9

333 17 3
                                    

#Abduction


"What are you going to do now?"asked Red.

"I dont know Red.I really don't know."

Hindi ko talaga alam,pero isa lang ang sigurado ako ngayon,hindi pa ito ang tamang panahong sabihin kay Karry ang totoo.Dahil kahit na siya, ang pagkakaalam niya ay anak ni Enrique si Sais.

Unlike other stories hindi naman niya ako tinaguan ng anak,the fact is wala talaga siyang maalala.

How did Enrique find her anyway?
Ang nangyari sa kanya ay parang puzzle na hindi ko mabuo-buo sa utak ko.

Kahit medyo nahihilo ay nagtungo ako sa private room na pinagdalhan kay Kristina at sa anak ko.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Sais lying unconsciously in the bed,at nasa bawat gilid niya si Kristina at si...Enrique.

Mahapdi sa mata ang nakikita ko dahil para silang pamilya,and that should be me,ako dapat ang nandyan sa tabi ng aking mag ina and not him.

Enrique kissed Kristina's forehead and kneel.

I gulped,naninikip ang dibdib ko sa nakikita ko.

"Karry, I know this is not the right time to ask you this...but ayokong mawala pa kayo sa akin ni Sais.Please accept my love for you and lets get married tomorrow."

Naguguluhan si Karry,I saw it in her eyes.

"Sandali Enrique,di ba nakaset na naman yung kasal natin?at--"

"I can't wait that long Karry.Baka...baka bumalik ang sakit ko at---"

"Okay,okay Mahal ko."

Nag-angat ng tingin si Enrique."Talaga?pumapayag ka na?"

Napayuko ako at hinayaang maglandas ang mga luha.

Mahigpit na yakap ang sinukli ni Karry kay Enrique.

I stepped back and escape from the painful reality.

Umalis ako sa pinto at nagtungo sa opisina ni Red para na rin magpaalam sa kanyang babalik na muna ako ng resort. Ayokong magtagal pa dito sa ospital dahil nasasakal ako at nabubugbog ang puso ko sa mga di kaayang-ayang tanawin na may koneksyon kay Kristina at sa anak ko. 

May kausap si Red sa telepono,pagkakita niya sa akin ay binaba na niya kaagad ang tawag. 

"Ano?may kailangan ka?"

"Aalis na muna ako Red." 

"Dahil?"

Hindi ako sumagot. 

Tangina naiiyak ako. 

"Okay ka lang?"

Umiling ako. 

Napaupo ako sa couch at binaon ang mukha sa mga palad. 

Ramdam ko ang paglundo ng espasyo sa aking gilid. 

"Sandz,ngayon ka pa ba susuko?anak mo yun Sandz."

"Ikakasal na siya Red, at ayokong sirain ang kung anumang meron sila ni Enrique."

"Pero paano yung anak mo?"

"Hindi ko alam."

Kinuyom ko ang kanang kamao at nilapat yun sa labi ko.

"Ang sakit Red,ako yun, ako dapat yung nasa tabi nilang dalawa."

"Nagkaroon ka ng pagkakataon noon Sandz, pero di ba sinayang mo?"

Hindi ako nakasagot,nasampal ako ng katotohanan. 

Tumayo ako.

"O san ka pupunta?"

"Sa resort,kailangan kong makapag-isip Red."

Paglabas ko sa opisina ay muntik pa kaming magkabanggaan ni Kristina. 

My jaw tightened when our eyes met. 

"Okay ka lang?"she asked. 

'Hindi!hindi ako okay Kristina!' Gusto kong isigaw yun,gusto kong iparating sa kanyang nahihirapan ako,na nasasaktan ako. Pero paano?

"O-okay lang ako."Sa halip ay sinagot ko.

Hindi ko mawari kung bakit pareho kaming hindi natitinag sa kinatatayuan namin,mataman lang kaming nakatitig sa isa't-isa na para bang parehong may gustong sabihin. 

Bumukas ang pinto sa aking likuran at iniluwa si Red. 

"Bakit Miss?may kailangan ka ba?"Red asked Kristina.

Suminghap siya at sa huli ay tumango.

"May sasabihin lang sana ako Doc."Ani Kristina. 

"Sure,halika pasok ka."Ani Red. 

Pumanhik si Kristina,iniwanan naman ako ng makahulugang tingin ni Red. 

----

Days passed at nakauwi na rin si Sais. My son is now in good condition,nakikita ko siya sa resort palagi pero hindi naman ako makalapit.

Today is the day na ikakasal si Karry kay Enrique, it's a simple beach wedding at isa ako sa panauhin. I cant refuse the invitation dahil ayokong sumama ang loob ni Karry. She treated me nicely during my stay in the resort at uuwi na ako bukas.So if this is the last time na masisilayan ko sila,kahit masakit gagawin ko though this means a painful goodbye.

Nakabihis na ako ng brown tuxedo at papunta na ng venue sa tabing dagat ng mapansin kong may dalawang lalaking nakamask na pumasok sa isang cottage kung saan naroon ang bride na si Kristina. 

Walang katao-tao doon maliban sa make up artist dahil nasa venue na lahat ng mga bisita. 

Curiosity strikes me, kaya nagkubli ako sa punong malapit sa cottage. 

I saw Kristina, buhat-buhat siya ng isang lalaki, at si Sais ay karag-karga naman ng isa pa. 

Shit!this is abduction!

Mabilis akong kumilos para saklolohan ang dalawa ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay may nagtakip na ng panyo sa aking labi kaya nakaramdam ako ng hilo at tuluyang nawalan ng malay. 



Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) CompletedWhere stories live. Discover now