A/N: Hello! Maaga ang UD ngayon dahil minamadali ko. Hahaha. May klase na kase ako sa Monday at alam kong magiging busy na ‘ko. Baka di ako makapag-UD ng madalas. So sana, maintindihan ninyo ang sitwasyon ko. Estudyante din ako tulad ng karamihan sa inyo eh. Hehe. So heto na, hope you’ll like this chapter! Enjoy reading!
Quote for the day:
• Love is not finding the right person, but creating a right relationship. It’s not about how much love you have in the beginning, but how much love you have till the end.
----------------------------Kean Jayshin’s POV:
Maaga akong nagising. Tinext ko kaagad si Pearl at nag-reply naman siya na ready na daw si Jewel. Masaya ako na magkakasama kami ngayong araw pero nalulungkot ako kapag pumapasok sa isip ko na ito na ‘yung huling araw na kakausapin ko siya at lalapitan. Siguro kailangan ko na talagang tanggapin na… tapos na ang lahat sa… aming dalawa.
Nang matapos kong ayusin ang sarili ko, nagmadali akong pumunta ng garahe para kuhanin ang sasakyan ko. Pinaandar ko naman ‘yon ng mabilis. Alam naman ni Dad na aalis ako ngayong araw dahil sinabi ko sa kanya kagabi. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating din ako sa kanila. I texted Pearl quickly and told her that I’m outside their house. Pinapasok naman niya ‘ko kaagad. Pagpasok ko pa lang, nakaabang na ang mga matatalim na tingin ni Kuya Johnny.
“Maiwan ko muna kayo ni kuya dito ha. Pupuntahan ko lang si Jewel sa taas.” Paalam ni Pearl.
“Sige.” Tipid kong sagot at umupo kami sa sofa.
“Ito na ang huli, Jayshin. Siguro naman maliwanag sayo ang napagkasunduan. Huwag na huwag mong papabayaan ang kapatid ko. Kundi hindi na ‘ko magdadalawang isip na patayin ka.” Paalala niya. Imbes na matakot ako sa kanya ay ngumiti pa ‘ko.
“Oo, kuya Johnny. Ito na ang huling paglapit ko sa kanya. pagkatapos nito, ako na mismo ang iiwas. Salamat kuya dahil ipinagkatiwala mo siya sakin ngayong araw. Hindi ko siya papabayaan, pangako ‘yan.” Sagot ko.
“Basta, ayokong masaktan ulit siya kaya ko ginagawa ‘to. Sa nangyari noon, parang nagka-phobia ako. At ayoko ng maulit pa ‘yon. Sige na, ayan nap ala siya.” Sagot niya.
“Mapatawad niyo sana ‘ko. Kayong lahat. Patawad sa lahat ng nagawa ko.” Sabi ko at tinapik naman niya ang balikat ko bago tuluyang pumunta ng kusina.
Jewel Krizlee’s POV:
Nag-dress ako ng kulay Navy Blue ngayon. Kahit na labag sa kalooban ko ang magsuot nito, ginawa ko pa rin dahil iyon ang sinabi ni Danielle. Pinuntahan niya kasi ako kagabi at Sinabi niyang may lakad daw kami ni Jayshin ngayong araw at pinagpaalam na niya ‘ko kay kuya kaya heto, pumayag na ‘ko.
Pagkababa ko, nakita ko namang naghihintay na siya. Iba ang dating niya ngayong araw. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Tumayo naman siya nang makalapit na ‘ko. Nakakailang naman.“You look good.” Puri niya.
“Thank you.” Naiilang kong sagot.
“let’s go?”
“Okay.”
“Mag-iingat kayo ha?” nakangiting sabi ni Pearl at inayos ang dress ko.
“Oo, kuya, aalis na kami ah.” Paalam ko.
“Sige, Jayshin, alam mo na.” sabi niya at nagtanguan nalang sila. Ano kayang pinag-usapan nila?
Pagkatapos ‘non ay pinagbuksan na ‘ko ni Jayshin ng pintuan ng kotse. At iyon nga, sinimulan na niyang paandarin ‘yon. Tahimik lang kami sa byahe nang simulan kong basagin ‘yon.

BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...