Althea's POV.
"Oy, Althea. Bilisan mo na dyan. Malelate na tayo oh. May imemeet pa tayong kliyente." Nagmamadali na ako sa pagaayos. Alam kong ilang na si Batchi kasi kanina pa siya nagaantay sakin. "Chong. ." pang ilang tawag na niya sakin yun.
"Eto na. Tapos na ako. Kunin mo na yu ng susi ng sasakyan. Susuot na lang ako ng sapatos." sabi ko sa kanya bitbit pouch ko at yung heels. Di ko alam kung maayos ba paglagay ko ng make-make-up pero sige na lang. Pagkatapos ko magsuot ng heels, umalis na agad kami ni Batchi. Siya na pinagdrive ko kasi nagmamadali na talaga siya.
"Grabe, antagal mo talaga. Alam mo, ngayon ka lang naging ganyan." sabi niya sakin. "May problema ka ba chong? Napuyat ka ata kagabi eh."
"Wala. Wala akong problema. Marami akong inasikaso kagabi kaya late akong nakatulog." I lied para matabunan kung ano talaga ginawa ko kagabi. Pero alam kong magegets din ni Batchi.
"Hay nako chong. Sakin ka pa talaga magsisinungaling eh noh? Kilala kita. Alam ko kung pano ka magisip kaya wag mo ko rasonan ng ganyan." Hay. Tama nga ako. Nagets nga niya. Pano ko ba sasabihin? "Huhulaan ko. Nagisip ka naman. Hindi tungkol sa trabaho kundi tungkol sa isang TAO. Tama ba?" Tinignan ko si Batchi and I let out a sigh. And naglean back ako sa seat ko. "Oh bat di ka makapagsalita? Tama ako noh?"
"Oo na. Nagisip na naman ako." tumingin ako sa window. I tried to forget it pero hindi ko talaga magawa. Ano ka ba naman, Althea? "Di ko maalis sa isip ko. Kahit anong gawin ko di ko siya matangal sa isip ko, Batchi." bigla ako naluhat pero pinipigilan kong umiyak.
Tumingin sakin saglit si Batchi at nakita niyang mangiyak-mangiyak-iyak ako. "Pst. Ang aga aga umiiyak ka. Tigilan mo yan."
"Di ako umiiyak."
"Anong hindi? Tignan mo nga itchura mo. Wag kang umiyak, Althea. Malapit na tayo oh. May kliyente pa. Hindi ka nila pwedeng makitang umiiyak. Tama na yan, wag mo na muna isipin. Okay?" Hinawakan lang ni Batchi kamay ko hanggang sa makarating kami sa parking lot. Matapos niyang ipark ang car, tinanggal niya seatbelt niya at humarap siya sakin. "Chong, wag na wag mo ng iyak ang taong nangiwan sayo. Alam kong si Jade pa din iniisip mo eh. Pero please lang ah, do yourself a favor naman at mag-move on ka na. It's for your own good din." sabi niya sakin na naka-half smile. "Oh tara na ha? Trabaho na tayo." binitawan niya kamay ko tas bumaba na siya.
Di na ako nakapagsalita. Tama si Batchi, dapat talaga mag-move on na ako. Dapat matagal ko ng ginawa eh. Bakit pa ako umasa na magkikita kami ulit? Pero paano kung magkita nga kami? Ugh. Althea! Tama na nga muna yan. Bumaba na din ako sa kotse, at nilock to then pumasok na sa building. Bakit di ko pa din siya kayang kalimutan?
----------------
Jade's POV.
Nakatingin ako sa sa labas ng window ng car. Tulala. Pupunta raw kami ngayon ni David sa venue ng engagement party namin. I don't really know what to feel. All I know now is para akong aso na sumusunod sa kagustuhan ng pamilya ko. "Jade?" David called out sabay hawak niya sa kamay ko. Nagulat ako then humarap ako sa kanya. "Are you okay? You're a bit jumpy."
I nodded at him and faked a smile. "Oo. .oo naman. Okay lang ako. Nagulat lang ako sayo."
"Okay sige. Malapit na din tayo." di na binitawan ni David ang kamay ko. I wanted so badly to pull my hand off his grip pero kung gawin ko yun baka kung ano na naman isipin niya at magkaproblema na naman. I let out a sigh and tumingin uli ako sa may window.
The moment we arrived sa venue, nauna na siyang bumaba at kinuha phone niya. Then bumaba na din ako. "Tito? Yes yes. Andito na po kami." narinig kong sabi ni David. Obvious na si Dada kausap niya. Nauna na akong pumasok sa building kasi medjo mainit and masakit na sa balat yung heat. Sumunod naman din si David. "Nakausap ko si tito. He asked kung nakarating na raw ba tayo." sabi niya sakin.