06

10 0 0
                                    


"Renzo, sasali ka sa championship sa weekend?" Si Hart.

Tumango ako. "Oo naman. Championship na yon bro. Matagal ko na 'ring pinaghandaan yon."

"Pero Ren, papano kapag nalaman 'to ng erpat mo?" Ani Jax.

"Tiyak na pagagalitan ka na naman." Singit ni Dos.

Bumuntong-hininga ako at inayos ang pagkakatayo ko habang nakatingin sa sports car ko.

"Hindi niya naman malalaman eh saka pinagbubutihan ko naman ang pag-aaral ko eh."

"Goodluck na lang sa inyo ni Jax." Sabi naman ni Yeori.

Kami nga pala ni Jax ang magka pair sa racing champion at never pa kaming natatalo at hindi ko hahayaang maagaw ng kung sino ang magiging panalo namin.

Inakbayan ako ni Jax.

"Don't worry, kayang-kaya namin ni Renzo manalo." Aniya sabay kindat.

________________________________

Pagkarating ko ng mag isa sa parking area ay nagulat ako ng makita si Jandrix na nakasandal sa kaniyang kotse.

Tinanguan ko siya.

"Nandito ka pala." Ani ko.

"Nandito ka eh."

Unti-unting kumunot ang noo ko at dahan-dahan siyang nilingon.

"Close ba tayo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang paglapit at kinabig ako papalapit sa kaniya kaya nagkadikit ang katawan namin.

"What in the earth are you doing?!" Galit kong sigaw sa kaniya.

Paano pag may makakita sa amin dito?! Nababaliw na ba 'to?!

"Ngayon, close na tayo." He smirked.

Sa inis ko ay malakas ko siyang tinulak at sinuntok.

"You punk! Huwag ka nang magpapakita sa akin!"

Natawa siya at tumayo.

"That's impossible. Bakit? Kasi yung mga kaibigan ko kaibigan na rin ng mga kaibigan mo kaya araw-araw na silang magkikita at siyempre makikita mo na rin ako, Natoy."

Lalong uminit ang ulo ko sa tinawag niya sa akin.

"Ano'ng tinawag mo sakin?! Is that even a name?!"

"Bakit ba? Cute kaya tulad mo."

"Pinapainit mo talaga ulo ko alam mo ba yon ha?! Umalis ka na nga! Bawal ka rito!"

He pouted. "Sa pagkakaalam ko, everyone are welcome pumasok sa school niyo kaya everyday din ako'ng welcome dito."

Mariin ako'ng pumikit. Bakit ba ako nakikipagtalo sa lalaking 'to? I don't even know him saka isang beses pa lang nga kaming nagkita iritang-irita na ako sa kaniya. What a day!

"Renzo!"

Dumating na rin ang mga kaibigan ko kaso kasama din ang mga kaibigan ng lalaking 'to.

"Hey Drix, magkasama pala kayo ni Renzo." Anas ni Troy.

"Hi Renzo." Bati ni Hugh.

Nginitian ko siya. "Hi."

Napatingin kami ng kapain ni Clarence ang mukha ni Jandrix.

"Teka, bakit may pasa ka sa mukha?" Gulat nitong tanong.

Jandrix looked at me.

"Wala yan." Deny nito. "Let's go, may lakad pa tayo. Bye Natoy."

"Shut up Sinbad!"

Napuno naman ng tawanan ang buong parking area. Okay, hindi ko rin inaasahang lalabas yon sa bibig ko. San nga ba nanggaling ang salitang yon?!

Inis kong tiningnan si Dos dahil kanina pa siya tawa ng tawa habang pinapalo ang balikat ko.

"Ano ba?!" Sigaw ko.

Nilingon ko naman si Jandrix at nakangiti pa ito.

Aissshhhh!!!!

________________________________

Neo Boy🤸🏻‍♀️🤸🏻‍♀️🤸🏻‍♀️

Clarence😈
S I N B A D
WAHAHAHAHAHA

Troy🥸
😂😂😂😂
Ganda ng tawagan niyo ni Renzo ah
Natoy at Sinbad HAHAHAHAHA

Jandrix🤡
Kainis kayo!
Tahimik nga tss

Makoy🍑
Sus
Pero kinikilig na yan

Troy🥸
Denial lang yan😏

Clarence😈
Trueeeee!!!
Namumula nga siya kanina eh

Hugh🐻
Kinilig na sa Sinabad???

Troy🥸
Eyyyyy
May bitter😏😂

Makoy🍑
Tsk
Punta ako sa inyo Hugh😊

Hugh🐻
Okay
I'll wait

Clarence😈
LUUUUUHHHHH😱😱😱

Neo Skrrr BoysWhere stories live. Discover now