CHAPTER 36

51 2 0
                                    

     Hindi ako makapaniwala sa taong kasama ko ngayon. Nandito kami sa isang bakanteng kubo hindi kalayuan sa aking tinutuluyan na hotel.

"What are you doing here?" Judd asked me pero ang kanyang mga mata ay nakatuon sa tuhod kung kanyang ginagamot.

"Isinama ako dito ni Justine." Sagot ko pa. "Asan si Shayla?" Tanong ko pa at nakita ko na natigilan siya sa aking naging tanong.

"Bumalik kana sa manila, hindi kailangan na nandito ka." Naguluhan ako sa kanyang sinabi.

"Ikaw bakit nandito ka?" Balik tanong ko sa kanya.

Tumayo naman ito at inalis ang tuhod ko na nakapatong sa kanyang binti. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at huminga ng malalim bago sinulyapan ako at ibinalik ulit ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

"Ihahatid na kita." Walang buhay niyang sabi sa akin at hinawakan ako sa braso. Tinabig ko ang kamay niyang yun at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata.

"Pwede bang sabihin mo sa akin lahat Judd? Gusto kung makita ang anak ko." May diin ko na sambit sa kanya ngunit hindi naman siya natinag bagkus tiningnan lang niya ako ng walang buhay niyang mga mata.

"May mga bagay sadya na hindi mo na kailangan pang malaman. Shayla will never come back to you." Hindi ako makapaniwala sa narinig at naiiling na tumingin sa kanya.

"Judd naman huwag mo naman ipagkait sa akin ang bata anak ko rin siya!" Nanginginig ang mga labi habang binabanggit ang salita na ayon.

"Magpakalayo-layo kana Samantha." parang pinipiraso ang aking puso sa mga salita na binibitawan niya.

"P-paano tayo?" Tanong ko pa sa mababang tono. "P-paano yung sinabi mo na magtiwala lang ako sayo?!" Sigaw ko pa at pinilit na tumayo upang makarating sa kanyang pwesto. Hinawakan ko ang kwelyo ng polo niyang suot at tinitigan siya sa kanyang mga mata.

"Kahit ang bata na lang Judd, please. Hayaan mo ako na makita at makasama siya saglit. Kung masaya ka sa piling Kassy, walang problema tatanggapin ko basta- basta gusto ko lang makita ang anak ko, gusto ko siyang makausap at mahawakan man lang." Nahihirapan kung sambit dahil na rin sa pag iyak.

May diing hinawakan ni Judd ang aking dalawang kamay at pwersang inalis yun sa pagkakahawak mula sa kanyang kwelyo.

"Tapos na ang lahat Samantha. Pinagsisisihan ko na ipakilala pa sayo ang bata na dapat hindi na lang pala. I'm also sorry that I introduced you to her as a real mother who shouldn't be anymore."

-----

Bakas sa mukha ng kanyang asawa ang sakit ng kanyang mga salita na binitawan. Masakit man para sa kanya na sabihin ang salita na yun ay kailangan upang mailigtas ang kanyang anak na nasa bingit ng kamatayan.

Alam ni Judd na may nakalagay na tracking device sa kanyang katawan at maliit na speaker upang marinig lahat ni Kassy ang bawat salita na kumakawala sa kanyang bibig. Pilit niyang ipinapakita kay Samantha na wala itong pakialam sa kanya upang tigilan na siya nito.

Kailangan niyang makuha ang buong loob ni Kassy upang pakawalan nito ang anak nilang si Shayla na dalawang araw ng nakakulong sa isang madumi at madilim na bodega na hindi niya akalain na maikukulong ito ni Kassy sa ganoong klase ng lugar.

-----

Hindi makapaniwala si Samantha ng makita ang ginawang pagsuntok ni Justine kay Judd. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang walang awat namang patuloy sa pagsuntok si Justine kay Judd.

"Hindi mo deserves si Samantha! Napakawalang kwenta mo! Yan ba ang sasabihin mo na aayusin mo! Dinala ko siya dito dahil sabi mo ipapakita mo ang bata sa kanya at ipapaliwanag lahat ngunit mas lalo mo siyang sinasaktan!" Mahabang sabi ni Justine sa pasigaw na paraan.

Habang si Judd ay nakahiga sa buhangin at nakatingin lamang sa kalangitan.

"Hindi ko na siya kailangan, kahit sa'yo na ayos lang." Natatawa na saad ni Judd na ako nama'y hindi makapaniwala sa salita na lumalabas sa kanyang bibig.

"Gago ka!" Sigaw pa ni Justine at nagpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Judd.

Agad naman akong tumayo at pinilit na makalakad ng maayos upang makarating sa pwesto ni Justine at niyakap siya ng mahigpit.

"Tama na please." May pagmamakaawa na awat ko.

"Halika na." Yakag sa akin ni Justine at hindi na niya ako hinayaan na lingunin pa si Judd. Hinubad niya ang suot na jacket at ipinatong yun sa aking balikat.

"Sino ba na may sabi na umalis kang mag-isa? Sumama ka pa sa Alvin na yun." Sermon sa akin ni Justine habang sakay kami ng elevator at tinatahak patungo sa aming unit.

"P-paano mo–?

"Sinusundan ko kayo mula pa kaninang tanghali, hindi ba kayo napagod kakalakad?" Nahihimigan ang inis sa boses nito kaya bahagya akong napatawa.

"Tatawa ka pa, muntik ka na tuloy matuhog ng loko na yun. Mabuti na lang at malas siya." Sunod-sunod na sabi nito kaya agad ko siyang kinurot sa kanyang tagiliran.

"Makatuhog ka naman." Nahihiya kung sagot, kahit na totoo ang sinabi nito ngunit napakunot ang aking nuo ng may mapagtanto.

"Oo, kita ko rin yun pero biglang sumulpot si Judd and I think yun na ang way upang magkaayos kayo at magkausap ngunit mali pa rin pala ako. Sadyang gago lang ang napangasawa mo." Mahaba pang paliwanag niya sa akin.

Hindi naman ako umimik bagkus pinakatitigan lamang ang makinis na mukha ni Justine. "Baka ma inlove ka sakin." Salita pa nito bago lumingon sa akin kaya agad naman akong nag iwas ng tingin. Tumikhim muna ako ngunit parang may bumara sa aking lalamunan na siyang naging dahilan kung bakit nagiinit ngayon ang aking pisngi.

Nang makarating kami sa unit ko ay ginamot ni Justine ang aking sugat na naudlot na gamutin kanina ni Judd. Magaan ang kanyang mga kamay habang nilalagyan ng betadine ang aking sugat.

"Mayroon ka ng damit doon sa closet, maghinaw kana at mag palit. Babalik ako at dadalhan kita ng pagkain." Imik nito sa mababang tono. Tumayo na si Justine at nilagpasan ako ngunit hinagip ko ang kanyang palapulsuhan kaya nilingon niya ako.

"Salamat." Imik ko ngunit hindi niya ako sinagot at nag tuloy-tuloy na lang paglabas ng unit ko.

Tahimik akong umiiyak habang naglalakad patungo sa bathroom. Pag kaalis na pagkaalis pa lang ni Justine ay nagkusa ng tumulo ang aking luha at napapatawa sa nangyayari sa aking buhay. Konti na lang talaga ay kailangan ko na yatang magpadala sa mental dahil parang hindi na kinakaya ng sistema ko ang lahat na pangyayari. Taon-taon, halos walang pahinga ang sakit na aking nararamdaman.

Nang matapos akong maghinaw ay nakarinig ako ng katok mula sa labas, sa pag aakala na si Justine ayon ay hindi ko inakala na siya na naman ang makikita ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhan ko pa na tanong.

"I can't." Nahihirapan na imik niya.

"Ang alin na naman?!" kunot-noo na tanong ko at nanlaki pa ang aking mga mata ng lumuhod siya sa harapan ko. Napansin ko naman ang bulto ni Justine na nasa likod lamang ni Judd may tulak-tulak ito na natitiyak ko na pagkain ang laman niyon. Ngumiti sa akin si Justine at tumalikod na sa amin ni Judd.

"Please, Samantha. Trust me with this." Naiiling na lang ako sa naririnig mula kay Judd.

"Pasensya na ngunit nagugutom na ako." Usal ko at halata na natigilan si Justine sa narinig habang nakatalikod. "Kakain pa kasi kami ni Justine, kausapin mo na lang ako kapag dinala mo na ang anak ko dito. Isang linggo akong maghihintay Judd, isang linggo lang kung gusto mo pa ako na magtiwala sayo." Walang buhay kung sagot at walang buhay ko rin siyang tiningnan.

Tinabig ng paa ko ang kamay niyang nakahawak sa aking dalawang paa bago sinenyasan si Justine na pumasok na.

Sinaraduhan ko naman ng pwersa ang pinto at huminga ng malalim. Umalpas na naman sa aking mga mata ang luha. Natatawa pa sa aking naging dahilan dito na nagugutom ako.

"Anong klaseng dahilan yun? Bakit hindi mo kinausap ng maayos?" Tanong sa akin ni Justine habang inaayos ang dalang pagkain sa ibabaw ng mesa.

"Magtatampo ka pa kasi." Nangingiti ko na sabi na ikinatigil naman niya.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon