This is a boy x boy or boy's love story and kung hindi ka open minded about homosexulas feel free to find for another story that'll fit your story taste. :>
It's me, hi. This is my first story I've ever written it took me for about a year to pursue my fiction writing skills and I hope you'll love and like it because this story is too personal. Enjoy reading and I love you all.
CTTO sa may-ari ng wallpaper, kinuha ko lang siya para maimagine niyo kung saan ang venue.
Luigi's POV
Araw ng Linggo at tanghaling tapat nandito ako ngayon sa isang sikat na pasyalan dito sa Lungsod ng Maynila, umupo muna ako saglit sa isang upuang gawa sa bato upang magpahinga matapos ang mahabang paglalakad at paghahanap ng ibang mapapasukan. Kailangan ko kasi ng pera dahil kailangan ni nanay ng pambili ng gamot para sa sakit niyang diabetes.
Kinailangan niya kasing huminto sa trabaho gawa ng lumalala ang karamdaman niya kaya minabuti ko na munang tumigil sa pag-aaral para maghanap ng trabaho at makatulong lalo na sa kapatid kong si Andrew. Mayroon naman akong napapasukan at isa akong barista sa isang coffee shop malapit sa isang sikat na mall sa Mandaluyong, regular naman ang sinasahod ko ngunit hindi pa rin sapat para sa iba naming mga bayarin tulad ng kuryente, tubig, panggastos, pambili ng kailangan ni bunso para sa eskwela at pamasahe na rin gawa ng dalawang siyudad pa ang kailangan kong baybayin para makauwi. Pagkasyahin ko man sa loob ng isang buwan ang sahod ko ay hindi pa rin kasya kaya naghanap na muna ako ng ibang mapapasukan kahit pa extra extra lang.
Maganda ang tanawin dito, maaliwas at sariwa ang hangin gawa ng mga naglalakihang puno na nagsisilbing silong mula rito sa kinauupuan ko. Ako nga pala si Luigi Miguel San Diego, 21 taong gulang, may saktong tangkad na nasa 5'5, matangos ang ilong dahil na rin siguro may lahi ang nanay kong Espanyol, brown ang mga mata, may saktong kulay ng balat at makapal na kilay. Simpleng tao lang naman ako at may simpleng pangarap, yun ang ang maiahon ko ang pamilya ko mula sa kahirapan. Maayos pa ang pagsasama ng aking mga magulang noon at masayang namumuhay magkakasama, ngunit nagbago ang lahat nang iwan kami ng aming tatay at mas piniling sumama sa ibang babae. Nasa anim na taon na ang nakakalipas nang iwan niya kami.
Bata pa lang ako masasabi kong independent na ako, kailangan ko man ng magulang na aalalay sakin ay hindi ko naranasan gawa ng tutok sila sa kani-kanilang mga trabaho, naiintindihan ko naman na ginagawa nila ito para sa akin kaya sa ganung edad ay ako na ang tumulong sa sarili kong tumuklas ng mga bagay-bagay. Atensyon lang naman ang kailangan ko kaso hindi ko makuha sa kanila kaya mas pini-pili kong sa ibang tao ko ito hanapin.
Third-year college na sana ako ngayon kung hindi ako huminto sa pag-aaral sa kursong arkitektura. Kahit na ganon, pinauna ko na muna ang kapatid ko. Hindi naman siguro masamang mahuli sa pag-aaral diba?
Nandito pa rin ako sa kinauupuan ko habang tinatanaw ang magandang tanawin at dinadama ang malamig na simoy ng hangin, simula kanina ay wala pa akong kain kaya kahit papano at nakakaramadam na ako ng gutom.
Ilang sandali pa naisipan ko munang tignan ang cellphone ko upang tignan kung anong oras na. Mag-aala una na pala ng hapon. May tira pa naman akong pera at bumili na muna ako ng biskwit pantawid gutom. Nagbaon na rin ako ng tubig dahil mahal masyado kung bibili ako sa kalye.Habang nagpapalipas ng oras ay agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtingin ng mga kung anu-anong bagay sa Facebook, ilang sandali pa ay nagchat ang aking katrabaho ko na si Cheska. Siya ang masasabi kong kaibigan ko sa trabaho gawa ng palagi kaming magkasama at pareho kami ng hilig pagdating sa musika at pagkain.
BINABASA MO ANG
The Great War (BoyxBoy) [Ongoing Update]
Romance"Love is a ruthless game, unless you play it good and right." Ika nga ni Taylor Swift sa kanta niyang State of Grace. Iba't-ibang pananaw kung paano gagawing matagumpay at matibay ang isang relasyon. Masaya, misteryoso, mapanganib, malungkot, malaya...