"Doc. Maam, napunta kayo dito?" Tumayo si Dreams at kinamayan si Doktora Katlyn na lumapit sa pwesto nila. Napatayo na rin ang apat na doktor na kasama niya ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya ang sapilitang pagtayo ni Kaiden. Nakita niya rin kung paano bumusangot ito sa hindi niya malamang dahilan.
"Yeah, Oheb invited me here. Hindi ko inaasahan na nandito ka rin." Ani Ginang.
"Inimbitahan rin po ako ni Doc. Oheb, Doc Maam."
"Goodevening Doc." Pagbati ni Edward sa ginang at kinamayan ito. Lumapit rin sa gawi niya sina Oheb at Marco upang magbigay galang sa head doctor. Napunta lahat ng kanilang tingin kay Kaiden na hindi gumalaw at nagsalita upang batiin si Doktora Katlyn.
"Goodevening... D-doc. Katlyn." Nauutal na pagbati ni Kaiden rito pero hindi siya nakipagtitigan sa ginang. Nasa ibang direksyon anf kanyang tingin habang nakikipagkamay siya rito. Palipat-lipat ang tingin ni Dreams sa kanilang dalawa dahil nawiwirduhan siya sa mga inaakto nila.
Nagsiupo na silang lahat, nakisalo si Doc. Katlyn sa table nila kaya lalong tumahimik si Kaiden. Nakayuko lamang ito na animo'y busy sa pag-kain pero hindi, nilalaro-laro niya lang ang mga laman ng kanyang plato. Sobra siyang naiilang dahil katapat niya mismo ang ginang na noon ay katabi ni Dreams. Gusto kaagad ni Kaiden matapos ang gabi na iyon para makauwi na sila. Ang ikinaiinis niya sa lahat ay magkakilala ang dalawa. Kaya naman pala pamilyar ang suot na bracelet ni Dreams dahil kilala niya kung kanino 'yon galing. Hindi nakaligtas sa kaalam niya ang tungkol sa pagbibigay ni doktora Katlyn ng bracelet sa mga pasyente niya lalong-lalo ang mga buntis.
Napansin niya ang pagiging malapit ng ginang at ni Dreams. Nagnanakaw siya ng tingin sa mga ito pagkatapos ay umiiwas siya ng tingin kapag ganon na titingin sa gawi ang doktor. Sigurado siyang may panibago na namang palaisipan si Dreams patungkol sa kanya pero hindi siya mag-aaksaya ng laway na sabihin ang totoo rito.
"Are you okay, Doc?" Bulong ni Oheb sa kanya, sapat lamang ang lakas non para marinig niya ito.
"Yeah." Pagsisinungaling niya kahit hindi naman talaga siya okay. Nakikisama na lamang siya para hindi magmukhang bitter ito.
"Excuse me, guys, my husband is calling. Give me some time." Pagpapaalam ni Doktora Katlyn nang sunod-sunod na tumunog ang kanyang selpon, nagpapahiwatig non na may tumatawag at iyon ay ang kanyang asawa.
Tanging tango ang naisagot ng lima sa kanya pagkatapos ay naglakad na ito palayo sa gawi nila upang sagutin 'yong tawag. Pagkaalis ng ginang ay malalim na pagbuntong-hininga ang pinakawalan ni Kaiden saka napahilot sa kanyang sentido. Marahan siyang tinapik ni Edward at sinabing pabayaan na lang ito't pakisamahan. Dahil sa init ng ulo ni Kaiden, nagpaalam si Oheb na kukuha siya ng alak para kumalma ito.
"Why did you know her?" Tanong ni Kaiden kay Dreams, napatigil ang babae sa pag-inom ng kanyang tubig.
Sinulyapan siya ng babae at bago siya nito sinagot ay pinunasan muna niya ang gilid ng kanyang labi gamit ang isang pirasong tissue na kinuha niya sa gilid ng kanyang plato.
"Kaibigan ko siya, Daddy Doc. Nakilala ko siya sa grocery store na palagi kong pinupuntahan hanggang sa naging magkaclose na kami. Naalala mo nong last time na bumisita ako sa ospital at nagdala ako ng makakain? Siya 'yong ipinunta ko non sa third floor at siya rin 'yong may bigay nitong bracelet sa'kin." Paliwanag ni Dreams at itinaas niya ang kanyang palapulsuhan upang ipakita kay Kaiden ang kanyang bracelet na bigay ng doktora.
"Nakikipagkaibigan ka sa hindi mo kilala?" Iritableng tugon ni Kaiden, napagtaasan niya pa ito ng boses kaya mabilis siyang sinuway ni Edward at pilit itong pinapakalma dahil buntis ang kanyang kausap.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...