Prologue

5 1 0
                                    


  Ace and I was happy kahit pa busy kami dahil graduating kami as a 3rd year college student . Lilipat sya ng paaralan pag apak niya ng 4rth year college samantalang ako ay mananatili sa paaralang ito.

Pero napag usapan namin na magli live in na kami okay naman sya dun pati na ang mga magulang namin . At masaya ako dahil naging matiwasay ang pagtatapos namin .

Hindi pala talaga madali ang pagiging isang koliheyo lalo na kung nasa ika huling yugto kana bilang isang mag aaral. Palagi na kaming busy . Oo nga at noon ay naging busy kami pero nagagawa pa namin noon na bigyan ng oras ang isat Isa . Pero ngayon. Pilitin ko man na may maisingit na oras ay sya naman ang busy .

Minsan akong umabsent dahil gusto ko syang makausap . Kaya pinuntahan ko sya sa paaralang pinapasukan nya .
Nakita ko sya .

Kitang Kita ko Kung paano sya maging masaya sa piling ng ibang babae.

May nag iba na nga , nagbago na ang relasyon namin , pati ba naman siya may bago na.

Kung dati ay ako ang dahilan ng pagngiti nya.

Ngayon ay iba na.

Sa bawat malulutong nyang pag tawa na ako ang dahilan na masarap pakinggan sa tenga ,na para itong musika .

Lahat ng saya nya na ako ang dahilan pero ngayon iba na.

Kitang Kita ko kung paano kumislap ang mga magagandang mata nya sa bawat pagtitig sa babaeng kaharap at sa tingin koy bagong babaeng minamahal nya .

Ngumiti ako kahit patuloy Ang pagtulo ng luha sa aking mata, hindi alintana ang mga taong nakatingin sakin at awang awa.

"Babe, sino sya??" mahinhin na tanong ng babae sa kanya.

Tiningnan mo lang ako na para bang hindi mo kilala.

Sobrang sakit lalo na ng Hindi ka umimik at sabihin kung anu ba ang meron tayo at kung ano ba ako sayo.
Okay lang sana kahit sinabi mo man lang sana na kilala mo ako .

Napayuko ako.

Wala kang ginawa .

Tinignan mo lang ako pero agad mong ibinalik Ang tingin sa babaeng kasama mo.

At Ang masakit muling kumislap ang mga mata mo.

"Let's go babe we're going t be late." Yun lang . Yun lang ang sinabi mo.

Ang sakit naninikip ang dibdib ko.

Ang  bigat ng dibdib ko ko.
Pakiramdam ko ay parang sinasakal ang puso ko.

Hindi ko maiwasan na mapatanong . Bakit ?

Bakit ka naghanap ng bago?
Kasalanan ko ba?
Ako ba ang nag kulang?
Pareho lang naman siguro tayo ah?

Napaluhod ako ng tuluyan na silang naka layo.

Buti kapa.

Ang saya saya mo!

Ako heto . Umiiyak dahil sayo.

"Hindi magandang tignan kung dahil lang sa isang lalaki iiyak at luluhod ka. Wag mong sayangin ang luha mo sa kagaya nya My Miracle." Napaangat ako ng tingin sa taong nag salita.

"Jace?" Mahinang usal ko natagpuan ko nalang ang sariling mahigpit na nakayakap sa kanya at humahagulhol ng iyak , nakakahiya na nababasa ko na ang damit niya ng luha at ng sipon ngunit mamaya ko na iisipin iyon.

"Shhh.. stop crying now I'm here." Lako akong napaluha ng maramdaman ang malambing na paghaplos niya sa akin likod at ang marahang pagdampi ng kanyang labi sa tuktok ng aking ulo, bakit hindi nalang siya ? Siguro ay hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.






A/N:
Nakakatuwa na nahanap ko pa ang pinaka unang kwento na natapos ko noon , year 2018 or 19 nasa dating page ko ito nakasulat at hindi pa tapos ang complete nito ay nabura ang group na sinulatan ko. And that the most painful part dahil pagkatapos na pagkatapos ko yun masulat nagsisimula palang na makilala ay saka naman na delete or na report ang group. But anyways baka maipagpatuloy ko na ito ngayon.

Comments Votes is highly appreciated. ❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Woman's Cry ( Regret Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon