HOW DARE YOU

109K 1.9K 153
                                    

•••

"Hoy, Raffa Greyson!" Halos mabiyak ang lupa dahil sa lakas ng aking pagtawag sa lalakeng ilang hakbang lamang ang layo mula sa akin.

Lahat tuloy ng mga tao na nasa paligid ay napabaling sa nang-gagalaiti kong hitsura dahil sa gulat.

But who cares, huh?

Ngayong nabigyan na akong muli ng magandang pagkakataon upang kumprontahin ang nilalang na syang dahilan ng  pagka-stranded ko sa lugar na iyon, sapalagay ba nila ay palalampasin ko ang sandaling iyon?

Nuh-ah.

They better think twice.

Sobrang nagpupuyos ang aking dibdib sa galit at nararamdaman kong tila sasabog na iyon anumang oras. Kaya naman wala ng makapipigil pa sa akin na harapin si Raffa Greyson na abala sa pakikipag-usap sa isa sa mga kampon nito sa sandaling 'yon.

Yes, I used the word 'kampon'
cause for me, Raffa Greyson was the devil himself and those people who lived in that creppy place were his minions.

Oh, how I hated them just as much as I hated him.

At sa mga sandaling ito, isinusumpa ko na matitikman ni Raffa ang tindi ng h-a-t-e kong iyon.

So I walked towards him with squinted eyes. Halos umusok din ang mga butas ng aking ilong at mga tenga sa pagka-imbyerna.

But I automatically stopped from my tracks as the chinky despicable excuse of a man turned around and faced me.

Awtomatikong nagsalubong ang aming mga paningin. His chinky eyes settled into mine with surprise.

But the moment I fixed mine into his, I almost gasped and grabbed my chest as my heart suddenly twitched painfully inside of it.

What the heck was that?

Kailan pa ako nagka-problema sa puso?

O baka dahil sa labis na pag-inom ng kape kaya naging abnormal na ang heartbeat ko?

O baka naman dahil sa 'to the highest level' ng rage ko kay Raffa Greyson kaya nagka-heart desease na ako ngayon.

My jaw clenched and I glared at him.

I should have known na wala talagang dulot na mabuti ang singkit na lalakeng ito sa akin eh.

Pero sandali, kailangan ko munang kumalma. Mamaya ko na iintindihin ang tungkol sa bagay na may kinalaman sa aking kalusugan.

Dahil may bagay na dapat akong unahin bago pa mawala ang aking 'once in a lifetime chance'.

Ibinalik ko ang aking atensyon kay Raffa. And right from his spot, I noticed how amusement reflected from his eyes.

I huffed.

Seryoso, naaaliw ba talaga ito?

He's not taking me seriously and it made me even more pissed.

Raffa smirked and crossed his arms above his chest. "Another escape, I guess."

I rolled my eyes at him and replied. "Ay hindi ako 'to. Isang multo lang ang nakikita mo."

Well, sarcasm is my middle name, duh.

Inaasahan ko na maiirita ito dahil sa pabalang kong pagsagot ngunit sa aking pagka-dismaya, lalo lang lumapad ang ngisi ng damuho. Even the man beside him began to laugh too.

Nagtikwasan ang aking mga perpektong kilay.

At ano naman ang nakakatawa, aber?

Mukha ba akong clown?

Seriously, were those jerks making fun of me?

I snickered.

Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit napaka-laki ng pagkadisgusto ko kay Raffa.

There were so many things that made me despised him. At upang mas maging malinaw, iisa-isahin ko ang mga dahilang iyon.

Una, nang aksidenteng maligaw ako sa kakaibang lugar na iyon ay sapilitan akong binihag ni Raffa at nga mga kampon nito.

The place was like a big compound. Pinalilibutan iyon ng mga matataas na pader at makakapal na bakal na bakod.

Creepy right?

Now the second reason.

Iyon ay dahil ayaw nila akong pakawalan kahit anong gawin kong pagmamaka-awa.

I am innocent.

Wala din akong pera para hingian ng ransom ng mga ito.

Although my grand lolo is filthy rich, those were not mine.

So kiber me.

Ngayon ang kahulihang dahilan na aking labis na ikina-iinis ay naglagay si Raffa Greyson ng bantay sa labas ng kuwarto kung saan ako ikinukulong ng mga ito.

Ka-stress hindi ba?

Pero infairness, guwapo ang bantay kong iyon buti na lang at hindi ako basta nakukuha sa kaguwapuhan lang.

Hindi ako kailanman papayag na maging sunod-sunuran dito at sa tsinitong amo nito.

And thankfully, I was such a clever girl dahil pang apat na beses nang natakasan ko ang personal bantay kong iyon.

Served him right for being impossiby loyal to that devil Raffa Greyson.

And that chinky devil, how I loathed him and his handsome face and amazing body.

Tsk.

Paanong ang isang taong walang konsensya na pasimuno ng pag-kidnap sa walang kalaban-labang babae na tulad ko ay biniyayan ng ganoong kakisigan?

Oh how unfair life was.

Bumalik sa pangkasalukuyan ang aking diwa ng marinig ang malakas na pagtawa nina Raffa Greyson at ng mokong na sanggang dikit na minion nito?

Dahil doon, nagtagis ang aking bagang.

Those stupid jerks should learn not to mess with me. I am Shin Rivas and no one can make this amazing woman a laughing stock, ever!

Bago ko pa mapigilan ang aking sarili ay mabilis na ini-hakbang ko ang aking mga paa patungo sa mga ito.

Nang hustong makalapit ako sa tsinitong aking arch-nemesis ay agad kumuyom ang kaliwa kong kamay.

"How dare you!" I spat at Raffa Greyson and then gave him a powerful straight blow on his handsome face that made his head turned 45°.

"There!" Kuntentong napangisi ako kahit tila nag-crack ang mga kawawang buto sa aking kamay.

I proudly lifted my chin up and pointed a finger at him. "Do not mess with me, ever!" I sneered at him and then flipped my hair.

Napuno ng singhap ang buong paligid sa pagka-shock sa aking ginawa.

I smirked.

Who cares? Kaya ko kayang manuntok, 'no!

If they got a problem with that, then fucking bite me.

I mentally praised myself but suddenly frowned and touched my bruised knuckles.

Hindi ko maintindhan pero parang nakaramdam ako ng tila boltahe ng kuryente sa aking katawan nang lumapat ang aking kamao sa pisngi ng lalakeng aking sinuntok.

I blinked.

Weird.

BLUEMOON | (Published) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon