Chapter 3

8 1 3
                                    

Sakay

"Hi" aniya na parang napaka normal lang ng araw at parang hindi bumabagyo! He's unbelievable!

Nakanganga akong nakatitig lang sa kaniya. Binuksan na niya ang payong at iniabot sa'kin. Napansin kong parang nababasa siya, hindi pala siya nakasukob sa payong! Dali dali ko siyang pinayungan.

Natatawa akong tumingin sa kaniya, para na siyang basang sisiw dahil sa ayos at hitsura niya, ikinunot pa niya ang noo niya at yung mata niyang nagtatanong ay nakatingin sa'kin kaya mas lalo akong natawa sa kaniya.

Nang marating na namin yung Jaguar niya, sa likod ako sumakay. Nakakahiya naman kung sa shotgun seat pa ako uupo. Parehas na kaming naka sakay sa kotse niya pero hindi pa rin niya pinapaandar yung sasakyan niya.

Tinititigan niya lang yung shotgun seat na para bang may tao roon. Tinitigan ko lang siya, akala mo may nakikita siyang hindi ko nakikita eh.

Tumikhim muna siya bago mag salita "Lipat ka rito"
Pag-aya niya sa'kin. Iniling ko na lang ang ulo ko dahil sa kaba at hiya. Pero tinitigan niya lang ako "Come here, Paris" untag niya na parang naiinip.

Kinuha kona lahat ng gamit ko at lumipat na sa shotgun seat. Kinakabahan ako. Nasusuffocate ako, first time ko lang makasakay sa kotse ng ibang tao.

"How's your day, Paris?" Tanong niya na parang tatay ko siya. "Hindi maganda. Umuulan kasi!" Reklamo ko na parang inagawan ako ng candy.

Ngumiti lang siya at pinaandar na yung sasakyan.

Kumakalam na yung sikmura ko sa gutom, alas otso na pala ng gabi. Tinignan ko yung bag ko kung may pagkain pa ba ako. May nakita akong dalawang Cloud 9. Kinuha ko ito at binigay sa kaniya yung isa.

Nang makuha niya na ay inilagay niya lang ito sa isa sa mga compartment niya. Nakahilig lang ako sa bintana ng sasakyan niya. Iniisip kung ano pa ang kakainin ko, nagugutom pa rin ako.

Kumalam ulit ang sikmura ko, ngayon narinig na ito ni Leon. "Where do you wanna eat?" Tanong niya. Namula na ang pisngi ko sa hiya. Tinanggihan ko ang alok niya kahit nagugutom na ako, saka malapit naman na kami sa bahay namin.

Nagulat ako nang mag dire-diretsyo siya. Hindi siya huminto sa iskinita! Sa ngayon ay papunta na kami ng bayan. "Hindi naman dito yung bahay namin eh!" Reklamo ko sa kaniya kasi kahit nasa waze na niya yung bahay ay hindi pa rin siya huminto. Ang magaling pa do'n papunta na kami sa Manila!!!!

"S-saan tayo pupunta, Leon?" Tanong ko sa kaniya na kinakabahan. At sa tonong parang mamatay na, napakalakas ng tibok ng puso ko! Baka ibenta ako nito sa black market!

Nginisihan niya lang ako at huminto sa malaking tower na parang.......hotel....?

"Nasa Pasay tayo, if nag woworry ka. Kakain lang tayo rito." Explain niya nang makita na nanglalaki ang mata ko sa kaniya.

Nasa The Heritage Manila kami! And first time ko rito..."Ang bango" aniya ko na parang bata.

Nginitian niya ako at ngayon ko lang napansin ang biloy niya sa pisngi. Ngayon ko lang tinitigan nang mahabang oras yung mukha ni Leon. Masasabi ko na ang gwapo niya, combination ng mukha niya ang gwapo at cute!

Pero binawi ko agad yung titig ko nang tingnan niya ako pabalik, hahahahaha nakakahiya.

Souls Don't Meet By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon