Last Crown – His Reality
KYRO AUGUSTUS
Sabi ko sa sarili ko, hindi ko talaga susugurin ang mga pinsan namin.
Nagagalit talaga ako para kay Alessia.
Bago siyang dating dito ay inaasar siyang ampon dahil ngayon lang siya nahanap ng mga Marcella.
Pinunasan ko ang dugong umagos sa kanyang mukha.
Nakakaawa talaga!
"Gusto mo ba ako na lang ang maging kalaro mo. Pangmatagal."
Sabi ko sa kanya, nag-aalinlangan kasi si Deon ang kasintahan ko.
Bata pa lang ako pero alam ko na ang gusto ko ganon talaga.
Hindi ko maitatanggi kay Axel Tresvenor ang kagandahan ni Alessia at kagandahang loob. Lumabas ang loob ni Alessia dahil sa'kin.
Ako ang nilalapitan niya.
Hindi ko kailanman naisip siyang bilang magiging kaibigan.
Siguro kung una ko lamang siyang nakilala bago si Deon.
"Deon, ayoko na. Hiwalay na tayo."
Simple kong sabi sa kanya bago naglakad palayo.
"Sinong bago?"
Tanong niya sa'kin.
"Bago mo ko hiwalayan. Sabihin mo kung sino ipapalit mo sa'kin."
Dagdag niyang ikinainis ko.
Hindi pwede sabihin sa kanya.
Edi nagalit siya at baka makasama pa siya sa mga galit kay Alessia Marcella.
Tama, ang kanyang pinsan ang ipapalit ko sa kanya. Hindi niya alam.
"Masama kasi ang ugali mo. Yun lamang kaya ayoko na."
Tumawa ako ng mahina.
Nalaman kong babae si Alex ay natipuhan ko agad siya nang wala pa lang ang mukha niya.
Nung ninakaw ni Alex ang kabayo ko ay nasabi ko na magkikita ulit kami ng kakaibang babaeng ito.
Sabi ko sa sarili ko, hindi ko na kailangan pakasalan si Avery Marcella.
Ayun ang akala.
Hindi pala si Avery Marcella.
Tumungtong ako ng labing apat na taon nang malaman kong si Alessia Marcella pala ang aking asawa.
Pinapadalhan ko siya ng mga bulaklak at ng kung ano-ano.
Sabi ko sa sarili ko, hindi ako iibig ng ibang tao.
Kasi may asawa na pala ako.
Hindi ko sinabi kahit kanino ang nararamdaman ko sa kababata ko.
Para sa'kin, isa itong kahibangan dahil bata pa lang ako at dahil ikakasal ako sa kanya sa tamang panahon.
Balang araw ay mabibigyan ng hustisya ang mga paghihirap ko.
Kinompronta ko ang pinsan ko si Haden Augustus.
"Wag mong liligawan si Alessia Marcella."
Tinulak ko ang kanyang balikat.
Sabi naman ni Haden bago umalis,
"Bakit ba may gusto ka ba sa kanya? Hindi naman siya sa'yo."
"Asawa niya ko sa bukas at magpakailanman. Alis na nga!"
Sabi ko sa kanya ng nakangiting panalo.
Inisa-isa ko ang mga nang-aalaskador sa kanya.
Hanggang sa umabot ako sa point na pakiramdam ko.
Wala kaming pag-asa sa isa't isa.
Mga guhit sa'kin ni Alessia ay itinago ko.
Binubuklat ko iyon bago matulog.
Natatawa nga ako sa mga ginuhit niya dahil sobrang galing, kamukha ko ang lalaki.
Mga pagkakataon pala ito nung mga panahon na hindi na kami nagpansinan dahil malalaki na kami.
Akala ko talaga mamamatay kami sa Black Market nung binenta kami.
Nakangiti ako na tinitignan ang kanyang batok.
Isang mapusok pala akong lalaki, naisip ko.
Hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil batok lang ang nakikita ko kay Alex.
Natutuwa ako sa kanya kasi pamilya ang batok na iyon.
Alessia Marcella.
Una kong naisip.
Pareho ang pustura pero hindi ako naniwala.
Hindi ko alam na iisa pala silang dalawa.
Muntik na rin ulit akong magkaroon ng pangalawang buhay sa isang paglalaban.
Una kong napanaginipan ang kanyang ngiti.
Akala ko talaga hindi ko na siya makikita. Ako'y nabahala.
Nung magpanggap kaming mag-asawa sa Celes Kingdom.
Balak ko talagang patulan ang mga asawa ni Celestino.
Pero naisip ko bigla ang mukha ni Alex.
Ito na ang sign na gusto ko na siya.
Sa bawat kapahamakan ay lagi ko siyang nakikita.
Laging niyang nililigtas ang katinuan ko.
Hindi ko natrauma.
Hindi ako nasaktan.
Lalo akong nabighani sa kanya.
Nang halikan ko siya lalo akong naging siguro.
Lalo akong nabitin. Bakit iyon lang?
Bakit hindi niya sabihing mahal din niya ko?
Hindi ko talaga aaminin na gusto ko si Alessia sa harap ni Axel.
Dahil akong makita din niya ang nakikita ko kay Alessia.
Ayokong maging kalaban siya lagi niya kong kinakalaban sa lahat ng bagay.
Nakakaselos minsan si Axel Tresvenor.
Siya rin kasi ang isa sa mga nagliligtas kay Alessia sa mga pinsan namin.
Pero para sa'kin, hindi ko na kailangan suwayin ang mga magulang ko.
Kung pareho pala ang taong hinahangaan ko at ikakasal para sa'kin.
Isang magandang panaginip na ayoko nang magising pa.
"Ganon po pala ang kwento niyo ni Mama."
Tumango si Kairiel Augustus, ang aking unang anak.
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know ✔
RomanceKyro Augustus has always been a prince who's obedient to his parents. Destined to marry a princess, Alessia Marcella. But not until a girl from a mysterious place tried to break into his life. They meet somewhere only we know and everything went to...