Chapter 7

8 6 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
     CHAPTER 7     
╚════════════. .✯ .  ╝

Mabilis lang lumipas ang panahon at labing limang taon na ako. Kasama ko naman si ama papunta sa pag eensayo ko dahil isa ako sa mga Lyra na ginawa ni ama

Naabutan ko doon ang mga kasamahan ko na nag sisimula narin sa pag eensayo at tumigil sila nang makita kami. Binati naman nila kami ni ama

"Buti at dumating narin ang prinsesa para naman sama sama na sila sa pag sasanay" Sabi ni Knight Ghoss. Siya ang may hawak sa pag sasanay namin, at kasama niya si Rosh

Dipa naman kami masyadong nahuli dahil, sadyang inagahan lang talaga nila. Hindi rin naman sila natagalan sa pag hihintay dahil kaya naman nila kahit na wala ako.

Iniwan naman na kami ni ama pag tapos niya kausapin si Knight Ghoss at nag simula narin kami mag ensayo. Magaling ako sa pag hawak ng espada kaya ito ang armas na ginagamit ko

Kahit na ganon ay sinubukan parin namin gamitin ang armas ng bawat isa. Pumana naman si Serenity at agad ito napunta sa gitna, agad naman siya pinalakpakan

Hindi naman nakakapag tataka dahil kahit ako ay napapa hanga niya. Masasabi kong siya na ata ang pinaka magaling pumana na nakita sa buong buhay ko

Ako naman ang sumunod sa kanya at hindi iyon napunta sa gitna pero malapit narin naman "Magaling mahal na prinsesa" Tumango naman ako sa sinabi ni Knight Ghoss

Sumunod naman ay sila Syringe at Astraea na parehas nalungkot dahil malayo sila sa pinaka bilog. Kahit na ganon ay may talento parin naman sila, may sari-sariling kaming kakayahan

Pagtapos ng aming pag eensayo ay nag pahinga muna kami. Naupo kami at uminom ng tsaa na magkakasama, si Syringe at Astraea lang ang maingay dahil pati si Serenity ay tahimik

"Prinsesa Elise!" Lumingon naman ako kay Hexia nang ako ay tawagin niya. Malayo pa ito medyo sa aming pwesto, kumaway ito sakin habang malaki ang ngiti sa labi

Agad din naman ako kumaway pabalik sa kanya kaya mas lalong lumaki ang kanyang ngiti. Binaba naman niya ang dala dala niyang basket sa aming lamesa na puno ng mga tinapay at cakes

"Ang sasarap naman nito Hexia nag abala kapa" Sabi ni Syringe at kumuha ng isa. Tinapik naman ito ni Hexia kaya bahagya itong nagulat habang sapo sapo ang kamay

"Si Prinsesa Elise po muna ang dapat mauna bago kayo" Natawa naman ng mahina si Astraea dahil dito

"Ayos lang, Hexia" Sagot ko sa mahinang boses kaya napa simangot si Hexia at kinuha ang tinapay na kukunin dapat ni Syringe. Siya na ang sumubo nito kay Syringe, pasaway

"Pag kay prinsesa Elise napaka bait mo Hexia. Pag dating samin ang sungit mo" Sabat ni Astraea at kumuha narin ng cupcakes "Ganon naman po talaga" Sagot niya

Pansin ko naman na hindi pa kumukuha ng pagkain si Serenity at mukhang malalim ang iniisip. May problema ba siya o sadyang ayaw niya lang makipag usap

Kumuha naman ako ng slice na cake at nilagay ito sa kanyang plato. Bagaman ay nagulat siya sa ginawa ko pero nagawa niya parin namang magpa salamat

Kung sila Syringe at Astraea ay parehas na maingay, kami naman ni Serenity kabaliktaran nito. Pero nakakausap mopa naman si Serenity dahil minsan may kadaldalan ito

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon