Sintomas na hindi ko dapat nararamdaman kaya nag umpisa na akong kabahan. Ngunit wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin na ngayon ay ito'y ipinagkaloob sa amin ni Judd.
Hindi ako nagsisisi pero hindi ko naman maiwasan ang kabahan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking hawak na kahon, may laman itong patay na palaka na siyang nakapag paduwal sa akin. Nandidiri man ay kinuha ko pa rin ang papel na naiipit ng patay na palaka at binasa ang nakasulat doon.
'SHAYLA' yan ang nakasulat sa papel at kung hindi ako nagkakamali ay sulat mula sa dugo ayon. Hindi man dugo ng tao marahil ay dugo na rin yun ng palaka na nasa box.
Ginusumot ko ang papel at itinapon sa basurahan pati na rin ang kahon na naglalaman ng patay na palaka. Kung hindi ko alam ang dahilan at ang katotohanan about kay Kassy marahil ito na ang aking pinagbintangan na may pakana ng dead threat na ito ngunit mali. Nag iisa lamang ang aming kaaway walang iba kundi si Jacob. Ngunit saan ko siya hahanapin?
I also texted Kassy na bumalik na sa kompanya ko at hindi ko na babawiin ang shares ngunit hindi ito nag reply man lang. Sinubukan ko na ring tawagan ngunit naka off naman ang cellphone nito.
Nabalik naman ako sa katinuan ng makarinig ako ng tatlong katok mula sa pintuan ng office ko. Isang linggo na muli ang lumipas kaya heto back to work na ulit with Angela.
"What now?" Tanong ko kay Angela na ngayon ay naglalakad palapit sa aking pwesto at naupo sa kaharap na upuan.
"May nagpadala po ma'am." Napakunot naman ang aking noo ng makita ang kahon na hawak muli ni Angela.
"Saan galing?" Naguguluhan ko na tanong.
"Basta na lang po kasi ako pinaperma at hindi po alam kung saan galing dahil hindi nagpakilala yung nag abot nito doon sa delivery boy." Mahabang paliwanag naman niya sa akin.
"Itapon mo, at simula ngayon huwag kang basta-basta tatanggap ng delivery kahit saan lalo na kung hindi kilala kung sino mismo ang nagpadala." Paliwanag ko naman ng kay Angela na agad din nitong ikinatango sa akin.
Yumuko siya sa aking harapan bago nagsalita. "Sorry po ma'am hindi na po uulit." Hinging paumanhin niya sa akin.
"No need to say sorry. Basta palagi ka rin mag iingat." Sabi ko pa dito at muli naman siyang tumango.
Tinitigan ko lang ang bulto ni Angela na papalabas sa aking opisina. Binalot man ng kursyunidad ang buo kung pagkatao kung ano ang laman ng kahon na ayon nagsawalang bahala na lang ako at mas pinag-igi ang trabaho.
Wala pang isang oras ng biglang tumunog ang ang cellphone, napangiti ako ng bahagya ng makita kung sino ang tumagawag.
"Yes, mahal kong asawa?" Nakangiti na sabi ko ng masagot ko ang tawag niya.
"Natanggap mo ba ang pinadala ko sayo?" Napakagat ako sa labi dahil sa kanyang tanong. Hindi agad ako naka imik at tinuktukan ang sarili. "Wifey, are you there?" Napa kurap ako ng dalawang beses ng marinig muli ang boses ni Judd.
"Yes, husbie. Salamat." Pagpapasalamat ko.
"You're welcome." Sagot pa niya sa akin.
Pinatay ko agad ang tawag at hindi na nagpaalam pa. Agad ko namang pinindot ang entercom upang kausapin si Angela.
"Yes, po ma'am?" Sagot ni Angela.
"Where's the box?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, nandito po ma'am sa aking basurahan." Sagot niya sa akin na ikinahinga ko naman ng maluwag.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...