Crown 24 - Trapped

14 2 0
                                    

Crown 24 - Trapped

Nung napaaway si Alessia bilang Alex ay natuwa si Kyro.

"Para sa'kin talaga siya, matapang."

Baka daw si Axel ang maging hari.

Paghindi nakipagnegosasyon si Kyro sa ibang mga palasyo.

Kaya naman ay kailangan niya ng koneksyon.

Hindi alam ni Kyro na sa Celes Kingdom sila pupunta.

Hindi sinabi ng kanyang ama.

Makikipagnegosasyon sila sa maling kabihasnan.

"Pamilyar ang daan. Celes Kingdom?"

Kinabahan si Kyro sa binanggit niya.

May mga sumusunod na karwahe ng mga lalaki sa likod ng karwahe nila Kyro tinignan niya sa bintana.

Bumaba sila ng karwahe dahil nasira ang babang parte at bumaba ito ng kaonti.

Tumakbo sila sa kung saan.

Magkahawak ang kanilang kamay.

Kaso sa bangin na sila papunta.

Hindi tulad noon, na ang bangin ay sahig ang kakalabasan.

Dahil ngayon naman ay tubig na ang sasalo sa kanila sa baba. Dagat.

"Tumalon na tayo!"

Sigaw ni Kyro.

"Pero hindi ka marunong lumangoy."

Sabi ni Alessia kay Kyro, alam niya noon pa man.

Tumalon silang nang sabay sa tubig.

Inanod sila sa kung anong lugar.

Hindi makahinga si Kyro kaya nilagyan niya ito ng hangin gamit ang bibig sa bibig.

Kinuha ni Kyro ang batok ni Alessia at hinalikan ito.

"Akala ko patay ka na, bwisit."

Natatawa si Alessia pagtapos niyang iligtas sana ito gamit ang bibig niya.

Nabasa ang kanyang maskara.

Natakot siya kaya tumalikod siya.

Nasira ang kaliwang bahagi ng maskara niya.

Nagpunta si Kyro sa isang malapit na kuweba.

"Magtago muna tayo dito."

Hinahabol sila ng mga taga Celes Kingdom pero mukhang hindi sila mapapahamak dito.

"Kilala mo na ata kung sino ako. Hindi pwede."

Nakatalikod pa ring sabi ni Alessia.

Lumapit si Kyro sa likod ni Alessia.

"Oo, alam ko."

Humalaklak siya ng mahina sa likod nito. Pinaharap niya ito.

"Di ko na ata kaya pang mapigilan. Alam ko na ikaw si Alessia."

Tinignan niya ng maigi ang mata ni Alessia.

Lumapit siya rito. Sinuklay ng kanyang kamay ang buhok ni Alessia.

Siniil niya ito ng halik.

Tinanggal niya ang basang maskara nito at cape nito sa katawan.

Ibinaba niya ang pangtaas nito ng dahan-dahan.

"Mukhang hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan ng kasalan."

Sinara niya ang damit nito.

Tumawa ito nang malakas.

Kasi namumula ang mukha ni Alessia.

"Napakasama mo."

Habang inaayos nila pareho ang damit ni Alessia.

Gumawa sila ng apoy sa gitna at nag-ihaw ng mga isda na nahuli ni Kyro.

"Alam ko naman na si Deon nung una pa lang. Kaya hindi mo itinuloy."

Pagtataray ni Alessia.

"Hindi yan totoo. Respeto lang 'to sa aking binibini. Lalo kapag nakoronahan na ko bilang hari at ikaw bilang reyna. Kapag nakasal na tayo. Sabi iyon ng mga magulang ko, ingatan daw ang mga kababaihan."

"Ako pala si Alessia Marcella o kilala bilang Midnight Alex."

Inabot ni Kyro ang kamay ni Alessia.

"Kyro Augustus, ang mahal na prinsipe."

Lumapit siya sa tenga ni Alessia.

"ni Alessia Marcella."

"Hindi ba talaga si Deon?"

Banggit ulit ni Alessia.

"Hindi na. Matagal na iyon. Napapansin din naman kita. Kapag nagpapapansin ka sa'kin noon."

Biro ni Kyro.

"Hindi kaya. Lagi mo lang akong nililigtas sa mga tao sa palasyo."

Tumango si Kyro sa sinabi ni Alessia.

"Ang sakit ng paa ko sa pagkakalaglag sa tubig."

Sumbong ni Alessia kay Kyro na nakatalikod rito. Napansin nito ang tattoo o marka sa kanyang paa, ibon.

"Ganon ba, akin na hihilutin ko."

Umupo si Kyro sa harap ni Alessia. Hinilot ang paa nito.

"May marka ka pala sa paa?"

Tanong ni Kyro.

"Oo, tanda na ako'y isang mandirigma. Biro lang. Tattoo yan ng aking dating pamilya. Lahat kami mayroon nito."

Sagot ni Alessia tapos ngumiti.

"Tama lang pa lang, nalaman mong ako si Alex. Siguro ay kung hindi ay hindi ko pa malalaman na ako ang iyong gusto."

Sabi ni Alessia na may masayang boses.

"Umuwi na tayo, maggagabi na."

Hinatak ni Kyro si Alessia paalis ng kuweba.

"Balita ko si Axel Tresvenor ang susunod na hari."

Bulung-bulungan ng mga tayo sa Flea Shops.

Nadaanan nilang dalawa.

"Ano daw? Hindi ba ako ang susunod? Anong nangyari?"

"Sinasabi lang ng mga tao yan. Wag ka munang makinig sa mga yan."

Payo ni Alessia habang hila-hila si Kyro paalis ng Flea Market.

"Malapit na ang kasal. Panigurado kapag natanghal na si Kyro na hari."

Panimula ni Axel.

"Ayokong mawalan ng asawa."

Galit na pahayag ni Axel kay Deon.

"Ayoko rin namang maagawan ni Avery kay Zeno."

Sabay halik niya kay Axel sa pisngi.

"May plano ako."

Bulong ni Deon kay Axel na humiga sa kama katabi nito.

Nakahubad ang pangtaas na suot ni Axel.

"Tayo na lang kaya ang unang ikasal, kaysa kay Kyro at Alessia."

Sabi ni Zeno na ikinagulat ni Avery.

Magkayakap silang dalawa sa mahabang upuan sa tree house.

"Hindi pwede, mas matanda siya. Dapat siya ang mauna."

Sagot ni Avery sabay ngumiti.

"Bakit may balak ka bang pakasalan ako? Kahit sa mabilis na panahon."

Tumingin si Avery kay Zeno.

"Matagal na kitang hinintay. Tama lang na ako'y iyong pagbigyan."

Niyakap niya ng mas mahigpit si Avery.

**

Somewhere Only We Know ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon