CHAPTER 53

49 1 0
                                    

     Nagising ako sa isang kwarto na ang tema ay kulay puti, inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan at ako lamang mag isa ang nasa loob. Walang iba, walang Judd na kasama. Sinulyapan ko pa ang swero na nakakabit sa aking kamay at hindi mapigilan ang hikbi na kumawala sa aking labi.

Naalala ko pa ang bata sa aking panaginip, hindi ko man lang nakuha ang pangalan nito hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.

Hinaplos ko pa ng bahagya ang aking puson upang damahin yun ngunit umaasa na sana ay nandito pa ang bata na babago pa lamang mabubuo. Pero may pag asa ba na maligtas ito sa ganung uri ng aksidente? Hindi mapigilan na tanong ko sa aking sarili.

Napalingon naman ako ng biglang magbukas ang pintuan at iniluwa noon si Judd. Nang makita niya akong nakatingin sa kanyang pwesto ay agad niya akong dinaluhan at tinanong.

"May masakit ba sayo? Kamusta ang pakiramdam mo?" Magkasunod niyang tanong sa akin.

Itinuro ko naman ang tubig malapit sa aking higaan na nakapatong sa isang maliit na side table, agad niya akong ikinuha ng tubig bago tinulungan akong makaupo at ako ay pinainom. "Okay ka lang ba, teka lang tatawag ako ng doctor." Halos natataranta nito muling sabi bago nagmamadali na lumabas ng silid.

Ilang minuto pa ay pumasok muli si Judd at kasunod na ang isang may edad na doctor. Chineck ang aking mata at ang swero na nakalagay sa kamay ko.

"May masakit ba sayo hija?" Tanong sa akin ni doc at umiling naman ako ng bahagya. "Okay, tatapatin na kita. Mabuti naman at naligtas ka, isang himala na yun lalo't ng makita namin ang cctv sa aksidente ay talagang bihira lang o maliit ang tyansa ng isang tao na nakasakay sa ganoong pangyayari ang maliligtas. Kaya magpasalamat tayo sa naitaas at hindi ka niya pinabayaan." Mahabang sabi sa kanya ng doctor.

"How about my baby?" Hindi ko mapigilan na tanong. Tiningnan naman ako sa mata ng doctor at napansin ko pa ang paghinga niya ng malalim. "Don't tell me---?"

"What baby?" Napalingon naman ako kay Judd na halata ang pagtataka at gulat sa mga mata.

"Tell me doc! Naligtas ba siya? Nasa loob ko pa rin ba siya?" Tanong at pagtukoy sa aking pagbubuntis.

Ngumiti sa akin ang doctor at tumango. "You're lucky, hija." Komento niya sa akin. Ang hininga na kanina ko pa pinipigilan ay akin ring napakawalan. Niyakap ko si Judd ng buong puso at doon umiyak ng umiyak.

"Ligtas ang anak natin, Judd!" Sabi ko sa pagitan ng aking mga hikbi.

"What do you mean? Ipaliwanag mo sakin." Naguguluhan na tanong niya sa akin at kumawala sa aking yakap. Hinawakan ni Judd ang aking pisngi ng kanyang dalawang mainit na palad. Napapikit ako at dinama ayon. "I'm pregnant, husbie. Magiging ate na si Shayla." Sagot ko sa kanya habang nakapikit pa rin ang mga mata at dinadama ang init na nagmunula sa kanyang kamay.

Napamulat na lang ang aking mata ng maramdaman ang magaan na halik sa aking labi kasunod noon ang paghalik niya sa aking noo.

"I love you, thank you because you're safe now." Bulong niya malapit sa aking tenga. "Tell me, what happened? Bakit nangyari sayo yan?" Tanong niya sa aking muli at doon na ako nagsimulang kwento simula sa kahon na may lamang patay na palaka.

Marahil ay hindi ito ginusto ni Kassy pero who knows diba? Hindi natin alam pero para sundan at magpatakbo ng mabilis habang nasa loob ang sariling anak ay isang kabaliwan. Siguro ito ay pakana lahat ni Jacob sa hindi ko malamang dahilan.

"That bastard." Gigil na sagot sa akin ni Judd ng matapos kung sabihin sa kanya lahat.

"Nasaan si Shayla? Pwede bang umuwi na tayo? Baka kasi kung anong mangyari sa kanila." Kinakabahan ko naman na sabi at inilawit ang aking mga paa sa kama bago naupo ng maayos.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon