CHAPTER 16

3.4K 55 5
                                    

A/N:THIS IS MY THANK YOU GIFT TO ALL OF YOU FAIRIES,DAHIL FINALLY ANG BS1 PO AY NAKA-REACH NA NANG 100K READERS KAYA MARAMING-MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT FAIRIES😊😭

★★★★★

“KUYA?!”gulat na sambit ni Cierra ng makita ang kuya n’ya.

“Yeah”simpleng tugon nito at hindi maalis ang tingin sa akin.

“What are you doing here?”Cierra asked to her brother at lumapit sa dereks’yon nang kapatid upang batiin ito.

“Well,Cooper told me that your bastard fiancee is here…so I’m also here para bugbugin s’ya dahil ginagapang ka na naman ng gagong iyon”rinig ko ang pagkapika sa boses ni Asher,si Cierra naman ay natawa.

“C’mon kuya, it’s normal.Para namang hindi mo ‘yon ginagawa dati,at least kami ikakasal,eh ikaw girlfriend mo palang”sambit ni Cierra dahilan para lihim akong pamulahan.Kahit hindi sabihin ni Cierra ang pangalan alam kong ako ang tinutukoy n’ya.Oh well,there’s Ayeisha,but I know it was me dahil nakita kong tumingin sa dereks’yon ko si Cierra at palihim akong kinindatan.

“We are both on the right age when we did it,Cierra”sambit ni Asher na akala mo ang laki-laki ng pinaglalaban nilang dalawa.

“We are both on the right age too,kuya”ngiti ni Cierra sa kapatid.

“Whatever”singhal ni Asher at naglakad patungo sa sofang nasa harap ko at umupo doon “it’s nice to see you again”sambit ni Asher kaya pilit akong ngumiti.Hindi ako p’wedeng kabahan sa harap n’ya,I don’t want to him to see me affected by his presence.

“Nice to see you too”pilit kong ngiti at umiwas sa kan’ya ng tingin.Dahil bukod sa kinakabahan ako sa presens’ya n’ya ay kinakabahan din ako dahil baka magtagpo ang landas nilang dalawa ni Aster,and this is not the right time.

Tumingin ako kay Cierra na nasa likod ni Asher at sinenyas sa kanya ang kusina kung nasaan ang dalawa, naintindihan naman n’ya ako agad.

“I will just get a drink”paalam ni Cierra bago dali-daling naglakad patungo sa kusina.

“It’s been a long time…”he drawls kaya napatingin ako sa kanya,I didn’t say anything and just stared at him “kailan ka pa bumalik?”tanong n’ya.

“No’ng nakaraang araw lang”tipid kong sagot kaya napatango s’ya.

“Where have you been?ang dami nang nangyari sa buhay nang mga kaibigan mo dito pero hindi ka umuwi,ngayon lang”sambit nito kaya mahina akong napabuntong-hininga,sapat lang para hindi n’ya marinig.

“Nasa new york ako,busy ako sa pagbabantay ng negosyo ko doon at hindi ko iyon p’wedeng iwan lang basta-basta”sambit ko.And by that time,I was also busy taking care of Aster.Kahit sabihing nand’yan ang mga magulang ko para alagaan ang anak ko.Mas gusto kong ako mismo ang mag-aalaga sa kan’ya dahil anak ko s’ya kaya hindi ako p’wedeng umuwi ng basta-basta dito sa Pilipinas dahil may anak akong kailangan kong isipin.

“Hmm”he just hummed and didn’t say anything which is I was thankful, pakiramdam ko sa t’wing nag-uusap kami ay may masasabi akong hindi dapat kahit na nag-iingat ako sa mga salitang binibitawan ko.

“Here are your drinks”nagpasalamat ako ng biglang sumulpot si Cierra na may bitbit na inumin.

“CR lang ako”paalam ko at hindi na hinintay pa ang sagot ninoman sa kanila.Imbes na magtungo sa banyo ay dumeretso ako sa kusina.But I didn’t saw Aster there or even Cierra’s fiancee,pero nakarinig ako ng kaluskos galing sa isa sa mga pintuan doon.

Billionaire 6:Asher Antonio Where stories live. Discover now