Wala kaming ibang ginawa sa loob ng MOA kundi ang mag gala. Nakakatuwa lang isipin na hindi naman kami ganito kasaya noon pero heto, masasabi ko na umaapaw sa kaligayahan ang aming puso ni Judd dahil nakikita namin na masaya ang nagiisa naming anak.
Sunod naman naming pinuntahan ay ang amusement park, kung saan-saan kami pinapad hanggang sa mapagod at antukin na si Shayla dahil na rin sa pagod.
"Wifey." Tawag sa akin ni Judd, napalingon naman ako sa kanya na ngayon ay maiging nakatuon ang mga mata sa daan.
"Hmm." Himig na sagot ko.
"Nothing." Sagot niya sa akin.
"Trip mo lang?" Tanong ko pa at hindi maiwasan na matawa ng mahina.
"Masaya lang ako." Mababang tono na sagot pa niya sa akin.
Hinawakan ko naman ang isa niyang kamay at hinaplos ayon. Bahagya akong sumandal sa kanyang balikat.
"Mas masaya ako, dahil sa lahat ng nangyari sa buhay natin ay heto tayo ngayon. Maayos at pilit na ginagawang matatag ang ating pamilya." Sagot ko bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Husbie." Tawag ko pa kay Judd at umayos na ng upo.
"Yes, wifey?"
"Let's help Kassy." Sabi ko pa at binalot naman ng katahimikan ang kabuuan ng sasakyan. Marahil ay nag iisip ito ng sasabihin at isasagot sa akin.
"Bakit mo naisipan?" Tanong niya sa akin. Ibinaling ko naman ang aking ulo sa bintana ng kotse bago huminga ng malalim. Bakit nga ba?
"Ewan ko din, basta para sa akin kailangan niya sa ngayon ng tulong. Kahit para sa anak lang niya, ayoko lang na magaya sa atin ang mangyari sa kanya. Bata pa si Julius, mahirap naman kung mawawalan ng ina si Julius diba?" Mahaba kung sabi kay Judd.
Hinawakan naman nitong muli ang aking kamay at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.
"Ang swerte ko sayo." Hinampas ko naman ang braso ni Judd dahil sa kanyang sinabi. Hindi naman maiwasan na kiligin dahil doon.
"Maliit na bagay." Nangingiti ko na sabi sa kanya at nagpatuloy na ito sa pagmamaneho.
Hanggang sa makarating kami sa bahay at si Judd na ang nagbuhat kay Shayla na payapa pa ring natutulog. Marahil ay sobra itong napagod sa aming ginawa maghapon.
"Mukang pagod na pagod ang aming prinsesa ah." Bungad sa amin ni Mommy Jasmin ng nakarating kami sa sala.
"Opo, lumabas ang kakulitan ng apo niyo mommy." Natatawa kung sabi ngunit sa mahina na bigkas.
Si Judd naman ay nagtuloy lang sa pag akyat sa hagdan. Naupo ako sa sofa dito sa may sala at ganun din si Mommy Jasmin. And yes, mommy na ang itatawag ko sa kanya lalo na sa aking isipan.
Always think positive dapat dahil pagsubok lang ang lahat ng ito pero matatag kami bilang isang pamilya. Kahit na sino ay wala ng makakapag pahiwalay sa aming dalawa.
"Thank you, Samantha." Halata ang tuwa sa boses ni Mommy Jasmin ng sabihin niya yun sa akin.
"For what, mommy?" Na iiling ko na tanong.
"Ang makitang masaya ulit kayong dalawa, lalo na ang aking apo." Sabi pa nito sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "Pagsubok lamang ang lahat. Alam ko, kung nakikita man ito lahat ng mommy at daddy mo tiyak kung masaya sila dahil unti-unti ng nagiging maayos ang pamilya niyo ni Judd." Napangiti naman ako ng bahagya sa sunod na sinabi ng ina ni Judd.
"Tiwala lang mommy." Maikli na sagot ko.
Napapikit naman ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at dinama ko yun, yakap ng isang ina. I missed my mom, at nagpapasalamat ako dahil mayroon akong padalawang ina at yun ay ang mommy ni Judd.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...