Chapter 5: Nakakahiya akong nilalang!!! :'(

762 10 4
                                    

                                 

“Min, sunod ka na lang sa gym?” tanong ni Luna, naghihintay siya sa may door.

“Wait, sabay na ako.” Sinara ko na yung bag ko then head out of the room.

“Di ba you have to go to the auditorium?” tanong niya.

“Practice muna sa gym, malapit na rin naman yung match ah.” Actually matagal pa, sa October pa yun. Pero any delay para pumunta sa auditorium, tatangapin ko ng buong puso, ayaw kong makita yung bakulaw na Duncan na yun.

“Bahala ka,” she said and she took my arm and we walked together, side-by-side.

Medyo malayo din yung gym sa building for classrooms, kasi may separate building kami for the gym, kaya medyo matagal-tagal ding lakad ‘to.

Binabagalan kong maglakad, para siya pang bawas sa oras na kelangan kong i-stay sa auditions. Para-paraan lang yan.

Nung papasok na sana kami ng gym, “Minerva!” nilingon namin ni Luna yung nagtawag, si Richard pala. Mukha siyang hingal na hingal.

“Bakit?” I asked.

“Kasi,” huminga siya ng malalim, “Kelangankanadawdunsa— auditorium, first day mo palang daw late ka na.”

 

“What? Eh may practice kaya kami, at kelangan kong magpaalam kay Sir Chris!” Si Sir Chris yung Coach namin sa Tae Kwon Do.

“Hindi na daw kelangan, inaprubahan daw ni sir na yun muna ang uunahin mo bago ang practice.”

“Ano?” hindi ako makapaniwalang papayag ng ganun-ganun lang si coach.

Without thinking, I rushed papasok ng gym at hinanap agad si coach.

Na-ispottan ko agad siya, nandun siya sa gilid pinapa-stretching yung mga mag-i-sparring for the day.

Binilisan kong puntahan siya, “Sir!” I bowed for respect. I talked while I’m still bowing,“Sir, totoo po bang hinayaan niyo na unahin ko yung drama club na yun kaysa sa practice?” still bowing.

“Yes, I did.” Simpleng sagot niya.

“Pero sir!” tumayo na ako ng matuwid, “Sir, hindi pwede! Paano na lang po yung match ko this…” wala akong maisip na rason.

“May sessions ka naman ng weekends, that will suffice, plus you brought this punishment to yourself, nasa sa’yo na yun how you will make it work ng hindi nacocompromise ang pagprapractice mo.” Sinabi niya ng hindi tumitingin sa akin.

I Think I've Met My Match <fin>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon