Kamusta na aking kaibigan
Sana'y nasa mabuti kang kalagayan
Palaging may ngiti sa mga labi
At nagpapasalamat dahil ginigising Niya tayo palagiTatlong taon na ang nakakalipas
Pero parang kahapon lang din ang mga alaala
Alaala mula ng tayo'y nagkakilala
Mga panahon na isa't isa ang pinagkakaabalahanIisa isahin ko pa ba, siguro ay hindi na
Kung paanong pagkakaibigan natin ay nabuo
Hindi na maalala ang ibang detalye ng bawat kwento
Basta ang alam ko kasama kayo sa bawat pahina ng buhay koMay kanya kanya man tayong pinagkakaabalahan
Hindi man na tayo katulad ng dati kung magusap
Palagi ko kayong pinagdarasal kay Ama
Na sana kayo ay palaging ligtasTulad sa mga nababasa ko
Hindi porke't hindi na tayo katulad noon
Ay mawawala na kayo sa puso't isip ko
Dahil hinding hindi yun magkakatotooDahil palagi kayong naaalala
Kahit saan pa man magpunta
Kahit magkaiba na tayo ng oras
Kayo pa rin ang aking mga kaibiganNa nagsalba sa buhay kong patapos na
Sa buhay kong wala na dapat saysay
Dumating kayo sa hindi inaasahang oras
At binigyan muli ng kulay ang buhay kong wala naDarating ang panahon
Na lahat ng ating mga plano
Ay kukulayan natin at magiging totoo
At ating ipagpapatuloy ang mga nasimulang kwentoUnti unting babalikan mga alaala
Kung paano ba tayo nagsimula
Kung anong nangyari sa buhay ng bawat isa
Habang tayo ay nagsasaya at magkakasama