#A/B
"Ilang taon na po ba yung bata?"tanong ko.Nakaharap na kami ngayon sa palaisdaan.
"Si Six po ba?"
"Yes."
"Apat na taong gulang Cong.Bakit?"
My heartbeat accelerated.
4 years,4 years na mula ng parang bulang naglaho si Kristina.Ayoko mang isipin ang napaka imposibleng bagay pero iba ang kutob ko.
Pinagmasdan ko si Mang Ador habang nagsasaboy ng feeds sa mga isda.Gusto ko mang ituon doon ang atensyon ko pero talagang hinihila ako ng curiosity sa pagkatao ng bata.
"Ador!Ador!!"
Sabay kaming napalingon sa tumatakbong may katabaang babae.
"O Stella bakit?!"
"Susmaryosep kanina ka pa namin hinahanap si Six!na-nadisgrasya ang bata!kelangan siyang dalhin sa ospital!"
"Ha?Dios ko!"
Tumakbo na kaming tatlo pabalik ng mansyon.
Nagkakagulo na nga doon.Si Karry yakap ang duguang si Six samantalang si Enrique naman ay namumutla at nanghihina.
"What the hell?!anong nangyari?!"
"Sandro,help us!please help us!"nagsusumaong saad ni Karry.
"Sir Enrique!"sigaw ni Manang Stella,tuluyan kasing bumagsak si Enrique at nawalan ng malay.
Histerikal na si Karry kaya bago pa man may mawala sa dalawa ay mabilis na akong kumilos.
"Sa akin na po sasakay si Sir Enrique.Ako po ang nagmamaneho sa pick up niya.At Sir Sandro kayo na po ang maghatid sa malaking ospital kay Six at Maam Karry.Sige na po!"Saad ni Mang Ador.
Binuhat ko agad ang bata,nakasunod naman sa akin si Karry. Sumakay sila sa likuran at mabilis ko ng pinaharurot ang sasakyan.
"What happened Karry?!"
Lubog sa luha na ang mga mata niya."Nahulog siya sa hagdan,kinuha niya kasi yung laruan niya sa kwarto niya,nadulas siya sa hagdan,masama ang bagsak niya,ka-kaya--du-dumugo ang ulo niya-na-nawalan siya ng malay,Sandro!natatakot ako,natatakot akong---"
"Ssshh!walang masamang mangyayari sa kanya,okay calm down..."
Tuloy ang kanyang paghikbi, ako naman ay nag hazard light na,at paulit-ulit ang pagbusina para paraanin kami ng mga sasakyan.
Di nagtagal ay nakarating kami sa Laoag city general hospital.
Binuhat ko si Sais at tinakbo na loob ng emergency room.
"Congressman?!kaninong anak yan?!"saad ni Doc Red,kilala ko siya dahil isa siya sa family doctor namin.
"Red,please help him!please!"
"Sure!here,ihiga mo siya dito."
Mabilis kong hiniga ang bata,na agad namang chineck ni Doc Red.
"Baby ko!anak!dito lang si Mama ha?!dito lang ako baby!hindi ka iiwan ni Mama!baby ko!"Halos ayaw bitawan ni Karry ang kamay ni Sais.
"Misis sa labas na po muna kayo,para mas ma check namin ang bata."
"Hindi ayoko!hindi ko iiwan ang anak ko!"
"Karry,please!"niyakap ko na siya sa beywang.
"Ano ba?!bitawan mo ako!"
"Karry!hindi nila pababayaan ang bata!"
"No!hindi ko iiwan ang anak ko!"
"Sandro!nasa critical level ang pagdurugo sa ulo ng bata!kailangan na natin ng blood transfusion.Miss?magpakuha ka na ng dugo.Ngayon na!"
Umiling si Karry.
"Bakit Miss?"nagtatakang tanong ng doctor.
"Hi-hindi kami pareho ng blood ta-type ng anak ko,hi-hindi---"
"Nurse Rhea,itanong mo sa bloodbank kung may available pa bang dugo para masalinan na natin ang bata!"
"Doc,nagamit na po ng isang pasyenteng inooperahan ngayon ang blood type na kailangan natin!"
"Damn!paano na'to--"
"Red?anong blood type ng bata?"tanong ko.
"A--A/B siya."Nanghihinang sagot ni Karry.
My chest tightened.
"Doc Red....type A/B ako."usal ko.
YOU ARE READING
Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) Completed
Romantik"Mahal?mahal mo lang ako dahil kailangan mo ako,Sandro!kailangan mo ng isang taong sasalo ng lahat ng frustrations mo!lahat ng problema mo,kailangan mo lang ng isang tangang katulad ko na handang ibigay ang buong sarili niya sa kama,para sa isang ka...