"What are we doing here?" Taas-kilay na tanong ni Kaiden nang papasok sila sa isang kilalang restaurant sa syudad na iyon. Wala siyang maalala na may okasyon silang kayang icelebrate nong araw na iyon na niyaya siyang lumabas ni Dreams. Saktuhan na day off nito at wala naman siyang gagawin sa unit niya, nagpatangay na lamang siya kay Dreams. Hindi alam ni Kaiden kung ano ang sumanib sa kanya na espiritu at napapayag siya ni Dreams na sumama.
"Basta! Sumama ka na lang." Hinawakan ni Dreams ang kanyang palapulsuhan at hinila siya papasok sa restaurant. Pinagbuksan sila nong guard ng pinto at bumati pa. Tanging ngiti na lang ang naisagot ni Dreams samantalang walang ekspresyon ang mukha ni Kaiden na hinayaan niyang magpatangay kay Dreams. Dinala siya ng babae sa isang sulok, kung saan wala masyadong tao. Naupo na lamang si Kaiden at muling tinapunan ng tingin si Dreams na hindi maipinta ang excitement sa kanyang mukha.
"I'm so tired at work last night. Kung ano man ang trip mo ngayon, pwedeng ireschedule mo na lang? Wala akong time sa mga kalokohan mo." Iritableng tugon ni Kaiden at ipinagkrus ang kanyang braso sa dibdib nito habang nakasandal sa kanyang kinauupuan.
"Wala akong masamang balak sa'yo. Kumalma ka nga. Ba't feeling mo palagi kitang ipapahamak, ha? Mukha na ba akong bad girl sa paningin mo?" Sambit ni Dreams, nakatingin pa rin siya sa paligid hinihintay ang taong inimbita niya pa sa lunch date na iyon. "Papasalamatan mo talaga ako after this."
"Whatever." Pagtatapos ni Kaiden sa usapan. Napansin niya ang hindi mapakaling maga ni Dreams na animo'y may hinahanap at hinihintay na dumating. Binalewala niya iyon at umorder na lang ng makakain nila. Nakaramdam na rin siya ng gutom dahil hindi siya ganon nakakain ng breakfast dahil sumakit ang kanyang ulo pagkagising. Sumimsim lang ito ng mainit na tsaa kaninang umaga.
"Let's eat." Anunsyo niya upang makuha ang atensyon ni Dreams na nakatingin pa rin sa may pintuan. May hinihintay nga ito at wala siyang ideya kung sino. Ang inaasahan niya lamang na hinihintay nito ay ang kaibigan nitong si April.
"Wait lang, hintayin natin siya."
"Who?"
"Basta! Masusurprise ka na lang kapag dumating na siya."
May sumanib na namang espiritu sa kanya't sumunod sa gusto ni Dreams. Inabala na lang muna ni Kaiden ang sarili sa pagscroll sa social media account niya. Tinignan na rin niya 'yong mga nag-email sa kanya for appointment ng mga checkup. Inayos niya rin 'yong mga schedule niya sa mga sunod-sunod niyang checkup at operasyon. Kahit day off niya ay hindi niya kayang ibaling sa ibang bagay ang kanyang atensyon. Sa pagiging workaholic niyang tao, wala na siyang nabibigay na oras sa kanyang sarili.
"Tita, dito po."
Napaangat siya ng tingin nang marinig ang pagtawag ni Dreams sa isang tao na nagmumula sa may entrance ng restaurant. Mabuti na lang at konti lang ang tao na roon nong oras na 'yon. Halos tumigil ang mundo niya pagkakita sa taong bagong dating lamang. Huminto ang mundo ni Kaiden. Nawala siya ng bahagya sa katinuan. Nanatili ang kanyang titig sa babaeng hindi niya inaasahang darating at sasalo sa kanila ni Dreams.
Kung nagawa niyang umiwas kapag nasa ospital siya, ngayon ay hindi. Napapansin niya ang pangsusuyo nito pero dinededma niya. Matapos ang gabi na nagkasagutan silang dalawa sa may hallway, laman na silang dalawa sa chismisan. Marami ng nakaalam na anak siya ng kilalang doktor sa ospital na iyon. Maraming nagulat. Marami ang hindi makapaniwala. Pero sa kabila ng pangungumbinsi nina Oheb na makipagbati siya rito ay hindi niya ginawa.
"Akala ko po hindi kayo darating." Tumayo si Dreams upang salubungin si Doktora Katlyn. "Maupo po kayo." Ipinaghila niya pa ito ng upuan at naupo ang ginang sa tapat ni Kaiden.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...