CHAPTER 32

87 1 0
                                    

CHAPTER 32

Monday

12:30pm

Uwian na namin that time, dagsa ang mga estudyanteng naglalabas pasok sa gate ng school di kalayuan kung saan kami nakatambay ni Jazer

Buo na ang loob kong ayusin ang problema ko kay Fhane gaya ng sinabi sa akin ni Papa kagabi, pero hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan kaya humihingi ako ng konting advice kay Jazer

"Serious Dark? Nakausap mo ang papa mo tungkol dyan!" reaksyon ni Jazer ng sabihin ko sa kanya yung tungkol sa'min ni Papa kagabi

"Oo, nabuko kasi ako ni Papa, pero kung di lang ako pinuntahan ng mama ni Fhane sa bahay hindi mangyayari yun," sagot ko

"Haha, yan ang hirap pag kapitbahay mo lang ang taong binigyan mo ng atraso," sabi ni Jazer "Well mabuti pa nga kausapin mo na lang sya Dark, yung kayong dalawa lang,"

"Eh anong sasabihin ko," tarantang tanong ko

"Sabihin mo ang totoo na wala naman talaga kayong relasyon ni Charlotte," sagot ni Jazer

"Huh! Wag ganun. Uulit nanaman tayo sa umpisa?"

"Oo Dark, yun lang ang nakikita kong paraan kung gusto mo pang bumalik si Fhane dito sa school, ang tanggapin mo sya ng sa ganun ay di na rin sya iiyak, siguro naman matuturuan mo ang puso mo na ibigin sya,"

"Ay grabe, tanggalin na natin ang usapang pag-ibig na yan, ang goal ko lang naman ay maayos to," sabi ko

Habang nakatayo kaming dalawa ni Jazer sa labas ay sabay naming nakita si Kiel na kalalabas lang ng gate di kalayuan sa'min, di nya kami nakita kaya tinawag sya ni Jazer

"Kiel!" sigaw ni Jazer

Agad namang nakilala ni Kiel ang boses ni Jazer kaya di sya nag-atubiling lumapit saming dalawa

"Jazer, at... ah... Dark tama ba?" sabi nya na nakatingin sa aken

"Oo Dark nga," sabi ko

"Haha, di ko pa kasi kabisado lahat ng mga pangalan nyo, anyways anong ginagawa nyo dito, ba't di pa kayo umuuwi?" tanong ni Kiel na sumandal naman sa pader na sinasandalan namin

Lumapit si Jazer sa kanya "ano nga palang nangyari sa inyo ni Fhane nung maiwan kayo sa SM, yung nag groupings?" biglang tanong ni Jazer

"Wala, kinuha ko lang number nya, text nga ako ng text di naman nagrereply eh," sagot ni Kiel

Ngek, mga diskarte talaga eh, kuha agad number, sa pagkakaalam ko kasi di mahilig sa textmate si Fhane (~__~)

"Pero ano na nga pala nangyari dun kay Fhane, bakit di pa rin sya pumapasok?" inosenteng tanong ni Kiel

"Eto nga pinag-uusapan namin, gusto na kasing mag-drop ni Fhane," sagot ko

"Ano!" gulat na sabi nya na nagpaalis sa kanya sa pagkakasandal "Paanong! Hala!"

Sa di malamang dahilan ay parang na-praning itong si Kiel at bigla nalang itong nagmadaling lumakad palayo

"Hoy saan ka pupunta?" tanong ko

"Kila Fhane!" sagot nya

"Huy sandale!" pagpipigil ko pero di sya nakinig

Pagkatapos ay lumapit sa akin si Jazer "Hayaan mo si Kiel, babalik din yan, nagkakaganyan lang yan dahil type nya talaga si Fhane," sabi nya

"Kung ganon seryoso talaga sya kay Fhane?"

"Oo, kaya nga natuwa sya ng malaman nyang wala naman pala kayong relasyon ni Fhane..." sagot ni Jazer "...hay pagmamahal nga naman, minsan di mo na alam na nagpapakatanga ka na, dahil kadalasan utos na ng puso nasusunod at nakakalimutan mo ng paganahin ang utak mo,"

"Ano naman ibig sabihin nun Jazer?" sabi ko

"Ayan oh," sagot ni Jazer na may tinuturo sa likod ko

Pagtingin ko, nakita ko ulit si Kiel na nasa likod ko at tila humahangos

"Saan nga ba nakatira si Fhane?" bigla nyang tanong

"Nge!" reaksyon ko

Pagkatapos ay tumawa si Jazer habang papalapit kay Kiel "Haha, relax lang kasi Kiel, hayaan muna natin si Dark ang umayos ng lahat ng ito," sabi nya

"Ba't kasi naman ngayon nyo lang sinabi to," sabi ni Kiel

"Kalma lang Kiel, lahat naman tayo dito hindi alam na ganito ang mangyayari," sabi ni Jazer "...maski ako, nabigla nung malaman na umiyak si Fhane ng ganun,"

"Umiyak si Fhane?" nabiglang tanong ni Kiel

"Oo, sabi sa'ken nitong si Dark," sagot ni Jazer "...apektado talaga sya sa nakita nya," *sigh*

Habang pinapakinggan ko sila Kiel at Jazer na magkausap, may isang bagay akong napansin kay Kiel, nakatingin sya sa akin, hindi ko man mabasa ang emosyon nya ngunit malinaw ko namang nababasa ang iniisip nya

( Sorry brad, di ko na kaya ang mga nangyayaring to, hindi ko gusto na malaman na may umiiyak na isang babae lalo na't kilala ko. Sorry )

Hindi ko alam kung bakit nag-sosorry si Kiel sa isip nya, pero pagkatapos ay bigla na lang sya naglakad palayo sa amin ni Jazer

"Kiel, uuwi ka na?" tanong ni Jazer

"Oo bukas nalang ulet brad," sagot nya

Medyo kinabahan ako sa maaaring gawin ni Kiel, pakiramdam ko may gagawin syang hindi ko magugustuhan

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon