Huminga muna ng malalim si Samantha bago nagtungo sa harap ng gate. Kinakabahahan naman siya habang naglalakad hanggang sa makarating siya doon.
"What are you doing here?" Mataray at walang buhay niyang tanong.
Para namang may kung anong magnet ang mga titig ni Judd sa kanya kaya nag iwas agad siya ng tingin.
"Gusto kitang makasama." Parang may kung ano namang bumara sa kanyang lalamunan ng marinig ang sinabi ni Judd.
Agad na?
"What are you saying?" Naitanong niya at pinilit na tatagan ang sarili upang hindi bumigay.
"Can you please open the gate? Alam kung naalala mo ako." Nasupil naman niya ang bibig at parang may kung ano ang bumara sa kanyang lalamunan.
"Umalis kana, hindi ko alam ang sinasabi mo." Patay malisya niyang sagot at tinalikuran na ito.
Ngunit hindi ko inasahan na makikita ko si Tita Jasmin sa harap ng pintuan. Nakatingin sa akin at halata na nangungusap ang mga mata nito.
"Mom?" Napapikit ako ng mariin sa binigkas ni Judd. "Samantha hindi mo na kailangang magpanggap!" Halata ang inis sa boses ni Judd.
Humarap naman ako sa kanya at sinamaan ito ng tingin.
"Ikaw, bakit hindi mo manlang naisip na ialis sila sa mabahong lugar na ayon?" Galit na tanong ko. "Yung anak natin nagtitiis sa masikip na bahay at mabahong lugar tapos ikaw paeasy-easy lang!" Sunod ko pang sabi.
"I'm sorry okay." He spoke. "Naunahan mo lang ako, nalaman ko na lang na inialis mo sila doon. That's why I'm here." Mapakla naman akong napatawa sa kanyang sinabi.
"Naunahan? O sadyang inuna mo ang Kassy na yun imbis na ang pamilya mo." Halata naman na natigilan si Judd sa aking sinabi.
Hindi agad ito nakaimik o naka bawi man lang. "Umalis kana, bumalik ka nalang bukas pero huwag muna ngayon." Sunod ko pang sabi at umalis na doon.
Nilagpasan ko lang naman si Tita Jasmin bago pumasok sa loob.
"Sige na Judd. Bumalik ka nalang bukas." Rinig niyang sabi ng sariling ina ni Judd dito.
Nagpatuloy lamang ako patungo sa kusina at ipinagpatuloy ang pagluluto. Hanggang sa matapos ako ay siya rin namang pag sulpot ng tita Jasmin sa kung saan.
Ramdam ko na pinagmamasdan niya ang aking pag-hahayin sa hapag at hindi ko naman maiwasan ang mailang.
"Nakakasama pa rin pala ni Judd ang babae na yun?" Bahagya naman akong tumango bilang sagot bago tiningnan ang ginang sa kanyang mga mata.
"Narinig ko silang nag uusap kahapon, sa loob pa mismo ng kompanya ko." Walang gana kung sagot. "Ibinalik ko na rin kay Kassy ang shares niya." Sunod ko pa na sabi. Napansin ko naman ang pagtango nito bilang pag sang-ayon.
"How about Judd?" She asked me again.
"Inalis ko na rin ang shares niya mommy. Hindi ko na po kasi maintindihan kung ano pa ang plano ng anak niyo." Sagot ko lang bago nag punas ng kamay sa apron na nakakabit sa aking bewang. "Kumain na po kayo, pupuntahan ko lang si Shayla." Ani ko pa bago tinanggal ang apron at nilagpasan ito.
Nakahinga lang ako ng maluwag hanggang sa umakyat na ako sa taas. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok at naabutan ko naman si Shayla na naglalaro ng doll sa kanyang kama.
"Momii." Bungad niya habang may ngiti sa kanyang mga labi.
"Hi baby, kamusta naman ang prinsesa ko?" Nakangiti ko rin namang tanong.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...