CHAPTER 65

158 1 0
                                    

After 3 years

"Judd nasaan na ang diaper ni Val?" Hiyaw ko. "Teka lang, hon!" Sigaw niya sa kung saan.

Kahit naka aircon na ang kabuuan ng kwarto ng mga bata ay tagaktak pa rin ang aking pawis. Nagyakag kasi si Shayla na pumunta ng mall at hindi napayag na hindi kasama ang kanyang tatlong kapatid.

"Ang dami ng tae mo anak." Rinig kung sabi ni Judd habang papalapit sa aming pwesto. "Tumae na naman ikaw ha Veron." Natatawa kung sabi at kiniliti ito na siya namang ikinautas niya ng tawa.

"Mom, are they done?" Singit ni Shayla na ngayon ay nakadungaw sa may pintuan. "Wow, ang sexy naman ni ate ah!" Komento ko at nagpaikot ikot pa siya sa aming harapan ni Judd.

"Ay baka may naiibig na ha." Suway ni Judd na agad ko namang hinampas sa kanyang braso. "Ouch!" Daing pa niya.

"Anong sinasabi mo? Sa bata pa ni Shayla naiibig agad?" Naiinis kung sabi sa kanya bago binihisan ang mga bata. "Tulungan mo ako dito huwag kang tumunganga." Sabi ko pa na ikinanguso naman niya.

Habang ang mga bata ay aking sinusuutan ng sapatos, inaayos naman ni Judd ang tali sa bewang ng tatlong bata. Mahirap na kasi baka sila ay magkahiwa-hiwalay lalo na't kami lang dalawa ang kasama nila. Yun nga lang kapag may tumakbo na isa ay madadapa sila kaya ang plano namin ni Judd ay isakay na lang sila sa stroller na pang tatluhan talaga para itutulak na lang namin.

Isinakay namin ang triplets sa may back seat katabi ni Shayla. Habang ako ay nandito sa passenger seat at ang asawa ko syempre ang sa may driver seat.

Shayla play cocomelon kaya tahimik lang na nanunood ang mga bata sa may likod. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Judd sa aking kamay na nakapatong sa aking hita.

Nilingon niya ako at binigyan ng isang magaan na ngiti, he mouthed 'Thank you' kaya kumunot naman ang aking noo. "Para saan?" Hindi ko mapigilan na tanong sa kanya.

"For everything, hon. For everything." Sagot na may pag uulit pa niya.

Binigyan ko lang siya ng isang tunay na ngiti at hinalikan ang kanyang kamay. Maayos naman kaming nakarating sa mall dahil na rin sa wala gasinong traffic. Si Shayla ang unang bumaba at isinunod ni Judd ang triplets. Hawak ko sa magkabilang kamay si Shayla at Val habang si Veron at Vince ay nasa kanilang ama naman at hawak rin sa magkabilang kamay.

"Let's buy book first mommy." Imik ni Shayla. "Okay princess, pero ibili muna natin ng pop corn ang triplets okay." Sagot ko sa kanya na agad namang ikinatango.

Wala kaming ibang ginawa kundi ang gumala at kumain. Dinala din namin ang mga bata sa Toy Kingdom dito sa loob ng mall kaya yun, pare-pareho kaming napagod.

Ngayon ay sakay na ulit kami pauwi sa bahay. Dumaan pa si Judd sa isang bakery shop at bumili ng cake at tinapay. Hanggang sa makauwi na kami sa bahay ay kanya-kanya na kami at inihabilin ang bata kay Nanay Loleng syempre kahit papaano ay tinulungan ko pa rin si Nanay sa pagpapatulog sa triplets dahil sa katandaan na ni Nanay ay mabilis na rin itong mapagod.

Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa baba. Pagkamulat ng aking mata ay hindi na nahagilap ng aking mata si Judd. Nag inat pa ako at nagkusot ng mata bago napagpasyahan na bumaba na.

"Judd!" Sigaw ng kung sino mula sa baba kaya nagmamadali naman akong bumaba ng hagdan upang tingnan kung sino ayon. "Judd! Lumabas ka!" Rinig ko pang sigaw ng kung sino mula sa labas.

Binuksan ko naman agad ang pintuan at nagtungo sa may gate. "Hoy, babae ka! Ilabas mo ang boyfriend ko! Ang kapal naman ng mukha mo na pumasok sa bahay niya na ganyan pa ang itsura mo!" Galit na galit na sigaw ng babae.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon