Lahat ng puno ay pwede mong akyatin
Tulad ng pangarap na pwede mong abutin
Lahat ng problema'y mayroong solusyon
Sa bawat pagdapa, ikaw ay bumangon
Masaktan ka man, mahulog o mabigo
Kahit hatakin pababa o palayo
Mula sa lupa hanggang tuktok ng puno
Ang mahalaga ay huwag kang susuko
Nariyan ang sanga, upang tulungan ka
Di man matibay o marupok ang iba
Kumapit ka't 'wag mawalan ng pag-asa
Nariyan ang Diyos upang gabayan ka
'Pagkat sa tuktok ay anong naramdaman
Sobrang saya't labis na kaginhawaan
Ako'y nadampian ng sinag ng araw
O kay gandang tanawin, aking natanaw
Ang tingin ay napalingon sa itaas
Ang aking nakita ay hinog na prutas
Lasa'y tinikman,itoy napakasarap
Ito ang katas ng aking pagsisikap
Di magagandang bagay ay isantabi
Pagdating sa dulo, sanga'y di nabali
Sapagkat 'pag nagtiwala sa sarili
Makakamtan mo ang iyong minimithi
BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
PoetryHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!