Sakaling hayaan

7 2 1
                                    

   "Ikaw ang bitwin at gabay sa mundong mapagbiro, ikaw lamang. Nagsasabi ng mga lihim, ngunit hindi ang kay tagal-tagal na kinikimkim. Hindi ko sa'yo maamin, ikaw ang tibok ng puso. Sadyang mapaglaro ang tadhana, tila ayaw tayong ipagkita sa gitna." sulat ko sa dulo ng mga liham na di ko naman ipinapasa.

Di ko kasi kaya, malaki rin ang itataya ko kung kayanin ko mang ibigay tong liham. Marso sais dalawang libo't walo. Pangatlong liham ko na itong ginawa ko para sa kanya, isa bawat taon na gusto ko pa rin sya. Gusto nga lang ba talaga?

Sa pag gising ko sa umaga ay sakto na sabay tinawagan mo ako, syempre ikaw na yan sinagot ko. "Hello?" tanong ko "Pumayag si Daniesha na ligawan ko sya! Ang saya sa pakiramdam tol, parang gusto ko mag celebrate, tara kape?" gandang bungad sa dapat na magandang araw sira na nang sabihin mo yon. Pumayag na lang ako, ano pa nga bang magagawa ko, kung masaya ka ay masaya naman na ako.

Simula elementarya ay di kita matanggihan dahil natatakot akong di na ako ang takbuhan mo. walang taon na di ako napagod kaka-oo sayo dahil sa loob ng walong taon ay sayo umiikot ang mundo ko, ikaw ang kaibigan ko, guro at pati na rin pamilya na gumagabay at sumusuporta sa'kin. Ikaw ang laging nandyan simula noon hanggang ngayon, kaya nama'y paano ako di mahuhulog sa'yo?

Sino bang magaakalang ikaw pa ang mamahalin ko.. Sa tatlong taon na nalaman kong ikaw ang tinitibok ng puso ay tinatanggi kong hindi kita gusto dahil alam ko namang masisira ang pagkakaibigan natin kung sakali man na magustuhan kita, pero sumobra pa sa gusto.

  Pagkasundo mo sa'kin ay walang preno ang bibig mo sa kakwekwento tungkol sa kanya. "San tayo?" putol ko sayo, di ko na kaya pang makarinig, nadudurog kasi yung puso ko eh. "Don ulit" pagtango ko ay tumahimik na lang ako.. Tangina, ano ba talaga toh. "Tahimik ah, may nangyari ba? Libre ko naman, ako bahala sayo tol, sasaya ka!" paano? Isang malaking buntong hininga, hirap mong abutin.

Nang makabili tayo ay dumating sya, packing shet, ganda ng timing. Nakadikwarto akong umiinom ng kape habang pinapanood kayo. Masaya kaya? Ang ganda ng kislap ng mga mata mo, ngiting di ko makilala sa sobrang lawak nito, wika ng katawan mo tila kakaiba pag nandyan sya. Ang saya mong magmahal..

   Di nag tagal ay kinailangan ko nang dumistansya dahil yun ang gusto ni Daniesha, katiyakan na sya lang ang babae na minamahal mo sa ngayon. "Marice tol sensya hahahaha bawi naman ako sayo, roadtrip tayo next time man!" sumang ayon na naman ako ng awtimatikong di ko namamalayan. Letseng lalaki yan, hirap mong mahalin.

   Sa kasamaang palad ay nagtapos rin kayo dahil ang sabi nya ay hindi pa sya handa. Di ko alam ang mararamdaman.. Matagal na pala ngunit ngayon ka lang nag sabi. "Tara? Bawi na ako sa'yo, san tayo?" Dala ng awa ay pumayag na naman ako, wala akong magawa dahil gusto ko rin naman ito. Dirediretso lang ang pagmamaneho mo papuntang QC, hating gabi ay ito ang napili kong puntahan dahil naalala ko nung kolehiyo ito ang nililibot natin dahil sa lapit ng unibersidad.

Sa isang condo building kung san may unit ka ay doon tayo tumambay, sa balkonahe, nag dala ka ng mga alak sabi mo para makalimot ka. Gusto ko man sabihin na ako na lang, kahit ako na ang gamitin mo para makalimot ay di ko kayang gawin dahil lalala ang sitwasyon pag nangyari iyon. Nagsimula kang mag bigay ng payo kapag iibig ako, hah lahat ng payo mo ay sayo ko lamang maibabagay kasi ikaw lang naman talga.

Maghanap man ako ng iba ay wala tutulad sa'yo, nakailang subok na rin akong limutin ka dahil sa loob ng walong taon na pagkakaibigan ay limang taon na rin kitang minamahal ng patago, tatlo nung tinanggap ko ito ng buo at ngayong Disyembre'y uno... Aabot pa kaya itong pagtatago ko hanggang pasko? Plano kong sabihin bisperas ng bagong taon ngunit mayroon sa loob kong nagpupumilit na ako'y umamin na..

Daloy ng alak sa aking lalamunan ay di na mapigilan, kasing bilang ng taon ng pagkakaibigan natin ang ang mga bote na nainom ko, dala ng alak ay naiyak ko, pakiramdam ko'y sasabog ang lahat ng emosyon ko. "Jeron psst tol.." tawag ko sayo na lumalagok din ng inumin, tingin mo ay di lang nakakatunaw ngunit masakit din, sapagkat alam kong di kikinang ang mga iyan tulad ng tingin mo sa kanya.

"Gusto kita– hindi, Mahal kita" wala sa katinuang sambit ko, rinig ang panginginig ng boses ay itunuloy ko ang sasabihin "tatlo, tatlong taon na kita katagal mahal" tinignan kita sa mata ng may pag aalinlangan, mga luha sa gilid ng mga mata ko'y nagbabadyang kumawala. "Marice.." shuta di ka pa pala natatamaan ng alak. Sakit. "Sorry" mas masakit.. "Hoy! Huwag kang mag sorry, di mo naman kasalanan, pinili ko toh, kaya paninindigan ko.." pili ang ngiti nungit Di ko mapigilang lumuha, sa gitna ng pagluha ay ang papikit ng aking mga mata..

   Pag dilat ay wala ka na sa tabi, nag impake ako ng mga bagaheng idinala ko dito, gusto kong lumayo, kahit san basta hindi dito. napaka sabalay dahil nakisabay pa ako sa paglulumbay mo sa kanya..

Ang sabi ko ay titigilan kitang mahalin pag pagod na ako, pero kelan ba ako napagod pag dating sayo. Masasaktan ako pero kung ikaw naman ay di ako mapapagod masaktan.. Yan ang sabi ko noon..

Paalis na ako nang sabay naman iniluwa ng pinto ang pigura mo, hindi lang pala ikaw ang nasa pinto. Sya din, ang kauna-unahang babaeng minahal mo, alam kong malapit lang sya dito sa lugar pero di ko alam na magkikita sila dito. "Marice! Kamusta ka na ang taga–" "sorryyy kailangan ko ng umalis, paalam!" tinaboy ko sila makadaan lang ako sa pinto upang makaalis.

Pag sabay ng aking lakad ang hagulgol ko sa daan, nakakahiya man ay ito ang pakiramdam na di ko mapipigilan. Hingang malalim. Isa, may kasama ka na pala bakit pa ako nag abala? Dalawa, hah sya pa talaga, kala ko ba'y sinaktan ka nya? Tatlo, ang sakit naman neto. Dahan dahang umikot ang paningin ko, bago pa man ako mahulog ay naalalayan na ako..

"Ayos ka lang ba?" bumalik sa katinuan ang mga mata ko at nakilala ko ang nakaalalay sa akin. Karlos, isa sa mga sumubok na agawin ang pansin ko mula kay Jeron.. Di maikakaila ang ganda ng muka nito, matang nangniningning, boses na nakaka-akit. Dinala ako nito sa isang mauupuan kung san makakapag pahinga ako.

Tahimik.. Wala mang mi-isa sa amin ang gusto mag salita ay komportable ito, kaibigan ko rin naman noon si Karlos bago ko pa man sya iniwasan o sabihin nating iwanan bigla. Tinignan ko ito nang matagpuang nakatingin na ito sa akin. Ngumiti ito, sa ngiti nya ang gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. "Ang ganda mo pa rin" kahit papaano ay sumasaya muli ang loob ko.

Nagyaya syang umalis sa lugar na 'yon, palagay ang loob ko kay Karlos. Hindi ko alam pero pag sa kanya ay klaro ang utak ko para bang di ko na kailangang mag-isip pa at kampante ako sa kanya. Sinubukan nya akong aliwin pero parang di ko kayang mag wili. Dinala man nya ako kung san pupwede sumaya ay mas ginusto ko munang mapag isa, hinayaan nya ako dahil yun ang isip nya ring makakabuti sa'kin.

Nasabi ko naman sa kanya na gusto ko muli makipag-ugnayan muli sa kanya bilang kaibigan ay sumang ayon ito.

   Ngayo'y bumabalik ang mga alaalang kay pait, naririnig ko ang boses nyang kaakit-akit. Bakit? Iba ang epekto mo sakin. Nadarama muli ang mga yakap mong kay higpit, kaya sana hayaan mo na ako ngayo'y mapag-isa. Isara ang pinto, ipatulo ang mga luha.

Pikit mata, hayaang lumakbay sa isipang gulo na di pa sanay. Na wala na talaga, dahan-dahang sasanayin ang aking sarili. Malalim na hininga, damdamin ay ibubuga. Nabibingi na sa katahimikang dala, nitong pusong hingalo. Pagod. sumusuko na nga ba ako?

Oo. Sakali Hayaan mo akong mapagod, dahil ito na ang hangganan ng liham ko. Ang pang apat na liham ko, Disyembre'y disye sais at dalawang libo't walo. (12.16.08) Tinatapos ko na itong pagmamahal ko sayo, sa wakas ay napagod din ako. 




this one-shot is inspired by a lot of songs that i'm listening to while writing so i hope you guys should listen and understand more to these opm songs. Burnout, Hayaan and 14.

Sakaling hayaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon