Dalawang beses ko ipinaling ang aking ulo, sa pagmulat ng aking mata ay kadiliman agad ang sumalubong sa akin.
Idilat ko man ang mga mata ay para pa rin akong nakapikit. Hindi naman maiwasan ang napahikbi ng maalala ang mga nangyari. Ang hikbi na pinipigilan ay kusang lumakas hanggang sa nabalot na ng iyak ang lugar kung nasaan ako. Pero isa lang ang matitiyak ko, nasa isang silid ako dahil sa echoe na nililikha ng pag iyak ko.
"Tulong!" Iyak na sigaw ko. "Judd! Tulungan niyo ako!" Iyak ko pa ngunit pakiramdam ko ako'y humingi ng tulong pero nakalubog sa isang napakalalim na hukay at walang pag asa na may makakita o makarinig man lang.
Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pintuang bakal base sa bigat at ingay ng buksan ayon ng kung sino. Pinakiramdaman ko ang buong paligid ng makarinig ako ng isang mabigat na yabag ng paa. "Sino yan!?" Sigaw ko ngunit hindi pa rin naimik kung sino man ayon.
Halos kilabutan ako ng maramdaman ang malamig na bagay mula sa aking paa, paitaas sa tuhod. Nagpumiglas ako at napaiyak na lang ng maalala na pati ang aking dalawang paa ay hindi ko maigalaw dahil sa mahigpit na pagkakatali.
'Judd asan kana ba?' hindi maiwasan na tanong sa isip. Kahit ang Mommy Jasmin niya ay hindi niya rin alam kung nasaan na, si Kassy at ang mga bata. 'Sana lang ay ligtas sila.' bulong ko sa aking isip.
Napakislot ako ng bahagya ng maramdaman ang mainit na buga ng hininga sa aking bandang tenga kasabay ng paghipo sa aking dibdib, marahas na paghipo kaya hindi ko maiwasan ang mapa igik ng maraman ang sakit doon.
"Don't touch me!" Sigaw ko, at bigla na lang akong napa pikit ng buksan ang napaka liwanag na ilaw. Dahan-dahan kung iminulat ang aking mga mata at maigi na inilibot sa kabuuan ng silid. Kulay puti ang kabuuan, may isang higaan kung saan akala mo'y higaan sa hospital at nag iisang upuan na siyang inuupuan ko ngayon sa pinaka gitna. "Hi, ate." Imik ni Jacob kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Demonyo ka!" Sigaw ko pa at kumawala naman ang napakalakas niyang tawa na talaga naman maihahalintulad sa ugali niya.
"Am I?" Hindi na makapaniwala niya na tanong sa akin at muling tumawa.
"Masusunog rin ang kaluluwa mo sa impyerno! Ano bang kasalanan ko para ganituhin mo ako!" Naiiyak kung sabi at sigaw sa pag mumukha niya.
Pumaikot naman si Jacob sa akin bago pinantayan ang aking ulo, naramdaman ko ang pag dila niya sa aking tenga at hindi naman maiwasan ang mandiri. "Wala kang kasalanan pero ang ama mo meron." Napantastikuhan naman akong tumingin kay Jacob na ngayo'y may hawak na kutsilyo. Mayroon ding baril na nakasuksok sa kanyang sira-sirang pantalon.
Ngayon ko na lang din napansin ang kanyang pagkapayat, mahaba at gulo niyang buhok lalo na ang bigote niya na kulang na lang ay maging buhok na rin. "Anong sinasabi mo? Walang kasalanan sayo ang daddy ko!" Sabi ko sa kanya at bahagya namang pumalakpak si Jacob.
Kahit sa pagtawa niya ay kulang na lang mag situlo ang kanyang laway sa sahig. Is he taking a drug?
Halos ikahulog ng aking loob ng biglang lumapit si Jacob at sinakal ako ng dalawa niyang kamay. Magkalapit na magkalapit ang aming mukha at kulang na lang ay halikan niya ako.
Tinitigan ko sa mga mata niya si Jacob ngunit puno ng galit ang mga mapupula niyang mata. "S-stop!" Nahihirapan kung pakiusap habang sakal niya pa rin ako.
Umikot naman ang aking paningin dahil sa higpit ng kaniyang pagkakasakal sa akin. "They killed my mother and father! Kaya lahat ng buhay na malapit sa kanila ay kukuhanin ko at papatayin isa-isa." Nababaliw na imik pa ni Jacob.
Naluluha na rin ako at napapapikit dahil hindi ko siya maaninag ng maayos. Habol ang hininga ng mabitawan niya ang leeg ko at basta na lang ito natumba sa sahig. Iniiling ko ang aking ulo upang mabawasan ang pagkahilo ng maaninag ko si Lucifer na mabilis tinagtag ang aking tali sa kamay.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...