Chapter 13

166 6 0
                                    

NAGLULUTO ako ngayon sa kusina habang si Kiro ay nasa gilid pinapanood ako magluto. Kanina ko pa siya sinusubukan kausapin pero hindi n'ya ako sinasagot tuwing magtatanong naman ako na oo at hindi lang ang sagot ay natango at nailing lang siya.

Kaya hinayaan ko na lang muna siya. Maulan ngayong gabi kaya naisipan kong magluto ng nilagang baboy para may sabaw ang ulam namin.

"Ate nakulo na ang sinaing" mahinang saad ni Kiro na nakaabot naman sa aking panrinig.

Napatingin ako sa kaniya ng sandali. Dahil nagsalita na siya.

"Ikaw muna ang mag-asikaso sa kanin, diba marunong ka naman na..." saad ko

Inasikaso niya ang sinaing habang ako'y patuloy sa pagluluto. Tinitingnan ko siya habang binabantayan ang sinaing.

Nang natapos na ako sa pagluluto ay sakto rin na naluto na ang kanin. Noon ay hindi nakain ng kanin sila Master pero nung dumating ako ay palagi na silang nakain ng kanin kaya nagkalaman-laman na silang dalawa.

"Ate, tapos ka na magluto?"

"Ahh oo, sandali lang maghahain na ako", nang kukunin ko na ang malaking mangkok para lagyan ng kanin ay biglang itong lumipad patungo kay Kiro.

"Ako na maglalagay ng kanin" walang emosyon niyang saad

"Ahh sige" maikli kong sagot. Nakakapanibago ang kilos ni Kiro, hindi ako sanay na ganiyan siya.

Kinuha ko na lamang ang mga plato at kubyertos para ilagay sa long table. Si Kiro na rin ang kumuha ng mga baso at tubig.

"Handa na ba ang hapunan?" napatingin kaming parehas sa may malaking pintuan ng dining hall at nakita namin si Master

"Opo Master, kain na po tayo" saad ko

Sabay sabay at tahimik kaming kumain na tatlo. Ang tanging ingay na naririnig ko lamang ay ang tunog ng aming mga kubyertos. Ang lamig na nga ng panahon tapos ang lamig pa nila.

Kasalanan ko ito ehh. Ba't ko Kasi yon ginawa? Ganon na ba ako ka bored sa buhay ko? Nakakainis talaga ako ehh. Sana kainin na lang ako ng lupa, wahhhhh.

"You're overreacting"

"Ako pa talaga OA? Sino ba umiyak sa ating dalawa?"

"It's your fault, kung bakit ako umiyak"

"Nag-sorry na nga ako ehhh"

"Tsk, sorry is not enough."

"Did something happened?" tanong ni Master

Muntik na akong mabulunan ng marinig na magtanong si Master. Nakalimutan kong nandiyan pala si Master, "po?" mahina kong tanong

"May nangyari ba?" Tanong ni Master

"Wala po Master, bakit po?"

" Bakit ang tahimik niyong dalawa? Hindi naman kayo ganiyan kapag nakain kayong dalawa. Madalas pa nga kayong mag-away tuwing nakain"

"We're just tired, Master." walang emosyong saad ni Kiro

"Really?" Kunot noo na tanong ni Master

"Opo Master, pagod lang kami" saad ko

"Bakit namumula ang mga mata ni, Kiro?"

Napatingin naman ako kay Kiro. Nagtama ang mga mata namin pero mabilis siyang umiwas ng tingin.

"It's nothing, napuwing lang ako kanina, Master." palusot ni Kiro

"Napuwing? Hindi ba kayo naglilinis ni Jade?" Naks na palusot na yan mukhang mapapagalitan pa kami.

"Naglilinis naman po kami Master. Malinis po ang buong mansyon wag kayong mag-alala. Napuwing lang po kanina si Kiro dahil pagkabukas niya ng bintana ay saktong malakas ang hangin sa labas kaya napuwing po siya" palusot ko

"Ahh ganon ba"

"Opo Master kaya wag na po kayo mag-alala" buti na lang naniwala

Natapos na kaming kumain at ngayon ay naguusap sila Master at Kiro malapit sa may bintana habang ako ay inaayos ang aming pinagkainan.

Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha ni Kiro kanina ay wala itong imik at parang inaantok ngayon ay tila galit. Dahil sa salubong niyang kilay at sa sobrang pagkakatiklop ng kaniyang kamao.

Ano kaya ang kanilang pinaguusapan?Natapos na rin ako sa aking ginagawa kaya naisipan ko lumapit sa kanilang dalawa nang papalapit na ako ay nag-tama ang tingin naming dalawa ni Master ngunit bumalik rin naman agad ang tingin niya kay Kiro.

"Go to my office later, Kiro" utos ni Master kay Kiro

"Yes, Master" tugon ni Kiro

Aalis na sana si Kiro ng hawakan ko ang kaniyang braso at pinigilan siya. "Kiro pwede ba tayo mag-usap?

"Sure" maikli nitong sagot

"Kiro, I know you're mad at me. Sorry hindi ko naman kasi alam na may sentimental value sayo yung kwintas na iyon." saad ko

"I'm not mad at you Ate..."

Ehh, ano daw? 'Di daw sya galit, weh.

"Kiro, it's okay kahit hindi mo ako tawagin na ate, hindi ko na ulit papakailaman ang mga gamit mo."

Napangiti lamang siya sa mga sinabi ko. "I will call you Ate from now on, don't worry it's my own choice to call you Ate..."

"Huh? Bakit? Anong meron?"

" I will explain it to you later Ate "

Teka, mamaya pa? So kailangan ko munang mag-overthink?

Umalis si Kiro ng may malaking ngiti. Ano kaya ang nangyari don? Baka binabalak non nagantihan ako. Ano kaya sasabihin n'ya sa'kin?

Nagpunta na lamang ako sa library upang magbasa ng mga libro. Sobrang tahimik ng lugar na ito, lalo kapag gabi. Nakakatakot para akong nasa horror movie kasi rinig na rinig ang tunog ng sapatos ko habang naglalakad.

Pumunta ako kung saan nakapwesto ang malaking hagdan na ginagamit namin para mahanap at makuha ang mga libro na nasa pinakataas.

Habang nasa taas ako may isang libro ang nakakuha ng aking atensiyon. It's color maroon and it has a rose symbol with a title of History of Zabini Academy.

"Zabini Academy..."

Diba doon kami papasok ni Kiro. Dahil hindi ko napigilan ang aking kuryosidad ay binasa ko ang libro.

The Zabini Academy was built during the time of the Fifth King "Castiel Adrik Wendham". Many people objected to the construction of the Academy because the person who wanted to build the academy was a woman. However, the construction of the academy continued due to the great debt of King Castiel Adrik Wendham to the woman who wants to build the Zabini Academy. Many people tried to destroy and take the woman's life, but they all failed. Because the woman has strong power every time she uses it, it seems that she never runs out of MANA. This is the time when women and men began to have equal rights in the Wendham Kingdom.

Bakit hindi nakalagay dito pangalan ng babae? Tiningnan ko sa kabilang page baka nandun ang pangalan ng nagpatayo ng academy pero hindi ko nakita. Tiningnan ko pa ang ibang mga page ng libro. Napatigil ako ng makita ang pangalan ng ika-anim na Hari na si Cadmian Roy Wendham.

Ano ba kasi pangalan nung babae?! Tsaka may nabanggit dito tungkol sa Mana ng babae.

[EDITED]

Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess FamilyWhere stories live. Discover now