CHAPTER 46

56 1 0
                                    

     Napakagat naman ng labi si Samantha dahil sa ngiti na nakapaskil sa labi ni Justine. Kapag minamalas naman nga! Bulong ng kanyang isip.

"What?" Mataray niyang tanong sa mga ito.

"Anong ginagawa mo, Sam?" Maang-maangan naman na tanong sa kanya ni Christine.

"What do you think?" Maarte pa niya na tanong.

Umiling naman si Christine at ang nakakabugnot na pagmumukha ni Justine ay talaga namang masarap ng pukpukin ng martilyo. Basta nakakakagigil na yung itsura. Daig pang nahuli ka nitong nakikipagtalik kung makangiti.

Naglakad si Samantha at nilagpasan lamang ang dalawa.

"Wait." Habol sa kanya ni Christine ngunit hindi naman siya tumigil at nag tuloy-tuloy lang hanggang sa marating nila ang office niya.

"Ano?!" Medyo iyamot niyang tanong sa dalawa.

"Tell us the truth!" Inis na rin na sabi ni Christine.

"Truth, what?" Tanong niya sa mga ito. "Nag aaksaya lang kayo ng oras dito Christine." Dugtong pa niya at hindi maiwasan na mapataas ang kilay ng irapan siya nito.

"You can't fool me, Samantha." Napatigil naman siya ng magsalita si Justine.

Seryoso na itong nakatingin sa kanya ngayon na akala mo'y binabasa at binubuklat ang buo niyang pagkatao pero hindi naman niya mabasa-basa kung ano ang ekspresyon sa mga mata ni Justine.

"FINE!" she yelled. "Oo, nakakaalala ako. Naalala ko kayong lahat. Happy?" Irita niyang sigaw kay Christine at Justine.

"Pero bakit ka nagpanggap?!" Hindi makapaniwala na tanong ni Christine sa kanya.

Marahan si Samantha na na-upo sa swivel chair. Hindi agad siya umimik at nanatiling tahimik.

"Sabihin mo Sam." Pangungulit pa sa kanya ni Christine.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "I'm tired Christine. Huwag muna natin pag usapan sa ngayon. Hayaan niyo muna ako makapag-isip and please don't tell anyone that I have my memories back. Lalo kay Judd." Sabi ko sa mababang tono. "Huwag niyo akong tingnan na para kayong naaawa sa sitwasyon ko. Makakaalis na kayo." Pantataboy niya pa.

Dahil sa sa pinaka ayaw ni Samantha ay yung titingnan siya ng ibang tao na para bang nakakaawa o naawa sa kanya. Sapat na yung sarili na lang niya ang maawa mismo sa kanya dahil sa lahat ng nangyayari sa kanyang pamilya.

Ngayon pang alam niya na hindi na si Kassy ang kalaban nila. Kung bakit hinding-hindi pa mahuli si Jacob upang matapos na ang lahat. That now I know that Judd had his reasons kung bakit siya nakakasama ni Kassy. Pero ano ang dahilan? Bakit parang hirap na hirap si Kassy bitawan si Jacob?

Huminga siya ng malalim at iwinakli ang nasa isip. Minabuti niya na linisin ang utak at magtrabaho na ulit. Hanggang sa sumapit ang alas tres ng hapon ay napagpasyhan niya ang makipag kita kay Luigi, her private investigator. Yun kasi ang pangalan nito binalak rin niya silipin man lang ang kanyang anak na talaga naman sobra na niyang namimiss.

Nahahabag siya para sa bata dahil hindi dapat nito nararanasan ang ganitong sitwasyon gayong lakad sa tatlong taon palang si Shayla.

Lumabas si Luigi sa isang itim na kotse at pinabuksan siya ng pintuan sa backseat. Agad naman siyang sumakay dahil baka may makakita pa sa kanya gayong dito siya nagpasundo sa kompanya.

"Malayo pa ba tayo?" Hindi mapigilan ni Samantha na tanong, halos mangawit na rin ang kanyang puwetan dahil sa tagal ng kanilang byahe.

"Mga isa't kalahating oras pa po siguro ma'am, depende sa traffic." Napahinga naman siya ng malalim sa naging sagot ni Luigi.

Ipinilig na lang niya ang ulo at tumingin sa labas ng bintana. Nabuhay naman ang kaba sa dibdib niya sa hindi maipaliwanag na nararamdaman o dahil yun sa pag asa na makikita na niya ang kanyang anak.

"By the way, nabigyan mo ba sila ng matutuluyan? Nang pagkain?" Imik pa niya at tiningnan ang likod ni Luigi na marahang nagmamaneho.

"Yes ma'am. Mas pinili ko ang lugar na hindi masyadong matao at malayo sa highway." Magalang na sagot ni Luigi sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi nito dahil kahit papaano ay maganda ang naisip niya.

Malayo sa highway ay maliit ang tyansa na makita ni Kassy. Pero si Kassy nga ba? Paano kung si Jacob ang siyang naghahanap sa bata, lalo't mahilig pa naman magsusuot sa kung saan ang lalaki na ayon.

"Are you okay ma'am?" Nabalik naman siya sa katinuan ng marinig muli ang buo at matigas na boses ni Luigi.

"Yes, I'm okay." Sagot niya. "Wala ka bang napapansin na kakaiba sa paligid nila? Look at him." Dugtong pa niya bago may inabot na litrato kay Luigi. Kinuha naman yun ni Luigi at nilingon.

Marahan lang ang pagpapatakbo nito at panaka-nakang sinusulyapan ang litrato na hawak.

"Nakita ko siya noong minsan. Nakasabay ko siyang bumili ng sigarilyo malapit sa kanto hindi kalayuan sa bahay na tinuluyan ng mag lola." Mahabang sabi ni Luigi.

Para namang may bumara sa lalamunan niya dahil sa narinig. Natahimik siya at hindi agad nakapag isip ng maayos.

"Itigil mo ang sasakyan." Mariin na utos niya na ginawa naman nga ni Luigi.

"It's him." Nanlalaki na mata na turo ni Samantha kay Jacob na natatanaw mula sa pwesto nila.

Naninigarilyo ito at waring nagmamasid.

"May ipapagawa po ba kayo ma'am?" Tanong sa kanya ni Luigi.

"Anong ipapagawa ko eh isa ka lang naman imbestigador. Mapaano ka pa." Narinig naman niya ang mahinang tawa ni Luigi. Sa buong byahe ay ngayon lang niya ito narinig na tumawa.

"I mean, i didistract ko siya then yun sa pinaka dulo ang bahay na kinuha ko sa kanila." Napakagat naman siya sa labi sa sinabi pa ni Luigi.

"May tiwala ako sayo, okay!" sagot niya at huminga muna ng malalim.

"Okay, eyes on me. Then kapag nakatalikod na kami at papalayo take your chance at maglakad ka lang ng mabilis papunta doon. Take care." paliwanag pa nito sa kanya.

Si Samantha naman ay parang bata na agad tumango kay Luigi. Nagitla pa siya ng bahagyang guluhin ni Luigi ang kanyang buhok.

Para saan yun? Close ba kami? Tanong niya sa sarili. Nai iling naman siyang nag focus sa kung anong sinabi ni Luigi.

Nang makita niyang malayo na sa pwesto niya ang mga ito ay nagmadali siyang lumabas ng kotse at lakad takbo ang kanyang ginawa hanggang sa lingunin niya ang mga ito ngunit hindi na natanaw ng kanyang mga mata.

Halos pagtinginan siya ng mga tao doon at naririnig pa niya ang ilang bulungan. Isang tipid naman na ngiti ang kanyang sinusukli sa mga ito.

Nang marating ang pintuan na itinuro ni Luigi ay hindi na siya nag dalawang isip at agad ng kumatok. Ngunit nagtaka naman siya ng walang sumasagot.

"Mommy Jasmin, Shayla. Ako ito, si Samantha." impit niyang bulong sa may pintuan at doon nag bukas ayon.

Si tita Jamsin ang nagbukas at namimilog naman ang mga mata na tumingin sa kanya. Bigla nitong nilawakan ang bukas ng pinto bago hinila siya papasok sa loob at nilock muli ang pintuan.

"Oh my God hija!" Naiiyak na sabi sa kanya ng ina ni Judd.

Niyakap naman niya ito pabalik. "Mommy, nasaan po si Shayla?" Agad niyang tanong sa matanda. Halata na kasi ang puti nito sa buhok at halata na rin ang pamamayat.

"Nasa loob ng kwarto hija." Naluluha pa nitong sagot sa kanya.

Hindi naman nag patumpik-tumpik pa si Samantha at agad na tinahak ang nag iisang kwarto sa loob ng maliit na bahay na ayon.

Nakita niya ang anak niyang mahimbing na natutulog. Yakap-yakap ang isang maliit na manika, naluha naman siya ng mapagtanto ang manika na yakap ng ng kanyang anak.

Dahil isa yun sa laruan na bitbit ni Shayla noong araw na nag mamadaling umalis si Judd at Shayla sa bahay.

"She missed you so much." Nag laglagan naman ang luha niya ng marinig ang sinabi ng kanyang Mommy Jasmin.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon