A.N.// After 3 freaking years... Natuloy ko na ang pagsusulat nito! Whoo!!
Nakagraduate na rin sa wakas! Hahahaha!For those who waited and stayed Im sorry and thank you! Please continue to read 😉
_________________________________
Song 13: Crash
One month has passed, and still I could smell the fishiness.
Nasa loob kami recording room. Well actually nasa labas ako at ang Variance ang nasa loob, naga-practice.
"Great job, guys!" Sabi nung director.
"Take 5!"
Ok! Time to act.
Kinuha ko agad ang pinakamalapit na mineral water. Di man okay, pero sorry na lang sa may ari.
"Ray, tubig." Inabot ko ang mineral water kay Ray.
"Thanks Nica." He smiled.
Oh, I just love that smile.
"Ako, may tubig ako?" Naki-epal si Gyn.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Kala mo naman kung sino.
"Just kidding."
What was that?
Did Gyn actually joke about something?
May nakain ata itong batang ito simula nung last month. Ewan ko ba. Wala naman akong pake pero parang nagbago siya.
Ewan! Di ko maintindihan.
Ok. Whatever. Not my concern.
"Okay, guys! Lets record that song again" the producer said. "And oh, Ms. Santos. Please ready the boy's new song by next week. That will be the last song in the album"
At pumasok uli ang boys sa recording room.
Ako naman ay naiwan sa labas. So I took the time to tour the building. Mag-one month na ako nandito, pero in-out lang, and usually naka-upo lang ako sa lounge. So now, since I needed inspiration, napaikot-ikot na lang ako sa building.
"So when is this new band gonna start?" may narinig ako na medyo malalim na boses n lalaki. Sumilip ako ng konti. Sorry kung nag-eavesdrop... pero may masamang kutob ako.
"Dont worry sir. They will not steal your spotlight."
"Good. I want that Variance out of this building after they record. Kung may makakaalam na nagrecording lang sila dito para 'ibigay' sa akin ang mga songs nila, masisira ang reputation ko. Steal their songs and break them up. Siguro naman kaya niyo yan"
"No problem sir. Matagal na nating ginagawa ito"
Oh my gosh! A stealer stealing the former stealer's stolen song! I don't like Gyn, pero mas ayaw ko naman na masira lang ang Variance nang ganun lang. I need to warn them!
Eh sa pagka-engot ko, nadapa ako "Ay, tuka ng manok!" Dali-dali ako tumayo at tumingin sa kanila... At sila naman ang tumingin sa akin.
"Hi! Hahaha! Big fan, here... Big fan! Grabe ko kasaya ngayon na makita ka na baka makasuka ako... So I'm just gonna go! Nice seeing you!" Nag-wave ako ng bye at lumakad ng mabilis paalis.
Sana naman hindi nila kilala si Nica Santos, ang songwriter ng Variance o patay na tayo dyan!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~Gyn's POV~"You can go home now boys! Thank you for the time"
"Ahh, sir. Kailan ba namin marinig na ang finished product? Parang mag-two months na, wala pang publications"
"Wag kang mag-alala Gyn-boy. Magiging sikat rin kayo!"
"Hindi naman sa ganun" Pero ganun talaga! T***-*** ang tagal naman. Sige lang kami practice ng record ng practice. Pero what to do, the price we must pay.
Paalis na kami barkada biglang sumulpot na boses.
"Hoy, lalaki!"
"Ano nanaman babae?"
"Usap tayo".
At sa hindi ko alam na dahilan, hinawakan niya ang aking kamay at dinala sa isang sulok. Naramdaman ko ang isang kirot... A jolt of electricity...
And I panicked."So, ano na?!" Binawi ko ang aking kamay.
"Umm... Well..." mukhang natataranta at nauutal siya.
Hmmm? Eto na ba?! Eto na ba ang inaantay kong pag-amin niya na sa totoo, may gusto siya sa akin at nagpapansin lang kung galit? Hahaha! Sa wakas, she will confess, ipahiya ko siya, and I will have my revenge!
"Ganito kasi yan, may-" sinimulan niya.
"Oo, alam ko. May crush ka sa akin." sabi ko
.
.
.
"Huh?!?""Pero sorry. Di kita type."
"HUUUUUUUHHH?!!?!?!?
Okay, tigil ang lahat! Hold the phones! Itigil ang ikot ng mundo! Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideya na iyan, o mayabang ka lang na pa-preskong hari nang kayabangan, pero ipasok mo ito sa isipan mo. Di kita crush! Never kita maging crush! As in NEVER!""Good! Kasi ayaw ko na isang pangit na babae na tulad mo ay maghahabol sa isang lalaki na tulad ko. Nakakababa ng self-confidence."
"Ay grabe naman makalait. Makawala nang dignidad! Tutulungan na sana kita sa magiging problema mo, pero wala na. Wag nalang. You dont deserve anything"
At umalis siya.
I should not feel guilty.
I shouldn't!
Sabihan pa naman ako na never siya magkakagusto sa akin! Kahit wala akong pake sa mga opinyon niya, parang may kirot ang mga sinabi niya. Walang nakakatiis sa kagwapuhan kong ito! Maka-walang ego.
Pero...
Sumobra na ata ako.
Kasi nakita ko...
Nakita kong may tumulong luha sa kanyang mata.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~Nica's POV~Sumobra na siya. Sabihan pa naman na crush ko siya tapos laitin pa naman ako na pangit! Grabe na ha!
"Gahhh!!" Sinigaw ko sa harap ng building. May mga tumingin sa akin, na para ba akong baliw... pero di ko sila pinansin. Di ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko. May halong galit at lungkot ang mga ito.
And to think naging concerned ako sa kanya, sa kanila nang Variance. Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang mga naganap ngayon. Yung lalaki ka kausap ng producer. Yung mga binitaw na mga salita...
Sabihin ko ba sa Variance members ang narinig ko? As if naman pakinggan nila ako. If pakinggan naman nila ako, tiklop naman sila sa leader nila.
Sorry Ray. Hindi siguro muna ako magpapakita. Hindi ko kayang makita ang lalaking iyon. Di ko alam kung ano ang mangyayari pero sa ngayon
Lalayo muna ako.
____________________________________
A/N: Yey! No song... Pero abangan ang next chapter dahil...It will just get more interesting.
BINABASA MO ANG
Rockstar Prince
Teen FictionStory of a girl Story of a band and how destiny took it's turn when the band stole the girl's song!? Meet Nica Santos, an ordinary girl whose hobbies are far varied - from studying to writing songs; and a band named Variance who's aspiring to be a R...