PINAGLALARUAN ko ang ballpen na kanina ko pa hawak. Alam ko na dapat akong makinig kay Sir Ferdie dahil inanunsiyo niya kanina na magkakaroon kami ng quiz pagkatapos ng discussion pero hindi ko mapilit ang sarili ko. Wala pa rin si Joy at hindi ko alam kung saan siya hahanapin."Get one-half sheet of paper." Halos padabog kong ibinagsak ang kamay ko sa mesa.
Puro identification ang tanong na ibinigay niya kaya hindi ako nagsagot. Madali lang naman ang magpanggap na nagsusulat at huwag magpasa. Pagkatapos ng klase namin sa kaniya hindi na ako lumabas. Wala akong ganang kumain ng kahit ano. Sa Research naman ay pina-check namin ang gawa naming chapter two at naaprubahan iyon.
Sa lahat ng nangyayari sa akin, ito ang pinaka-smooth at gusto ko. Hindi nasayang ang mahahabang discussion ni Sir Domagso noon bago kami binuo bilang grupo. Masiyado akong naging abala sa pakikipag-usap sa groupmates ko na hindi ko na napansing hindi rin pala pumasok si Lothaire. Kung hindi pa aksidenteng dumako ang tingin ko sa direksiyon kung saan siya umuupo, hindi ko pa mapapansin.
"Nasaan si Joy? Hindi namin siya ma-contact. Hindi na siya nagpa-participate sa paggawa namin ng research," lapit sa akin ni Hannah, kagrupo niya.
Sandali akong tumingin sa kaniya. "Masama ang pakiramdam niya, hindi pa rin siya gumagaling," pagdadahilan ko.
"Pakisabi naman na sumagot siya sa mga message namin para alam namin kung ano ang update sa kaniya. Ang unfair kasi na kami lang ang nagtatrabaho tapos kasama siya sa may grade."
Gusto kong mainis sa kaniya pero mas pinili kong maging maunawain. "Sige."
"Salamat."
Palabas na ako ng tawagin ako ni Anne. Inis akong bumaling. "Ano?" nayayamot kong tanong. Nakapalibot sa kaniya ang iba pa naming groupmates na para bang isa silang grupo ng brat girls na handa ng mam-bully.
"Ayusin na natin ang questionnaires natin para makapag-survey na tayo next day."
Ayoko. Napapikit ako bago napipilitang sumige.
"Dala niyo ba iyong mga papel o kailangan nating pumunta sa bahay ng isa sa inyo?" tanong ko.
"Dala ko. Sa library na lang tayo," sagot ni Fiona.
Pumuwesto kami sa pinakadulong lamesa, malayo sa bookshelves para hindi kami maistorbo. Inilabas nila ang isang piraso ng bond paper na back to back ang print.
"Ginawa na namin ito ni Shiena noong nakaraang araw. Ipa-check na lang natin kay ma'am bago tayo umuwi, nasa faculty pa naman yata siya e," sabi naman ni Karla.
Ito ang pros sa pagkakaroon ng kagrupong masipag. Laging advance.
"So, sino ang magpapa-check?" tanong ko.
"Ako na lang," sagot ni Anne. "Hintayin niyo na lang ako rito para mapag-usapan natin agad kung sakali mang may kailangang baguhin."
At ito rin ang cons. Hindi ka makaalis agad. Tumango kaming lahat bilang pagsang-ayon. Dahil hindi ko naman sila normal na kinakausap, nanatili akong walang imik, pinanonood ang bawat pumapasok habang panay ang pagkukuyakoy sanhi ng pagkainip.
Malapit na akong maburyong. Mag-iisang oras na pero hindi pa rin bumabalik si Anne; wala ring pasabi kung nasaang lupalop na siya. Bumuga ako nang mabigat na hangin at nakatingalang sumandal, pinipilit ang sarili na maging mas matiyaga. Ilang sandali ay bumalik na siya, bitbit ang makapal na papel na nakapagpakunot sa noo namin.
BINABASA MO ANG
Janji
خارق للطبيعةSa mundong binabalot ng mga lihim at panlilinlang, sino ang dapat pagkatiwalaan? -- Si Rhealle ay hindi naniniwala sa mga bagay na mahiwaga. Para sa kaniya, ang mga tulad no'n ay produkto lamang ng malikot na imahinasiyon ng mga tao; ang mga kakaiba...