CHAPTER 34

66 2 0
                                    

     "Can you help me again." Walang pag aalinlangan na tanong ko kay Justine, nilagok nito ang iniinom na kape hanggang sa maubos yun at walang buhay na tumingin sa akin habang naiiling.

Umalis ito sa kanyang pag kakaupo at tinalikuran lamang ako. Sinundan ko naman ang kanyang papalayong bulto hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

Marahil siguro ay kahit ito ay napapagod na rin na pakisamahan ako, pero sino bang hindi mapapagod kung ako nga mismo ay napapagod na rin lalo't puro palpak lang ang nangyayari.

Sumandal ako sa sofa at doon ipinagpahinga ang aking ulo bago ipinikit ang mga mata.

"Wear this." Napamulat ako ng mata ng magsalita si Justine. Nakasuot ito ng jacket at may dalang maleta.

"Why? Saan ka pupunta?" Taka na tanong ko, dahil biglaan yata ang magiging pag alis nito.

"Kasama ka, kaya bilisan mo na ayoko ng mabagal." Napatanga ako sa kanyang sinabi.

"Hindi ba pwede na magpahinga muna tayo?" May pagmamaktol na tanong ko pa.

"Sa byahe kana magpahinga. Let's go." Para akong lantang gulay na sumunod lamang sa kanya, bitbit ang slingbag na naglalaman lamang ng cellphone at ilang pera na galing kay Judd. Yes, binigay sa akin ni Judd ang isa sa mga bank account niya at labag man sa loob na gamitin ay wala na akong nagawa kundi ang kibuin yun. Mas masama naman siguro kung aasa lamang ako kay Justine pagdating sa pera gayong pabigat na nga ako sa kanya.

Tahimik lamang kaming bumyahe, nakamasid sa labas ang aking mga mata ngunit hindi ako dalawin ng antok.

"Pwede ka naman matulog kung gusto mo." Basag ni Justine sa katahimikan.

"Nawala ang antok ko." Sagot ko at hindi pa rin siya nililingon. Huminga ako ng malalim bago nagsalitang muli. "Pasensya na, sorry kung pabigat lamang ako." Dugtong ko pa at nilingon ko siya.

"Hindi ko rin nga alam kung bakit hanggang ngayon tinutulungan pa kita imbis na maghanap na lang ako ng mapapangasawa." May himig ng pagka sarkastiko na sambit niya sa akin.

Hindi ko naman maiwasan ang matawa sa kanyang sinabi.

"Baka ako na ang hinahanap mo." Sagot ko at muntik na akong takasan ng loob ng bigla itong prumeno sa kalagitnaan ng high way. Mabuti na lang at hindi ganun kabilis ang aming pagpapatakbo at walang gasinong traffic. "Nababaliw kana ba!" Inis ko na bulyaw bago nagpalinga-linga at ilang galit na mga tao ang dumaraan at kami ay hinihiyawan.

Napakagat naman ako sa aking labi ng ilapit sa akin bigla ni Justine ang kanyang mukha at pinantayan ang aking mga mata.

"Ano bang ginagawa mo?!" Kinakabahan na tanong ko. Iniiwas ko ang aking mga mata sa kanya at ibinaling ang aking mukha.

"Huwag kang magsasalita ng ganun, baka magkatotoo." Seryoso na sabi nito kaya di naman maiwasan na magkameroon ng malaking question mark sa aking isip.

Anong ibig niyang sabihin?

Umayos siya ng pagkakaupo bago nag simula na uling mag maneho dahil na rin sa ilang sasakyan na patuloy kaming binubusinahan na natitiyak ko rin na kung ano na rin ang mga sinasabi ng mga ito dahil sa kalagitnaan pa talaga kami ng highway nakatigil.

Hindi na lang ako kumibo pa at umimik dahil parang pati hangin ay nahihiya ng dumaan sa pagitan namin ni Justine.

ISANG kulbit at yugyog ang nakapag pagising sa akin. Nang tingnan ko ang buong paligid ay maririnig mula sa pwesto ko ang hampas ng alon sa pangpang. Nilingon ko si Justine na nasa labas at nakatuon ang siko sa pintuan ng kanyang kotse habang maigi akong pinagmamasdan.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon