MNGO-5
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Sinuot ko pabalik ang aking salamin. Ramdam ko parin ang pananayo ng balahibo ko dahil sa kakaibang pakiramdam na namumuo sa loob ko. I can't give a name of what I'm feeling right now. Tinanggal ko ulit ang aking salamin at pinunasan iyon gamit ang dulo ng aking uniform. Iyon ang napili kong paraan upang ma-distract sa presensya ni Trivy. Habang nagpupunas ako ramdam ko parin ang mga titig niya sa akin.
Ramdam na ramdam ko kaya napalunok ulit ako.
I slowly move my eyeballs to look at him. Tanging ang mga mata ko lang ang ginalaw ko upang di niya mahalata na tinitingnan ko siya. He wasn't looking at me anymore. Nakahinga ako ng maluwag. Nakatitig lang siya sa harapan na may ngiti sa kanyang labi. Kakaibang ngiti.
Inalis ko ang aking mga mata sa kanya bago pa niya ako mahuling nakatingin. Bahagya akong humakbang palayo sa kanya. I can't stand standing beside him in a very long time. His presence bothers me so much. I'm still mad at him for dragging me away from Tina when I'm in the middle of humiliating that no-brain bitch. And I'm still mad at him for kissing me.
Napapikit ako ng muling rumihistro sa utak ko ang paghalik niya sa akin. Biglang uminit ang mukha ko. Shit. There's no way I'm blushing right now. This is not the right time to flush, dammit! It's raining and I'm stuck under the waiting shed with the guy I loathe the most. My rival.
"Andrea..."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pagsambit niya sa pangalan ko. Mahina lang yun pero rinig na rinig ko sa kabila ng ingay ng ulan. Shit. Bakit parang heightened lahat ng senses ko ngayon na katabi ko siya? I groaned at the back of my mind. This is not right!
"Andrea..."
Again, I stiffened.
"Andrea..."
Umihip ang malamig na hangin kasabay ng pagbulong niya sa pangalan ko. Mas lalong nanayo ang mga balahibo ko. I shivered because of the cold breeze and his husky voice. I slightly rubbed my palms on my arms to feel some heat pero wala paring kwenta. Basa rin kasi ang mga kamay ko. Wala ring gamit ang panyo ko dahil basang-basa na ito.
Bigla kong nahagip ang aking hininga ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Di ko na kailangan pang manghula kung sino iyon dahil dadalawa lang naman kami rito. At batay na rin sa amoy niya. Napapikit ako ng mariin at pilit pinakalma ang sarili ko. Kahit nakakatulong ang pagyakap niya sa akin upang mawala ang lamig na aking nararamdaman ay di parin nawawala ang pagka-asar at galit ko sa kanya.
I'd rather die freezing than to be in his arms, alive.
Humarap ako sa kanya at agad ko siyang tinulak. "What the hell, Fuentes!", sigaw ko sa kanya. Suddenly, I'm in rage. Nawala ang lamig na naramdaman ko kanina at napalitan iyon ng init. Init ng ulo dahil sa galit. "Bakit mo ba ako niyakap?!"
He just stared at me and I stared at him back. Doon ko napansin na basa rin pala siya. Pero di tulad ko na basang-basa. His hair was damp but not his clothes. Nanaig parin ang tuyo sa damit niya. Napatitig ako sa mukha ng gagong kaharap ko. Peste! Oo na, gwapo siya! At matalino pa. Kaya nga ayaw ko sa kanya.
Because he has it all.
Gwapo na nga, matalino pa. Unlike me, I'm just a brainy but not a beauty. Tang'na. Ang unfair. Pero okay na rin. At least, di ako maganda na walang utak di tulad ng iba. Parang niyog na walang laman sa loob. Walang kwenta.
"Because you're cold.", he answered, dragging me back to reality. Nakatitig parin siya sa akin. Pero ngayon gamit na niya ang kanyang namumungay na mata.
"At sinong may sabing nilalamig ako?!"
"No one. Napansin ko lang.", he answered with a shrug.
Mas lalo akong nainis sa kanya. Marahas akong napabuntong-hininga at bumaling sa labas ng waiting shed. Malakas parin ang ulan at nagsisimula nang may namumuong baha. Muli akong bumaling kay Trivy na nakatitig parin sa akin. Mas pipilii ko pang magpaulan at mabasa at magkasakit kaysa sa manatili rito kasama ang lalaking ito.
Oo. Tama. Tama.
Aalis ako at magpabasa sa ulan kaysa manatili pa rito.
Buo na ang desisyon ko. Tinalikuran ko na siya at akma nang aalis ng hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa katawan niya. Agad bumangga ang katawan ko sa matigas niyang katawa. Bumaon ang mukha ko sa kanyang dibdib at amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang mga braso niya na pumulupot sa baywang ko.
He hugged me tightly and squeezed me. Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. Narinig ko rin ang mahina niyang pagmura. "Fuck. You smell so good. You are so soft and tiny and yet...you are so fierce towards me. How's that, huh.", he laughed. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang pagyakap niya pa lalo sa akin to the point na hindi na ako nakakahinga. "Damn. You feel so good on my body. It makes me want to cuddle you.", naramdaman ko ang pagbaba ng ulo niya. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa tenga ko. I shivered when I felt him kissed me there. "I'm going to make you mine. You will be mine, Andrea. I swear, you will be mine."
Napalunok ako. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.
"Hindi man ngayon pero alam ko...malapit na."
Then he let me go.
And that's my cue to run away from him.
**
10 votes for the next chapter. I need to know kung may nagbabasa pa nito so that I can continue to write this one.
BINABASA MO ANG
Mr. Nice Guy's Obsession
General FictionWhen the Mr. Nice Guy is obsessed. My first ever story on wattpad.