SPECIAL CHAPTER 2

116 1 0
                                    

     Pinilit ko namang isipin na ang lahat ng iyon ay dahil sa kapatid lang ang turing sa akin ni Judd. Na ang gabi na yun ay isa lamang sa mga paglalambing niya sa akin.

Napag pasyahan ko na rin na idistanya ang sarili ko sa kanya dahil kahit papaano ay alam ko naman na mali ang aming ginagawa. I mean, hindi na tama bilang sa isang magkaibigan lang.

Ayoko na rin na malaman pa ni Kassy ang tagpo na yun at magkagulo pa silang dalawa ni Judd kaya kahit nasa malayo ay akin na lang tiningnan ang aking mahal na kaibigan.

"Malungkot ka ata ngayon?" tanong sa akin ni Bianca habang kumakain kami dito sa canteen.

"Bakit naman magiging malungkot? Pagdadahilan ko. "Wala napansin ko lang naman." Sagot pa niya sa akin.

Kumagat naman ako ng burger na aking binili at marahan na ngumuya. Napalingon pa ako sa malawak na glass nitong canteen na makikita at matatanaw ang mga tao na nagdaraanan. Nakita ko si Judd at Kassy na magkahawak ang mga kamay kaya agad naman akong nag iwas ng tingin.

Dahil kung sila ay akin pang susundan ng tingin ay para ko na ring sinasaksak ang aking sarili at sinaktan.

"Sa totoo lang hate ko yang si Kassy, feeling maganda masyado." Imik ni Bianca habang ang mga mata ay hindi iniaalis sa kanyang kaibigan at kay Kassy na naglalakad.

Marahil ay dito sila pupunta at tama nga ang hula niya ng pumasok ang dalawa dito sa canteen.

Nagiwas naman agad ako ng tingin ng lumingon sa akin si Judd. Iniligpit ko kaagad ang aking pinagkainan at mabilis na tumayo habang sukbit ang aking bag.

"Saan ka pupunta?" Malakas na imik ni Bianca kaya ang ibang istudyante ay nakatingin sa amin.

Hindi ko na nasagot si Bianca bagkus ay nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakayuko at lumabas na ng canteen. Hanggang sa marating ko ang aming room ng hinahapo.

"Pst!" Sitsit ng kung sino at ng hanapin ko kung sino ayon ay nakita ko si Ismael mula sa may bintana.

Kumaway siya sa akin kaya kinawayan ko rin siya at nagbigay lang ng isang tipid na ngiti bago naupo ng maayos. Nakarinig pa ako ng tikhim sa kung saan at nakita ko si Judd sa harap ng pintuan ng aming room.

Habang sa siya ay papalapit sa akin ay siya namang pagkalabog ng malakas ng kung anong bagay sa aking dibdib. Hinila ni Judd ang silya na katabi ng aking upuan at paharap sa akin na naupo siya sa aking.

"B-bakit?" Utal at kinakabahan ko na tanong.

"Sinong sumundo sayo kagabi?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Si m-mommy." Kinakabahan ko pa na sagot. "Ganun ba kaayaw mo ako kasama?" Pansin ko ang hinanakit sa bawat salita na kanyang binibitawan.

"No, hindi sa ganun. Hindi mo ako naiintindihan!" Pagtanggi ko. "Then ipaliwang mo sa akin!" Sigaw niya na ikinagulat ko. "Halos mabaliw ako sayo kakahanap kagabi? Hindi pa kita macontact kung hindi ko pa tatawagan ang mommy mo hindi ko pa malalaman na umuwi ka!" Nanikip ang dibdib ko sa kanyang sinabi.

Bakit parang kasalanan ko?

"Bakit ka ba ganyan ha?! Nasaan si Kassy, bakit ka nagagalit sa akin? Diba nagpapahatid naman ako sayo? Ikaw lang naman ang may gusto na dalhin ako doon diba?" Sigaw ko pabalik sa kanya at kita ang gitla sa kanyang mga mata. "Alam mo naman na may girlfriend ka Judd pero bakit ba ganyan ka kung makaakto, daig mo pang ang daddy ko kung magsalita!" Inis na sabi ko pa.

"Dahil ba kay Ismael?" Mahinang sabi ni Judd. Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "Walang kinalaman dito si Ismael Judd." Sagot ko sa kanya.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon