CHAPTER 10: CONNECT THE DOTS

129 5 1
                                    

CHAPTER 10: CONNECT THE DOTS

Malalim na ang gabi nung natapos 'yung klase namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malalim na ang gabi nung natapos 'yung klase namin. Magkasabay kami ni Leona na lumabas sa classroom na parehong pagod na pagod dahil sa dami ng lessons na parang hindi namin masyadong maalala. Habang papalabas kami sa building upang umuwi ay tumigil muna kami.

"Ferrall?"

Tumingin siya sa aming direksyon. Nakangiti siya sa entrance ng building namin. Kinunotan ko siya sa noo habang tumawa siya ng makita ang reaksyon ko.

Anong ginagawa ng lalaki na ito dito?

"Iwanan ko muna kayo" wika ni Leona.

Mabilis ko hinablot ang braso niya. She just smiled at me where I given her a pleading look. Sana hindi niya gagawin na iiwan ako sa lalaki s ito. Mas lumawak ang ngisi ni Leona.

"Don't go..." I said firmly.

"Or what?" Leona grinned.

I hold tightly on her arm then the words that comes out from my mouth where I didn't expect to say it. Mahina lamang ang boses ko para hindi marinig ni Ferrall. "I'll treat you as much as you want. Name your price"

"Anong ginagawa mo dito Ferrall?" nakangiting tanong ni Leona sabay hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. "Are you waiting for your girlfriend?"

"Oh no, I'm single" sagot ni Ferrall.

"Bakit ka nandito sa Engineering Building?" sunod na tanong ni Leona habang magkasabay kami naglakad papunta sa labas.

"Gusto ko makausap si Mary" tumingin siya sa direksyon ko, kumaway pa ang kamay niya at umarte na parang masaya na nakita ako.

"Hindi kita gustong makausap, Ferrall" mariin ko sabi 'tsaka hinatak si Leona para sabay kami lumabas sa building.

Nararamdaman ko na nakatingin parin siya sa amin. Lumingon si Leona na halatang naguguluhan sa anong nangyayari. Kahit humingi siya ng patawad ay hindi parin kami close at wala akong plano para maging kaibigan ang isang katulad niya.

"Amarylis, pwede ba kita makausap kahit isang sandali lang?" malumanay na tanong ni Ferrall.

Tumigil kami sa paglalakad. Naririnig ko naman ang mahina ngunit papalapit na yapak ni Ferrall papunta sa amin. He walked passed by me then stopped in front of us.

"Please, I just needed to talk to you" he pleaded.

I sighed. "Pagod ako ngayon, Ferrall. Hindi ko pa gustong kumausap sa'yo kaya nakikiusap ako na huwag ka munang gumambala sa akin"

"Okay, if that's what you want" akala ko aalis na siya pero may kinuha muna siya sa bulsa na papel.

Nagsalubong ang kilay ko ng humingi siya ng ballpen ni Leona. Mabilis na may isinulat si Ferrall na ibinigay din sa akin ng matapos. Kumunot ang noo ko ng makita ang dalawang contact number niya.

The Crimson PainterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon