Chapter 39: Problem

191 8 1
                                    

"Kaiden, pansinin mo naman ako. Ginawa ko lang naman 'yon dahil naaawa ako ng sobra sa kanya. Gustong-gusto ka raw niya kasing makausap para magkabati na kayo kaya ako pumauag sa gusto niya." Paghahabol na usal ni Dreams kay Kaiden na naunang lumabas sa elevator papunta sa unit nito. Malalaking hakbang na ang ginawa niya upang maabutan ito.

Tuloy-tuloy na naglakad si Kaiden papasok sa unit niya at hindi nag-aksaya ng panahon upang sagutin o harapin manlang ang babae. Padabog niyang binuksan ang pintuan at hinagis na lang kung saan ang hawak niyang selpon. Todo kulit naman si Dreams sa kanya na pansinin siya nito at nakabuntot pa ito na parang aso. Sinundan siya ni Dreams papunta sa kusina at mabilis siya nitong pinigilan nang mapansing kumukuha siya ng mga alak sa cabinet.

"Uy! Huwag kang uminom! Hindi naman solusyon 'yan sa problema e. Ang problema, nilalabas, sinasabi, hindi dinadaan sa alak." Sinubukan niyang kunin 'yong bote ng alak kay Kaiden pero mabilis niya itong iniiwas palayo sa kanya.

"Shut up!" Singhal ng lalaki sa kanya't maingat na tinulak siya palayo.

"Uy! Teka lang naman. Pwede mo namang ishare sa'kin 'yong ibang hinanakit mo sa nanay mo e. O di kaya pwede kang humingi ng tulong sa akin, baka may maisip akong paraan para mabawasan 'yang galit mo sa kanya."

"Anong karapatan mong pagharapin kami ng babaeng 'yon? Ha?" Galit na galit na singhal ni Kaiden sa kanya.

"Akala ko kasi makakatulong sa'yo." Sagot ni Dreams. "Tsaka, time na rin siguro para mas makilala niyo ang isa't isa. Hindi biro 'yong almost twenty years na nagkawalay kayo ng Mama mo."

"Wala akong balak na kilalanin 'yong taong sumira ng buhay ko." Tumagay ulit siya sa hawak niyang bote ng alak pagkatapos ay masama niyang tinitigan si Dreams. Kahit takot na takot si Dreams, binalewala niya iyon. "Pwede ba, huwag mo'kong pakialaman? Wala kang karapatan na pangunahan ang mga desisyon na gagawin ko. Hindi ikaw o siya ang makakapagsabi sa akin kung kailan ko dapat siya patawarin. Parehas kayong walang alam sa nararamdaman ko. So you better shut your mouth and mind your own life."

Napasinghal si Dreams at nakahilot sa kanyang sentido. "Hindi ko ginagawa 'to kung hindi ako concern sa'yo. Alam mo, hindi ka makakaalis sa bangungot na 'yan kung hindi ka magigising sa katotohanan. Siguro nga hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo at kung gaano kasakit 'yong mga pinagdaanan mo. Pero sana naman maintindihan mo rin 'yong nararamdaman ng Mama mo. Tao rin siya kagaya mo na nasasaktan. Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon niyo. Kung alam mo lang na nagsisisi siya sa ginawa niya sa inyo ng Papa mo non. Hindi niya 'yon ginusto, Kaiden. Kung ikaw anak na iniwan ng ina, siya naman ay ina na nang-iwan ng anak at asawa na nagsisisi. Mahal na mahal ka niya. Hindi niya ginustong masira ang pamilya niyo kaya intindihin mo rin sana siya."

"Tsk! Paano mo nagagawang maawa sa babaeng 'yon? Ano, nasilaw ka ba sa pera niya? Ha?" Tinalikuran siya ni Kaiden at naglakad patungo sa sala pero napahinto siya nang magsalita si Dreams.

"Hoy! Hindi ito tungkol sa pera ah. Oo, nangangailangan ako pero hindi ko magagawang pumanig o kumampi sa may kayang tao para perahan lang. Hindi porket galit ka don ay dapat galit na rin ako sa kanya. May dahilan siyang hindi mo lang kayang paniwalaan dahil sarili mo lang ang iniisip mo." Hindi na napigilan ni Dreams ang kanyang sarili. Napupunta ba ang usapan nila sa personal niyang buhay. Napag-isipan pa siyang mukhang pera dahil pumanig siya kay Doktora Katlyn.

"Wala ka rin palang pinagkaiba sa kanya e. Hindi na ako magtataka once lumabas 'yang anak mo ay iiwan mo rin kagaya ng ginawa niya."

"Huwag mong idadamay ang anak ko sa usapang ito, labas siya dito." Singhal niya sa lalaking kaharap, nagsisimula na siyang mainis dahil pati anak niya ay dinamay na ni Kaiden sa kanilang usapan. "Gusto ko lang naman makatulong sa'yo, nagbabakasakali akong mabawasan 'yang galit dyan sa puso mo. Kaso mukhang hindi ganon kadali e, sobrang tigas ng puso mo. Sobrang manhid mo, puro sarili mo lang ang iniisip mo."

"Tanginang 'yan." Tumawa ng mapakla si Kaiden saka nakahawak sa kanyang beywang ang isang nitong kamay saka nakatingin siya kay  Dreams na konti na lang ay iiyak na. "Tulong? Gusto mong tumulong? Ponyeta, kaya mong isipin ang problema ng ibang tao tapos 'yang problema sa tyan mo hindi mo kayang hanapan ng solusyon."

"Pak!"

Sa lakas ng pagkakasampal ni Dreams sa kanya, halos mapatingin pa siya sa gilid. Ramdam niya ang kirot ng kanyang psingi matapos makatanggap ng malakas na sampal sa babae. Doon siya natauhan. Doon lamang siya natauhan sa mga salitang lumabas sa bibig niya
Bigla siyang nabalik sa reyalidad at katinuan. Sising-sisi siya sa mga sinabi niya sa babae pero huli na, nasabi na niya. Nasaktan na niya si Dreams na noon ay umiiyak na sa kanyang harapan at matalim na nakatitig sa kanya.

"Tarantado ka! Kung sa tingin mo problema ang batang 'to, sa akin hindi. Ang sakit mo naman magsalita, ikaw na nga 'tong tinutulungan." Nagtagis ng bagang si Dreams at muli siyang nagsalita. "Ginagawa ko ang lahat para ayusin ang buhay ng tatay niya. Ayokong pati sa kanya ay galit ito kaya tinutulungan ko siya. Kung problema ang tingin mo sa batang 'to, para mo na ring ginaya ang nanay mo. Ikaw ang walang pinagkaiba sa kanya hindi ako." Tugon ni Dreams saka kinuha ang mga gamit nito't iniayos.

Napahilot si Kaiden sa kanyang sentido. Nakaramdam siya ng guilt sa kanyang mga nasabi. Kaya naman inilapag niya sa dining table 'yong bote ng alak saka nilapitan si Dreams na inaayos ang kanyang mga gamit na halatang may balak umalis. Patuloy ang pag-iyak nito dahil sa kanyang mga nasabi. Hindi man niya ito napagbuhatan ng kamay, napagsalitaan naman niya ito ng masasakit.

"D-dreams, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon." Hinawakan niya ng bahagya ang balikat ni Dreams pero tinulak siya ng babae palayo sa gawi niya.

"Lumayo ka sa akin." Tugon ni Dreams. "Kung alam ko lang na problema ang tingin mo sa anak ko, sana pala hindi na ako humingi non ng tulong sa'yo. Aalis na ako dito para mabawasan na ang problema sa paningin mo." Isinarado na niya ang zipper ng maleta nito saka isa-isang pinulot pa ang iba nitong gamit na nasa gilid ng sofa.

"Dreams, d-don't do this." Pagmamakaawa niya pero hindi siya pinakinggan ni Dreams at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa may pintuan. "Please... Don't leave me."

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon