Crown 22 - New Queen

22 2 0
                                    

Crown 22 – New Queen

"Hindi ka talaga aalis?"

Tumango si Zeno kay Avery.

Hinampas ni Avery si Zeno ng pabiro itinayo siya ni Zeno.

"Pinapalungkot mo ako nang lubos."

Bulong ni Avery sa sarili pero narinig ni Zeno.

"Ayaw mo ba kong hindi na masilayan, binibini?"

May panunuya sa boses ni Zeno na parang pabiro.

"Aalis na nga ako."

Nakita ni Zeno ang ala-dala niya ang mga sobre.

Naglalaman ito ng liham ni Zeno Willard sa kanya na may pangalan ni Axel Tresvenor bilang alias pala.

"Ano ang mga iyan?"

Tanong ni Zeno medyo malungkot.

"Si Axel Tresvenor pa rin ba?"

Tanong niya kay Avery na medyo seryoso ang tono pero nakangiti pa rin.

"Mga kayamanan ko ang mga ito. Ang mga liham mo."

Sabi ni Avery sa kanya sabay ngumiti na may luha ang mata.

Lumuha na si Avery pati si Zeno napaluha na rin.

"Pero dapat akong ikasal kay Kyro. Dahil gusto ko lamang maging reyna. Pero akala ko ikaw ang hari. Sinabi ko sa aking ina ang pagiging reyna, pumayag si Alessia pero hindi ko inaasahan na ganito."

"Hindi naman natin kailangan gumalaw. Makikita mo, gagalaw mismo si Kyro."

Mahinahon na bulong ni Zeno pagkatapo halikan ang noo ni Avery.

"Wala po akong balak maging reyna, Alessia po ang karapatdapat."

Panimula ni Avery sa kanyang ina.

Kasama si Zeno sa sala ng mga trono.

"Siya po ang unang anak. Kaya po mas maganda kung siya ang maging reyna. Tradisyon po ito kaya hindi po talaga tayo, pwedeng magsinungaling tungkol dito."

Ngumiti siya at tuluyan ng ibinibigay ang kanyang pangarap sa kapatid.

"Ipadala ang mga liham tungkol sa bagong reyna! Itama natin ang mga pagkakamali sa anunsyo. Bilang kapalit ay ipagdiriwang natin ang pag-anunsyo sa bagong reyna."

Pahayag ng ina ni Avery at Alessia, si Regina Marcella.

Kumalat na sa buong Elysian Kingdom ang balita.

Bagong reyna ng Elysian Kingdom.

Pinag-usapan ng sobra ang mga pangalan na binanggit sa handaan.

Imbitato ang iba pang prinsipe ng Elysian Kingdom.

Sa pamilya ng Tresvenor, Willard at higit sa lahat, galing sa mga Augustus.

"Tradisyon ito na magpakilala lahat ng mga prinsipe sa kanilang prinsesa na napiling maging reyna."

Tumawa si Deon sa sinabi kay Avery sa loob ng kwarto ni Avery.

"Hindi ako ang bagong reyna."

Sabi ni Avery habang sinusuklay ni Deon ang buhok ni Avery.

"Si Alessia ang bagong reyna."

Pumasok sa loob ng kwarto ni Alessia.

Sakto sa kanyang banggit.

Balak ni Deon, hingin ang pagiging reyna.

"Akala ko ikaw, balak ko pa namang humingi ng tulong upang mapalipat sa'kin ang korona. Kilala kita, Avery. Alam kong ayaw mong maging reyna at ang magulong buhay."

Somewhere Only We Know ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon