CHAPTER 17.
Third Person's POV.
Tahimik na nakaupo si Scarlet habang nagbabalat ng apple at si Dominic naman ay nililigpit ang mga kalat na nasa sahig. Napatingin si Scarlet sa wall clock at alas 2 na pala ng madaling araw ni-hindi man lang siya makatulog.
Pasulyap-sulyap siya sa pintuan nagbabasakaling bumukas ito. Napailing na lamang siya dahil sa kaniyang ginagawa, bakit niya ba hinihintay ang taong yun? At bakit ba siya naiinis kakahintay kay Martin?
"Naku Insan, kumalma ka muna diyan. Baka masugatan ka niyan ako pa ang malalagot."
Nabalik siya sa reyalidad nang marinig ang boses ni Dominic. Tinignan niya si Dominic at nakangisi ito bago humalakhak ng tawa. Kunot-noo naman niyang tinignan ang apple at nakitang hindi na pala siya nagbabalat kundi nagi-slice na. Napansin pa niya ang kaniyang kamay na hawak ang maliit na kutsilyo na parang nanggigigil.
Napapikit siya ng mariin bago nilapag ang kutsilyo sa mesa na nasa likuran niya. Nilagay naman niya ang apple sa maliit na pinggan at tinignan ang kaniyang anak at bumuntong hininga.
Hinawakan niya ang kamay nito at dinikit sa kaniyang pisnge. Hindi naman niya maiwasan na matitigan ang iilan na bandages sa katawan ni Hanzo dahil sa mga pasa nito.
"Gising na anak. Kailangan mo pa kilalanin yung Ama mo. Paniguradong magiging masaya ang bawat araw mo kapag nakilala mo na ang Daddy mo. Alam mo anak? Kamukhang-kamukha mo talaga si Daddy mo nong bata pa siya. Ang kaso nga lang ay magkaiba ang ugali niyo. Yung Daddy mo ay napakasungit nong bata pa siya, pero nag-bago yun nong lumaki na siya at nakilala ako. Mula sa pagiging masungit ay naging mabait ang Daddy mo sa akin, pero sa akin lang. Minsan ay nagiging masungit yung Daddy mo sa ibang tao. Pero marunong magmahal yung Daddy mo. Alam mo bang Boss ko yung Daddy mo? Hindi ko yun in-expect anak. Masaya nga ako nong nalaman kong nagkausap kayo ng Daddy mo. I'm sorry anak kung hindi agad sinabi ni Mommy yung tungkol sa Daddy mo. Natatakot lang kasi si Mommy na baka kukunin ka sa akin at ilayo.", Kausap niya dito pero nagulat siya nang may sumabat.
"I'm not gonna do that."
Mabilis siyang napalingon sa pintuan nang marinig doon ang boses. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang bumungad sa kaniya si Martin na nakasandal sa pintuan habang naka-ekis ang mga braso nito sa dibdib.
Tumayo ito ng maayos at nagsimula nang maglakad patungo sa kaniyang kinaroroonan. Pasimple naman na napairap si Scarlet at bumuga ng hangin.
"Saan ka ba galing? Ilang oras kang wala dito at sabi mo SAGLIT LANG. Ano ba ang ginagawa mo? Kita mo nga ang sitwasyon ng bata ngayon tapos ikaw, aalis ka ng walang paalam? Iiwan mo nalang ba kami dito ng anak mo?", Masungit niyang sambit na ikinatigil ni Martin sa paglalakad.
Binalot sila ng katahimikan at parang ngayon lang napansin ni Scarlet ang kaniyang pinagsasabi dito kaya agad siyang napaiwas ng tingin. Hindi naman niya sinadya na sabihin iyon kay Martin. Hindi naman agad maiwasan ni Martin na makaramdam ng saya nang marinig ang sumbat galing kay Scarlet.
Isang ngisi ang pumaskil sa labi ni Martin bago dahan-dahan na lumapit kay Scarlet. Nang makalapit na siya ay tinitigan niya ang mukha ni Scarlet na ngayon ay hindi na makatingin sa kaniya.
"Are you worried about me?", Nakangisi niyang sambit.
Tinignan siya ni Scarlet at inirapan. Isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig niya at nagsalitang muli.
"This is the first time that you said that to me.", Nakangiti niyang sabi.
Hindi sumagot si Scarlet at nakatitig lamang sa anak niya habang nakahawak ang kamay nito sa kamay ng bata. Hinaplos ni Martin ang ulo ni Scarlet at hinalikan ito.