"She ruin my life. She destroy it. That fucking woman destroy my fucking life." Galit na galit na usal ni Kaiden na patuloy pa rin na binabasa ng luha ang makinis niyang pisngi. Nanatiling nakatitig si Dreams sa kanya na konti na lang ay mahahawa na rin ito sa pag-iyak. Nakita niya kung gaano kahirap at kasakit kay Kaiden ang nangyaring pananakit ng kanyang ina na si Doktora Katlyn.
"Baka... Baka naman may dahilan lang ang lahat kaya niya nagawa 'yon." Matapang na usal ni Dreams, napatingin si Kaiden sa kanya't napangiwi ito.
"If she didn't mean to left us, sana bumalik siya kaagad." Sagot nito, tumagay ulit siya sa hawak niyang bote ng alak, pinanood lamang ito ni Dreams. "It was really hard to forgive everything she did to me. Walang anak na gustong maiwan ng kanyang ina. I was only five years old that time, presyong-presyo sa utak ko 'yong mga nangyari twenty years ago. At kahit dalawang dekada na ang nakakalipas, nandito pa rin 'yong sakit." Muling nakita ni Dreams kung paano naghahabulang umagos ang mga luha ng lalaki sa pisngi nito. Nakaramdam siya ng awa dahil nababasa niya sa mga mata ni Kaiden ang hirap ng mga dinanas nito noon.
"Nabuntis siya ng maaga ni Papa, first year pa lang siya non sa medical school. She was'nt ready to be a mother kahit gustong-gusto na ni Papa non daw na ikasal sila. My mom has a dream to become a doctor. And she continued attending school after she gave birth to me. First three years of their marriage was fine. Sinuportahan siya ni Papa sa pagdodoctor niya and kahit galing siya sa school, nagagawa niya pa rin akong alagaan non. But, everthing change when she's going to graduate in medical school. Five years old na ako that time, madalas ko na silang nakikita na nag-aaway infront of me. Akala kasi ni Papa, hanggang medical school lang siya pero hindi. Same year, nalaman namin na may sakit sa puso si Papa. Ilang buwan before siya sumabak sa residency niya, ooperahan din si Papa. I was there for my dad. Nakita ko kung paano niya hintayin 'yong mama ko but my mom choice her dream than her husband laying on hospital bed na nag-aagaw buhay."
Napahinto si Kaiden at napapikit sa pag-iyak. Hindi namalayan ni Dreams na bumagsak na ang mga luhang kanina niya pa pilit pinipigilan. Nahahawa siya sa paghagulgol ni Kaiden habang inaalala ang mga mapapait na nangyari sa kanya noon.
"I waited her also to come. Hinintay ko rin siya na uwian kami pero hindi ko siya nakita. Until my dad..... choice to give up. I was alone or graving my dad's death. Ni anino ni Mama hindi ko nakita nong nakaburol na 'yong Papa ko. Ni hindi siya sumilip sa kabaong na kinaroonan ng asawa niya. Hindi siya nagpakita sa amin." Bumuntong-hininga ng malalim si Kaiden at pinunasan ang kanyang pisngi na patuloy pa rin na binabasa ng luha. "Her bestfriend, Tita Felice, adopt me. Nalaman ko na nakiusap siya sa kaibigan niyang ampunin muna ako habang tinatapos niya ang residency niya sa Manila. Nong una tinuring naman nila akong anak, pinakain nila ako, binihisan, inalagaan. Hindi nagtagal, nagbago na 'yong pakikitungo nina Tita Felice sa akin. Palagi akong sinasaktan nong asawa niya kapag lasing na umuuwi. Ginawa nila akong katulong, punching bag at aso na pinapakain ng tira-tira nila. Ni hindi ko alam kung alam ni Mama na ganon 'yong trato ng mag-asawa sa akin. Umasa ako na susunduin niya ako't kukunin para mailayo sa kanila pero hindi pa rin siya dumating. Gabi-gabi hinihiling ko na sana kinabukasan nandon na 'yong Mama ko para sunduin ako. Isang taon ang lumipas wala pa rin siya. Napagdesisyunan kong lumayas, napadpad ako dito sa Manila, sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko alam kung saan. Napunta ako sa bahay ampunan, doon naging maganda kahit papaano 'yong buhay ko. May umampon sa akin, mag-asawang matanda na hindi nabiyayaan ng anak. Minahal nila ako, tinuring na parang anak, pinakain, binihisan at pinag-aral. Sa katandaan nila, maaga sila parehas na nawala sa akin pero bago sila nawala, nakabawi ako sa pagiging mabuti nila."
" I became alone in life. Pinangarap ko rin maging doktor kaya nag-aral ako ng medisina. After ilang taon, hindi ko inaasahan na makikita ko 'yong nanay ko sa ospital na napili kong isagawa iyong residency training ko. Nagtaka ako dahil Garcia pa rin 'yong ginagamit niyang apelido kahit nakikita ko siya minsan sa mall na may kasamang lalaki at mga anak. Nalaman ko na live in pa lang sila nong lalaki. Sobrang hirap. Sobrang sakit na makita siya, na makitang parang walang nangyari, na makitang may ibang asawa at anak siyang nilalambing, na parang wala siyang iniwan na anak. Gusto ko sanang umalis sa ospital na 'yon pero doon ko gustong magtrabaho. Binalewala ko na lang iyong presensya niya. Umakto ako na parang hindi ko siya kilala kagaya ng ginawa niya. Iniwasan ko siya. Pero kapag nakikita ko siya, gustong-gusto kong maramdaman 'yong pagmamahal niya bilang ina sa akin."
"Nong gabi na nasigawan kita at napagsabihan ng masasakit na salita, nakasama ko siya sa isang operasyon. It was the first time. Nakaramdam ako ng trigger kaya nagpanic ako't nakatanggap ng panenermon sa kanya. Hindi ko kasi matanggap na, pati sa pagdodoktor ko ay hindi ako magaling sa paningin niya. I always trying my best para may maipagmalaki ako sa kanya. Gusto kong ipamukha sa kanya na may narating ako kahit wala siya. Kanina, nakasama ko na naman siya. Alam mo 'yong masakit? Yong hinayaan niyang insultuhin yong anak niya. Wala siyang ginawa. Nasasaktan ako dahil kaya niyang magpakaina sa ibang tao pero sa akin na anak niya ay hindi."
Hindi nakapagsalita si Dreams sa kanyang mga nalaman. Hindi niya inaasahan na ganoon ang mga ginawa ni Doktora Katlyn sa kanyang anak noon. Ngayon, naiintindihan na niya si Kaiden. Naiintindihan niya kung bakit ito mag-isa sa buhay. Kung bakit masungit ito, tahimik at hindi palakwento. May trauma pa lang siyang naranasan noon at galing 'yon mismo sa kanyang ina. Naging dahilan rin ito kung bakit hindi magawang magmahal at makisama ni Kaiden sa ibang tao. Natatakot siyang masaktan, natatakot siyang maiwan.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo hilutin ko?" Bungad kaagad ni Dreams kinaumagahan nang lumabas si Kaiden sa may pintuan ng kanyang kwarto. Magulo ang buhok nito't naniningkit ang mga mata nito.
"No, I'm fine." Matipid na sagot ni Kaiden at naupo sa may dining area. Napahilamos ito sa kanyang mukha samantalang mabilis na kumuha ng tubig si Dreams at inilapag ang basong may laman sa tapat ni Kaiden.
"Uminom ka muna ng tubig."
Pinanood niya ang lalaki na inumin ang laman ng baso. Habang nakatingin siya rito, bumabalik sa alaala niya lahat ng kinuwento nito sa kanya. Nararamdaman niya pa rin 'yong sakit kaya naman hindi siya nakatulog ng maayos kakaisip kung paano niya ito matutulungan. Kahit pagod na pagod siya sa trabaho't kumikirot ang kanyang braso, inalalayan niyang tumayo si Kaiden kagabi at hinatid ito sa kanyang kwarto. Noon lamang siya nakapasok sa kwarot ni Kaiden at masasabi niyang malinis naman ito, hindi makalat iyon nga lang madilim at napakalonely ang vibes nito sa loob.
"Did I say something last night that you shouldn't have heard?" Mababang tono na usal ni Kaiden, nakatulala siya't nakatingin sa kawalan habang abala si Dreams sa pag-aayos ng kanyang pinaghigaan.
Umiling na lamang si Dreams dahil ayaw niyang malaman ni Kaiden na naglabas ng hinanakit ito sa kanya kagabi. "Wala naman, naabutan lang kita na lasing tapos hinatid kita sa kwarto mo, yon lang."
Hindi na nagsalita si Kaiden, umalis na ito sa pagkakaupo at pumasok sa banyo. Bumalikwas naman ng takbo si Dreams upang kunin 'yong selpon niya sa mesa. Idinayal niya kaagad 'yong numero ng taong gusto niyang tawagan.
"Pumapayag na ako. Ituloy natin 'yong plano."
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...