Chapter 3
Pinunasan ko ang pawis sa aking noo, hinubad ko na ang coat ko pero mainit pa rin. Hapon na rin kasi at mainit na talaga ang singaw dahil sa sinag ng araw. Buntong hininga akong nag-ayos ng buhok kong humarahang sa aking mukha.
"Medyo kinakabahan ako diyan sa kalaban nila ngayon," bulong ni Hannah sa akin, nakaupo kami ulit sa bandang taas ng bleachers dito sa court.
May laro ngayon ang basketball pero ngayon ay magkakampi ang mga section namin. Pinili lang ata ang mga lalaban para sa kabilang school, napili sila Dan, Amiel, Pio, Wyatt at sa ibang section naman ay sila Caden.
Itinuro ni Hannah ang lalaking matangkad na kamukha ni Sakuragi, taga ibang school at sila ang dumayo rito sa amin. Niliitan ko ang mata para makita ito ng mabuti, unang tingin mo palang parang may kakaibang aura na nga sa kanya.
Parang mayabang.
Ewan ko, ngayon ko lang siya nakita. Pero napapansin ko nga minamata niya ang mga kaibigan ko at kahit sila Wyatt pag nakakascore.
"Bakit? Wala naman siguro siyang gagawing hindi maganda." sagot ko.
"Hmmm, hindi maganda pakiramdam ko sa kanya." dugtong pa nito, hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy sa panunuod.
Ipinasok na ulit sa laro iyong kamukha ni Sakuragi, na kela Caden ang bola. Ipinasa ito ni Wyatt sa kanya, nasalo ni Caden iyon at tinakbo. Sakuragi blocked him, he didn't even try to steal the ball, si Caden ang puntirya niya. He blocked him with his whole body, ngunit imbis na si Caden ang matumba ay siya ang napahiga sa sahig.
Nagsigawan ang mga tao, mabilis naman itong nakatayo, pero ako ang napatayo sa kinauupuan ng kwelyuhan niya si Caden. He is a bit taller than Tonjuarez, maybe that's why he thought he can bring him down earlier by blocking him.
Lalong lumakas ang hiyawan, everyone didn't expected him to do that.
"Hala!" sigaw ni Hannah.
Nakatayo na rin kaming dalawa, "What was he thinking? Siya itong nanugod!" I muttered out of frustration. Pero halos hindi narinig iyon dahil sobrang ingay na.
Caden faced him, hindi ito umatras at lalo pa siyang hinamon. May ibinulong pa siya sa lalaki at ngumisi. Ano bang ginagawa niya?!
The Sakuragi guy looked like he lost his temper, parang kanina pa siya nagtitimpi kay Caden habang naglalaro. His hand went to the air, nanlaki ang mata ko. He will punch Caden!
Mabilis na umawat ang mga ibang players at referee, but because he is big nakasuntok pa rin ito. Naiwasan ito ni Caden, ngunit nag-iba na rin ang mukha ni Caden at parang napipikon na.
Ano ba 'yan! Bakit ba ang ikli ng pasensya niya?!
"Sabi ko na nga ba iba pakiramdam ko dyan sa lalaking yan e! He punched Tonjuarez! Ang lakas naman ng loob niya!" komento ni Hannah, she also looked so invested.
Ang mata ko ay hindi maalis sa away, kinakabahan na ako. Caden stepped forward at sa isang iglap bumagsak ulit ang lalaki sa sahig. He even punched him multiple times.
Napasigaw ako. What is he doing?!
Lalong lumala ang gulo, nagkukumpulan na ang mga players at iba pang lalaki, maawat lang si Caden. Kumabog ang puso ko.
"Tonjuarez!" I uselessly shouted.
"Oy! Awatin niyo si Caden baka malumpo niya 'yan!"
"Ma-didisqualified si Caden!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig, parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Yeah, right! Madi-disqualified siya sa ginagawa niya!
Nahiwalay na nila si Caden sa lalaking nakahiga na sa sahig, multiple guys hugged and blocked him from the Sakuragi guy. Bakit ba ang bilis niyang mapikon? Hindi naman siya nasuntok e. Madi-disqualified siya sa ginagawa niya!
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
عاطفيةAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...