CHAPTER 12.
Scarlet's POV.
I rolled my eyes before putting down the envelope at the top of his table. Binigyan ko siya ng blangkong tingin at hindi pinapakita na naaapektuhan pa ako sa kaniya.
"That's the documents about the succession of the restaurant, SIR.", Pormal kong sabi at diniin ang salitang 'Sir'.
He smirk before he pick up the envelope and open it. Nilabas niya ang mga sandamakmak na papelis at inisa-isa itong tinignan. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako nito.
"Wait here. Sit first.", Sabi nito gamit ang malalim na boses.
Napairap ako sa kawalan bago umupo sa visitor's chair na kaharap niya. I cross my arms and roam my eyes around his office. Masasabi kong kung ano ang desinyo ng kaniyang opisina doon sa building dati ay ganoon rin ang desinyo dito. He really loves the color gray.
Naaamoy ko rin ang pabango niya dito sa loob ng opisina. Sobrang manly kumpara ng dati. Ngayon lang ako nakapasok dito sa main office dahil hanggang 2nd floor lamang ako. Hanggang 2nd floor kasi ay may mga tables and chairs pa rin for customers. Bawat araw kasi ay halos mapupuno na ng mga customers ang restaurant na ito. Sobrang dami ng mga customers na pumapasok dito yung iba ay paulit-ulit na kumakain dito.
Isa din ito sa rason kung bakit mas lumalago ang restaurant na ito. Kaya din pala maraming nakakilala sa restaurant na ito ay dahil isang sikat na CEO pala ang nagmamayari nito.
Tsk! Hanggang dito ba naman? Kaya nga ako nag-resign sa dati na tinatrabaho ko ay dahil ayokong makita siya. Nakakainis talaga ang tadhana. Pero sige.... it's been 5 years naman at hindi ko ipapakita sa kaniya na apektado pa rin ako. Wala na dapat akong ikakatakot. Kung sa tingin niya ay napapatawad ko na siya, nagkakamali ka.
"Hmmm....The restaurant is fine. Goods. Nothing is wrong.", Aniya habang nasa papelis ang tingin.
Hindi ako sumagot at pinasadahan ko na lamang ang aking mga daliri habang naghihintay sa kaniyang sasabihin na makakaalis na ako. Sa totoo lang, naiirita na ako dito. Gustong-gusto ko na talaga lumabas sa opisinang ito. Bakit pa kasi nilalagnat pa si Mr. Ebina? Siya dapat sana ang maghahatid sa mga papelis na ito sa Boss nila---I mean Boss namin.
"How are you?"
Napalingon ako sa kaniya nang marinig kong magsalita siya pero hindi klaro kung ano.
"What is it Sir?", Tugon ko.
I saw how he smile and looks at me. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at bumuga ng hangin.
"Nothing.", Aniya at umiling bago inayos at binalik sa envelope ang mga documents.
"Perfect. I didn't see any failure in the documents. Good job.", Dagdag niya.Tumango ako at tumayo na.
"Where are you going?", Taas kilay niyang tanong.
"Outside Sir since you already done checking those papers.", Sagot ko.
A smirk form on his lips before he stood up and put his hands on his pocket. Hindi naman ako nagpatinag at taas-noo ko rin siyang hinarap at sabay pinag-krus ang aking mga braso.
"You changed.", Aniya na ikinataas ng aking kilay.
"Is there anything you want to say, Sir? I have to go now. I don't wanna be late to go home.", Sabi ko.
Tumaas ang dalawang kilay nito at tumingin sa kawalan bago nagsimulang lumakad at nagtungo sa tabi ko. Nanatili akong nakaharap sa unahan at hindi siya nilingon man lang.