CHAPTER 28

85 2 0
                                    

     "Mommy?" Kinakabahan kong tawag sa matanda na s'yang may buhat kay Sammy. Halata rin na natigilan ang matanda ngunit agad itong naglakad palayo sa pwesto ko.

"Mommy!" May kalakasan na sigaw ko ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Hindi ako pwedeng magkamali, hindi ako pwedeng magkamali ng pagkakarinig. Boses yon ni mommy.

Sinundan ko ang daan kung saan nawala ang matanda at si Sammy pero kahit saan lumingon ay hindi ko sila makita hanggang sa mapadpad ako sa isang malawak na hardin at punong-puno ng mga mahahalimuyak na bulaklak sa pinakagitnan noon ay may malawak din na swimming pool.

Umupo ako malapit sa tabi ng swimming pool at napaiyak na lang. Namimiss ko lang siguro si mommy kaya pati ibang tao ay aakalain ko na siya 'yon.

I put my hand on my face to cover my tears and sobs. Sobra ko na silang namimiss, kong wala si Justine sa tabi ko siguro nabaliw na ako. Walang araw na hindi ko sila inisip, lalo na ang anak ko.

Ngunit nahihirapan akong humakbang para makapag higanti man lang. Labag man sa kalooban ang maghiganti pero hindi ko naman kailangang hayaan na lang ang kanilang kasamaan.

"Veron." A full and baritone voice filled the whole place, I clenched my fist bago hinarap kong sino ang nagsalita.

Bahagya kong pinahid ang luha na umalpas sa aking mga mata at taas ang kilay na tiningnan sa mga mata niya si Judd.

"Excuse me." sabi ko lang bago nilagpasan ito. Napatigil ako sa paglalakad ng magsalita siya.

"Let's talk, Veron." He plead at halata sa boses ang pagod? Baka pagod lang dahil sa party kasi kanina lang ay halata ang saya sa kanyang mga mukha.

"Naguusap na tayo Judd, spill it. Dahil wala na akong oras para makausap ka." Sagot ko sa kanya at nakita ko naman ang paglunok nito.

Katahimikan ang namayani sa buong paligid habang nagsusukatan lamang kami ng tingin.

"Aalis na ako"--

"I'm sorry." Sabi nito ngunit hindi ako natinag at inirapan lamang ang sinabi nito.

"I don't need your sorry, Judd." Natatawa kong sambit sa kanya.

"I know." He answered.

"Alam mo pala pero kinakausap mo pa ako. Walang magagawa ang sorry mo Judd." Naiinis ko pang sabi rito at nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Tch. Pwede na siyang sumali bilang best actor sa isang television.

"Judd!"

"Judd!" I smirked when I heard her voice, the devil's voice.

Agad akong humakbang papalapit kay Judd at iniisang tiad upang mahalikan ito sa kanyang labi.

Halata na natigilan si Judd dahil sa pagkagulat at ng maramdaman ko na gaganti na ito ng halik ay lumayo ako. And there I saw Kassy with an angrily look at us.

"Malandi ka!" Sigaw nito sa akin at dinuro ako.

Napatawa ako sa kawalan at pinunasan ko gamit ang likod ng aking palad ang aking mga labi. Nakakadiri. Nakita ko pa ang nadalang lipstick sa aking kamay dahil sa aking mariin na pagpunas.

"Pero mas nauna kang naging malandi, Kassy. Namana ko lang 'to sa'yo." Proud na sabi ko at nginitian sya ng peke.

Halata sa mukha nya ang pagkainis kaya mas napatawa pa ako sa kawalan at hindi nila ako makapaniwala na tingnan.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon