Three months before the disaster...
"HALA! Anong nangyari rito?" nagtatakang sigaw ko nang pumasok sa apartment namin ni Mark, boyfriend ko for three years.
Wala na lahat ng gamit na naipundar namin. 'Yong mini ref, 'yong flat inch TV, 'yong computer set niya na ni-loan ko pa ang pambili, 'yong dalawa naming electric fan, 'yong automatic washing machine na katas ng 13th month pay ko, at pati 'yong makapal na Uratex foam na kakabili ko lang no'ng December, wala na rin!
Ang tanging naiwan lang ay 'yong plastic box na lagayan ko ng mga underwear. Nilapitan ko agad at binuksan at pucha, pati mga Avon bra at panty ko wala na rin! Natira na lang 'yong mga butas-butas na panty at lumang-luma kong mga bra.
"Pati ba naman mga underwear ko, wala na rin!" Mangiyak-ngiyak na 'ko. Collection ko 'yon eh!
Si Mark! Bakit ba ngayon ko lang naisipan na tawagan siya?
Kinuha ko 'yong phone sa backpack ko. Nagsisimula na akong mag-panic.
Napakagat-labi ako habang nagri-ring ang phone. Mark, nasa'n ka na ba? Nasa'n na nga gamit natin?
The subscriber cannot be reached please-
"Kalma, Jackie, kalma." Baka isa 'tong surprise? Nauna nang kinuha ni Mark mga gamit namin kasi lilipat na kami ng apartment. Matagal na naming plano 'yon kaso hindi matuloy-tuloy, kulang pa 'yong ipon naming pang-deposit at renta. Baka nga.
Saglit, tatanungin ko muna si landlady tungkol dito. Malapit lang naman bahay nila-
Napaupo ulit ako no'ng sinubukan kong tumayo. Parang Jelly Ace ang mga binti ko ngayon.
"Jackie! Buti naman at nandito ka na! Bakit ilang araw kang wala?"
Speaking of the landlady, nasa pinto ko na agad siya dala-dala ang abaniko niyang rainbow ang kulay. Tumakbo pa yata 'to, hinihingal eh.
"N-nasa'n na po si Mark? Nakita niyo po ba siya? 'Y-yong mga gamit namin?"
"Ayun na nga ang pinunta ko rito!" Pumasok na siya sa loob ng bahay. "Pagkaalis mo, may dumating na jeep tapos nilagay nila lahat ng gamit niyo do'n. May kasama pa nga siyang maganda tapos mahabang buhok na babae eh. Sabi niya kapatid niya raw, tinulungan siyang maghakot."
Napanganga ako sa mga narinig ko. Kapatid na babae? Puro lalaki mga kapatid ni Mark!
"Hindi mo ba alam na aalis na kayo rito? Sinabi niya sa'kin last week na lilipat na raw kayo ng bahay. 'Wag daw sabihin sa'yo kasi surprise."
Lilipat ng bahay? Plano pa lang namin 'yon!
Pinikit ko muna ang aking beautiful eyes. Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari ngayon. Parang kahapon lang at isang araw nasa Pagudpud ako para sa team building ng company. Sumakay pa ko sa banana boat at nag-jetski. Nag-mukbang din ako ng mga pagkain doon. Tapos wala na akong madadatnan sa bahay?
Mas lalong nanghina ang binti ko kaya 'di ko na magawang tumayo. Ang sakit sa ulo ng mga nalalaman ko. Totoo nga yata ang sabi nila na may kapalit ang kasiyahan. Nag-enjoy ako sa Pagudpud eh!
Umupo na rin si landlady sa tabi ko. "'Wag mong sabihing babae niya 'yon? Aba'y ang kapal ng mukha! Teka nga, ikukuha muna kita ng tubig!" Tumayo na siya at dali-daling tumakbo sa bahay nila na tapat lang ng apartment namin.
Humiga na lang ako sa sahig. Bigla akong nawalan ng lakas na gumalaw o magsalita. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tiles. Ano nga bang susunod kong gagawin? Parang namanhid buong pagkatao ko.
Ilang minuto rin ang nakalipas nang dumating si landlady. "Jackie! 'Eto tubig oh!" Nilapitan niya ako at tinulungan akong makaupo.
"Sinubukan mo na ba siyang i-videocall?" Tanong niya pagkaabot ng bote ng mineral water.
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomansaWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...