CHAPTER 16

746 15 1
                                    

Denine

"Ano ba kasing kinain mo at nagsusuka kana naman?"tanong ni Alexa habang hinihimas himas ang likod ko

Alas otso na ng umaga at mag dadalawang linggo na kami rito sa San Francisco at sa loob ng isang linggo na yun ay panay ang suka  ko tuwing gigising sa umaga o makakaamoy ako ng amoy na hindi ko gusto

"Ayos lang ako"sagot ko sa kanya bago tumayo mula sa pagkakaluhod sa anidoro at pumuntang lababo upang
Maghilamos at magmumog na rin

"Pupunta tayong hospital"ani nito

Tumingin ako sa kanya mula sa salamin at nakita ko siyang nakapamewang habang nakatingin sa akin

"Hindi na kailangan Lex,ayos lang ako"ani ko rito bago umiwas ng tingin

Alam kong hindi ako ayos at alam ko rin kung anong nangyayari sa katawan ko

Doctor ako,hindi man ito kasama sa trabaho ko pero alam ko kung ano tong nangyayari sa katawan ko

Hindi ko lang alam kung matatanggap ko ba kung totoo man ang hinala ko

"Pupunta tayo sa ayaw at sa gusto mo"ani niya pa bago lumabas ng banyo

Wala akong ibang kung hindi ang bumuntong hininga nalang dahil alam ko namang wala akong laban kapag siya na mismo ang nagsabi

Lumabas ako ng banyo at tumuloy papuntang kusina

Naabutan ko itong naghahanda ng almusal namin habang may hinihintay na kung ano sa Laptop niya

"Maghahanap ako ng trabaho,hindi ako pwedeng tumunganga lang dito"ani niya sa akin pagkatapos nilapag ang sinangag sa mesa

Umupo ako sa upuan bago tumingin sa kanya

"Gusto ko rin magtrabaho"ani ko rito

"Hindi pwede,hanggat hindi natin nalalaman kong ano ang nangyayari sayo hindi kita hahayaan magtrabaho"sagot niya bago bumalik sa laptop niya

Nagsimula akong maglagay ng kanin sa plato at ulam na hatdog,naglagay rin ako ng itlog at tuyo

Pumunta ito sa lababo at may kung anong ginawa at ng bumalik ito sa mesa ay may dala na itong suka

Ng maamoy ko ito ay halos bumaliktad na ang sikmura ko kaya naman napatakbo ulit ako papuntang banyo

"That's it, pagkatapos nating kumain aalis na tayo naiintindihan mo ba ako?"ani nito bago ulit ako tinulungan

Halos naubos na ang kinain ko kagabi sa tiyan ko kaninang umaga ng sumuka ako kaya naman sa pangalawang suka ko ay halos tubig nalang ang nailalabas ko

"Gusto ko ng milo"ani ko rito bago umiyak

"Anong iniiyak mo?"tanong ko habang nakakunot ang nuo

"H-hindi ko alam"sagot ko bago tumayo at naghilamos ulit

Bumalik kaming dalawa sa kusina
Kinuha nito ang suka pagkatapos ay itinapon sa lababo

Nagtimpla ito ng milo pagkatapos ay nilapag sa harapan ko

Napangiti naman ako sa kanya at nagsimula ng kumain

Pagkatapos naming kumain ay ako ang naghugas ng plato

Nakaugalian na kasi naming dalawa na kung sino ang magluluto ay ang isa ang maghuhugas ng pinggan kaya ito ako ang naghuhugas

Ng matapos akong maghugas ay dumeretso na ako sa kwarto ko upang maligo at makapag ayos na rin para sa pagpunta namin sa hospital

Pagkalabas ko palang ng kwarto ay nasa sala na agad ito at nakabihis na kaya naman sabay na kaming lumabas dalawa ng bahay

Nakita kong naghihintay na pala si Mang kaloy sa amin sa labas ng gate kaya naman masaya akong lumapit dito

"Hello po mang kaloy,ang gwapo mo po ngayon"ani ko rito

Tumawa ito sa sinabi ko kaya naman napanguso ako

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko eh

"Mang kaloy  sa pinakamalapit sa hospital po tayo"ani ni alexa pagkasakay niya palang ng sasakyan

"Ano pong gagawin natin dun Maam?"tanong ni Mang kaloy bago pinaandar ang makina at nagmaneho na

"Ipapacheck up ko lang ang utak nito baka nababaliw na kasi"ani ni Alex bago ako itinuro

"Hindi naman ako baliw"ani ko sa kanya

"Sabi ko baka nga lang diba?"sagot niya rin

Biglang tumulo ang luha ko kaya naman nawala ang pagkakunot ng nuo nito

"Ang sama sama mo sakin"sigaw ko sa kanya bago tumingin sa bintana at humikbi

"Ano bang nangyayari sayo?"tanong nito

"Gusto ko ng mangga"sagot ko rito

"Baliw kana talaga"ani niya pa pagkatapos suminghal

"Hindi nga ako baliw"sigaw ko ulit bago umiyak na naman

Natahimik nalang ito at hindi na ako kinausap hanggang sa makarating kami sa hospital.

"Andito na po tayo"ani ni Mang kaloy pagkarating namin sa bungad ng Hospital

"Salamat po Mang kaloy ang bait bait niyo po talaga"ani ko bago bumaba ng sasakyan

Sumunod naman si Alexa bago tumabi sa kin

Ngumiti si Mang kaloy sa akin bago nagsalita

"Sige po Maam sa parking lot lang po ako

Tumango na lamang ako dahil hinila na ako ni Alexa papasok,narinig ko pa itong nagpasalamat kay mang kaloy bago nagpatuloy papasok sa loob

Lumapit kami sa reception ng Hospital at kinausap nito ang Nurse na nagbabantay roon habang ako naman ay nagpalinga linga lang sa paligid

Ng matapos na itong makipag usap ay umupo kami sa mga bakanteng upuan na nakalagay sa gilid

Sabi daw kasi sa kanya ay tatawagin lang daw ang pangalan kapag kami na

Hindi naman nagtagal ay tinawag ang pangalan ko,kinuhanan ako ng dugo sa loob at marami pang ginawa sa akin

Lumabas ulit kami at pumunta sa inuupuan namin kanina dahil maghihintay pa daw kami ng 30 minutes bago lumabas ang result

Ng mag 30 minutes na ay pinapasok kami ng Doctor sa isang pribadong kwarto

"You don't any disease Miss Salvador, actually you're more than Fine and healthy also you're baby is healthy too-"

"B-baby?"tanong ko

"Yes Miss Salvador, you're three weeks pregnant"ani niya

Napanganga ako sa narinig at narinig ko namabg sumigaw ang kaibigan ko

"Is this true?"tanong nito sa Doctor

"Yes, congratulation Miss Salvador and to your friend"ani nito at bumaling sa kaibigan ko

Marami pa itong binilin tungkol sa mga bawal at dapat kong gawin pati na rin sa mga Vitamins na kailangan kong inomin

Ngunit kahit isa dun ay wala akong pinakinggan dahil hanggang ngayon hindi parin natatanggap ng utak ko ang katotohanang buntis ako

Hinawakan ko ang tiyan habang pinipilit ang sarili kong ngumiti

Ang anak ko...

Authors note⚠️⚠️⚠️

Tatapusin ko po muna tong kwentong to bago ko tatapusin ang kwento ni Erlys at Alexa dahil ayoko po kayong maspoil haha

Goodnight Lunars I love you 637🌕🌕🌕

Our Unwanted Marriage (Cain Brother's Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon