CHAPTER 26

83 1 0
                                    

     "Honey, we're getting late." My voice echoed sa buong sala.

"Okay, wait up!" He answered from nowhere.

Napailing siya kahit kailan talaga napakatagal nitong gumayak, daig pa ang pagong kakupadan. Kung susumahin ang aming pagligo ay mas mabilis pa ako kung matapos kesa sa kanya.

"I'm here let's go." He said kaya nginitian ko naman ito.

"Sa susunod naman sana mas bilisan mo pa." Medyo iritado niyang sabi kay Justine.

Makalipas ang isang taon na makaalis sila sa Pilipinas ay tinapon ni Samantha ang alaala na naiwan tungkol sa lalaki na kinamumuhian niya. Nagpalit siya ng contact at social media account. Hindi na niya sinubukan na alamin kong ano pa ang nangyari sa loob ng isang taon ng umalis ito sa pilipinas.

"Handa ka na ba talaga?" Napalingon siya kay Justine at napilitang ngumiti.

"Of course." Saad niya at binaling ang tingin sa labas nang bintana ng sinasakyan nila at maiging tiningnan ang mga nadadaanang sasakyan.

Sapat na para sa kanya ang isang taon, ayaw na niyang patagalin pa ang hinahanggad niyang hustisya para sa kanyang pamilya lalo na sa anak niya. Ayaw niyang balewalain ang buhay na inagaw mula sa kanya.

Nakarating sila ng maayos sa airport, umupo siya malapit sa bintana ngunit hindi alam ni Samantha kung bakit siya kinakabahan dahil siguro ay nalalapit na ang muli nilang pagkikita, ng kanyang asawa.

"Your hand is cold and shaking." Napahinga siya ng malalim sa sinabi ni Justine. Tama ito, kahit ako hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman gayong tutuntong uli ako sa lugar kung saan marami na ang nangyari.

"I'm okay honey, I'm afraid of high alam mo yan." She said at nagbigay ng isang tipid.

Hindi binitawan ni Justine ang aking mga kamay, tahimik lamang ito sa aking tabi at hindi na ako kinausap pang muli. Hanggang sa mahinang tapik sa balikat ang aking naramdaman, nang imulat ko ang aking mga mata ay mukha ni Justine ang bumungad sa akin.

"We're here." Sabi nito kaya bahagya akong napakurap at napatingin sa bintana ng eroplano. Nakalapag na nga kami at mukhang hinayaan pa ako nitong matulog ng ilang minuto o oras dahil kami na lang ang tao dito sa loob.

"Hindi mo agad ako ginising." Sambit ko at narinig ko naman ang mahina nitong tawa na ikinakunot agad ng aking nuo. "Why?" I asked at napahilot ito sa kanyang sentido.

"2 hours ka ng tulog, honey. Nabayad pa ako ng 200 thousand, ginising na kita dahil sa baka kinabukasan ka pa magising." Nanlalaki naman ang aking mga mata na tumingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa narinig at agad kung sinukbit ang bag bago tumayo habang nagmamadali na lumabas ng eroplano.

Ngunit bago makatapak sa sahig ng airport ay humampas sa mukha ko ang malakas at katamtamang init ng hangin. Hinawakan ni Justine ang aking kamay bago siya nag umpisang humakbang.

"Bisitahin muna natin si Shayla." imik niya kay Justine at agad naman itong tumango.

"You missed her so much." He said at makikita mo ang lungkot sa mga mata.

"Yes, I am." Sagot ko bahagya itong binigyan ng isang tipid na ngiti.

Isang taon ko rin hindi nabibisita ang puntod niya. Katabi lang din siya ng puntod ng kanyang mga magulang, at Shayla ang ipinangalan niya rito dahil naulit sa kanya noon ni Judd na babae ang kasarian ng kanilang anak.

Iwinakli niya ang naiisip at pinagtuunan ng pansin ang mga tao na dumadaan sa harapan nila habang hinihintay ang susundo sa kanila.

Mayroong mukang mag asawa na hawak kamay habang naglalakad at mayroong isang buong pamilya na inaalalayan ang kanilang mga anak. Hindi niya maiwasan ang mapaluha dahil sa nakikita.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon