Everything happens for a reason, lahat may dahilan. Yan ang isa sa tumatak sa aking isipan na sinabi sa akin ni Justine noon.
Hindi madaling sakit at hindi alam kung may lunas ba dito. Noon pa man ay ito na ang pinakatago-tago kung sakit mula kay Judd dahil ayoko din naman dumating ang point na maawa lang siya sa akin kaya siya naging mabait noong mga panahon na nagsasama kami. Ang gusto ko lang kasi ay kusa niya akong mahalin at ginawa naman niya.
Nalaman ko lang din ang sakit ko noong nasa US kami ni Justine, kahit si Justine ay hindi ko rin sinabihan at tanging si Christine lamang, pero ngayon lang din ito nalaman ni Christine.
"How did that happen?" Rinig ko pang tanong ni Judd kay Christine.
"Nito ko lang din nalaman noong tumuloy siya bahay at pinuntahan mo pa. Kaya pinilit namin siyang hanapin ni Justine dahil sa kalagayan niya." Paliwanag pa ni Christine sa kanyang kapatid na si Judd.
"We need a doctor, the good one. Yung sigurado na magagamot siya at gagaling." Buong boses ni Judd at halata ang takot sa kanyang boses.
"Okay kuya." Sagot lang ni Christine at narinig ko na ang pagsara ng pintuan.
Naramdaman ko naman ang papalapit na presensya sa aking pwesto. Nanatili akong nakapikit at pinipilit na hindi makagawa ng kilos upang hindi mabuko na gising talaga ako, ngunit sino nga ba ang niloko ko?
"Kelan pa, Veronica?" Napakuyom naman ang aking palad ng magsalita si Judd nang bahagya kung naramdaman ang pagupo niya sa kama na natitiyak kung malapit sa akin.
Hindi naman agad ako umimik bagkus ay tumalikod lamang ako mula sa kanyang pwesto. Naramdaman ko pa ang kanyang pag galaw at ang presensya na sobrang lapit sa akin. Ang mainit na hilab ng katawan ni Judd ay naramdaman ko sa aking likudan at isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya kaya agad namang naglandas ang aking luha.
Pumihit ako paharap sa kanya at mariin na ipinikit ang mga mata bago siya niyakap. Ang hikbi na tahimik ay nauwi sa malakas na pag iyak habang nakakulong sa mainit na yakap ni Judd.
"Hindi mo naman kailangang itago sa akin." Mahinahon na simula ni Judd mula sa mababang tono.
"Ang gulo na kasi lahat, huli ko na rin namang nalaman." Sinisin'ok na sagot ko sa kanya at hinaplos ang aking buhok.
"I'm sorry for everything." Napapikit pa ako ng mas mariin sa narinig bago mas hinigpitan ang pagyakap sa kanya.
Pakiramdam ko ay ligtas ako sa yakap na binibigay niya sa akin kaya ilang minuto pa kaming nasa ganung posisyon hanggang sa mas tuluyan ng lamunin ng antok.
JUDD'S POINT OF VIEW
Maigi kung pinagmamasdan ang aking asawa na mahimbing natutulog sa aking tabi habang nakaunan ang ulo niya sa aking braso.
I trace her eyebrows and nose until I reach her soft lips. God knows how much I missed her at hindi ko na kaya pang pigilan at itago ang tunay kung nararamdaman sa kanya lalo sa nalaman na kanyang kalagayan.
Kumawala naman ang ngiti sa aking labi ng gumalaw ito at mas isiniksik pa ang mukha sa aking dibdib. I check the time on my waist and it's past 2 AM na. Before I get up, I kissed her forehead and went out to the room.
Kulang nalang ay mapaurong ako ng makita ko ang aking mga kaibigan sa labas ng pintuan na siya kung pinaglabasan habang may ngiti sa kanilang mga labi.
"What?" Sikmat ko na mas ikinahagalpak pa ng tawa nila. Binatukan ko naman sila isa-isa at sabay-sabay rin silang nagkamot ng batok nila. "May tulog, baka magising." Sita ko sa kanila at nag dere-deretso lamang sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
Storie d'amoreBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...