Kanina pa sila dito pero wala siyang nakitang mga lalaki o mga prinsipe ng Elysian Kingdom.
Nagtataka si Alessia kung bakit andito pa naganap ang isang paligsahan.
Nagtago siya sa likod ng puno.
"Ano bang ginagawa ng tatlong 'to at magkakasama? Siguro nagpapayabangan at nagpapalakasan sila. Kaya pare-pareho sila ng pinuntahan. Para mas masabing sila ang mas magaling at sila ang magpapatunay sa isa't isa."
Bulong ni Alessia at humalakhak ng malakas.
"Ilan na sa'yo, Kyro?"
Tanong ni Zeno.
"Wala pa."
Bulong ni Kyro, hindi makapagfocus kung anong gagawin.
Naalala niya ang sinabi ni Zeno nung isang araw.
"Tatlo na sa'kin. Ang hihina niyo pala."
Pagkasabi ni Axel, dala-dala ang tatlong usa at ang kanyang pana.
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know ✔
RomanceKyro Augustus has always been a prince who's obedient to his parents. Destined to marry a princess, Alessia Marcella. But not until a girl from a mysterious place tried to break into his life. They meet somewhere only we know and everything went to...